backup og meta

Sex Headaches: Paano Ito Maiibsan?

Sex Headaches: Paano Ito Maiibsan?

Ang pakikipagtalik ay karaniwang napakasarap na karanasan sa pagitan ng dalawang tao. Ngunit sa bihirang mga kaso, ilan sa mga tao ang sumasakit ang ulo habang nakikipagtalik. Kung ito ay nangyari sa iyo, maaaring ikaw ay mayroong orgasm o sex headaches.

Sa artikulong ito, tatalakayin natin kung anong uri ng sakit sa ulo ito, ano ang sanhi, at ano ang available na lunas sa orgasm/sex headaches, o kung ito ba ay mas malalim pa. Gayunpaman, ang uri ng sakit na ito ay hindi kailangan na pumigil sa pagiging masaya habang nakikipagtalik sa iyong partner at hindi dapat maaapektuhan nito ang kalidad ng iyong sex life.

sex headaches

Ano Ang Orgasm Headache o Sex Headaches?

Kilala rin sa tawag na sex headaches o primary headache na kaugnay ng sexual activity, ang ganitong uri ng sakit sa ulo ay mararamdaman na dull pain sa ulo at bahaging leeg.

Ang sakit ay mararamdaman kung tumaas ang sekswal na pananabik. Maaari din itong biglaan at napakasakit, na nangyayari bago o habang nag o-orgasm. Ito ay maaaring tumagal ng ilang mga minuto, ngunit ang marami ay nararanasan ito kada clusters sa loob ng ilang mga buwan.

Ang ilang mga tao ay nararanasan rin ang sakit ng ulo na ito ng isang minuto hanggang 24 oras na may malalang sakit, habang ang ilan ay tumatagal ng 72 na oras na may mild na sakit. Ang ganitong uri ng sakit sa ulo ay nangyayari sa parehong side at sa likod ng ulo.

Ano Ang Sanhi Nito?

Walang eksaktong naiulat na sanhi ng ganitong sakit sa ulo, ngunit ang dull type ay sinasabing dahil sa muscle contraction sa ulo at leeg (tulad ng tension headache). Ang biglaang uri ay tinatawag ding explosive headache — ito ay pinaniniwalaan na sanhi ng pagbabago ng regulasyon ng blood vessels. Ito ay humantong sa paglaki o pag-dilate ng blood vessels, tulad ng nangyayari kung mayroon kang migraine.

Paggamot Sa Orgasm Headache

Ang mga analgesic (painkillers) tulad ng ibuprofen o acetaminophen ay hindi kinokonsiderang epektibo bilang gamot sa orgasm o sex headaches. Sa halip, ang sakit na ulo na ito ay karaniwang sinosolusyonan sa paggamit ng non-steroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs). Ito’y karaniwang nirereseta para sa sakit, inflammation at lagnat.

  • Indomethacin: Ito ay ginagamit upang mawala ang mild hanggang moderate na sakit maging ang sintomas ng arthritis.
  • Triptans: Ang gamot na ito ay unang depensa laban sa acute migraines.
  • Propranolol: Ang ganitong uri ng gamot ay nabibilang sa ilalim ng beta-blockers, na ginagamit upang bumaba ang blood pressure. Kahit na ganito, ginagamit din ito upang lunasan ang migraines.

Gayunpaman, ang paggamot sa orgasm ay maaaring nasa preventive solutions. Isa sa mga paraan ay ang pagkonsumo ng mga niresetang gamot ng doktor. Ang ibang paraan ay pag-iwas sa pagiging aktibo sa pakikipagtalik.

Kailan Dapat Mag-Ingat?

Kahit na ito ay orgasm headaches, kailangan mo pa ring alalahanin ang mga posibleng kasalukuyang kondisyon. Halimbawa, ang explosive headaches ay maaaring iugnay sa mga sumusunod:

  • Intracranial aneurysm: Ito ay tumutukoy sa paglaki ng artery wall sa loob ng utak.
  • Abnormal connection ng arteries at veins sa utak: Ito ay maaaring magresulta sa pagdurugo sa spinal fluid-filled space sa paligid ng utak.
  • Subarachnoid hemorrhage: Pagdurugo sa paligid ng utak.
  • Stroke: Naaapektuhan nito ang arteries na humahantong at nanatili sa loob ng utak.
  • Coronary artery disease: Ito ang accumulation ng plaque sa arteries na nagdadala ng oxygen-carrying blood sa puso. Ang pagkakaroon ng plaque ay maaaring maging sanhi ng blockage, na nagreresulta sa atake sa puso.
  • Medication: Ang mga tiyak na gamot, tulad ng birth control pills, ay kilala na sanhi ng sakit sa ulo.
  • Inflammation mula sa infection: Ang pamamaga ng blood vessels sa utak at infections (hal. meningitis) ay maaaring humantong sa malalang sakit.

Ang mga sakit sa ulo na napo-produce ng ganitong mga kondisyon ay hindi tumutugon sa mga gamot sa orgasm o sex headaches.

Key Takeaways

Ang pangunahing sakit sa ulo na kaugnay ng sekswal na gawain ay maaaring maranasan bilang sakit na bahagya lamang o sakit na biglaan at malala.
Kabilang sa mga gamot sa sex headaches ang NSAIDs (tulad ng indomethacin), triptans, at propranolol. Gayunpaman, kailangan mong alalahanin ang mga malalang kondisyon tulad ng pagdurugo sa utak o mga sakit sa arteries.
Para sa karagdagang impormasyon, kumunsulta sa iyong doktor.

Matuto pa tungkol sa Sekswal na Kaayusan dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Sex headaches, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/sex-headaches/symptoms-causes/, Accessed 7 Mar 2022

Primary headache associated with sexual activity (Orgasmic and Pre-orgasmic Headache), https://americanmigrainefoundation.org/resource-library/orgasmic-pre-orgasmic-headache/, Accessed 7 Mar 2022

Subarachnoid Hemorrhage, https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/subarachnoid-hemorrhage, Accessed 7 Mar 2022

Sexual Headaches: From Ecstasy to Agony, https://www.winchesterhospital.org/health-library/article?id=14520, Accessed 7 Mar 2022

Analgesics, https://my.clevelandclinic.org/health/drugs/21483-analgesics, Accessed 7 Mar 2022

NSAIDs, https://www.nhs.uk/conditions/nsaids/#:~:text=Non%2Dsteroidal%20anti%2Dinflammatory%20drugs,causes%20of%20long%2Dterm%20pain, Accessed 7 Mar 2022

Indomethacin (Oral Route), https://www.mayoclinic.org/drugs-supplements/indomethacin-oral-route/description/drg-20069700, Accessed 7 Mar 2022

Triptans, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK554507, Accessed 7 Mar 2022

Propranolol, https://www.nhs.uk/medicines/propranolol/, Accessed 7 Mar 2022

About Stroke, https://www.stroke.org/en/about-, Accessed 7 Mar 2022

Coronary Artery Disease, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/16898-coronary-artery-diseas, Accessed 7 Mar 2022

What are the side effects of the birth control pill? https://www.plannedparenthood.org/learn/birth-control/birth-control-pill/birth-control-pill-side-effects, Accessed 7 Mar 2022

Chronic daily headaches, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/chronic-daily-headaches/symptoms-causes/s, Accessed 7 Mar 2022

Kasalukuyang Version

04/30/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jezreel Esguerra, MD


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Iba't-ibang Uri Ng Contraception

Sex vs. Gender: Ano Ang Pagkakaiba Ng Dalawang Ito?


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement