Ang Sex Education sa Pilipinas ay ang pagtuturo at pagbibigay ng patnubay tungkol sa mga paksa na kaugnay sa sex at sekswalidad. Ginagalugad nito ang mga halagang pangkatauhan (values), paniniwala. Ito rin ay nagbibigay ng mga kasanayan na kinakailangan upang maging maayos ang pag-navigate sa mga personal na relasyon. At protektahan ang sariling sekswal na kagalingan (sexual well-being) .
Sex Education sa Pilipinas: Ano ang Comprehensive Sex Education?
Ang mga paksang bumubuo sa tinatawag na Comprehensive Sex Education (CSE) ay nakatuon sa :
- Anatomiya ng Tao sa Seks (Human Sexual Anatomy)
- Gawaing Sekswal/ Pakikipagtalik (Sexual Activity)
- Pagpaparami (Sexual Reproduction)
- Edad ng Pagpayag (Age of Consent)
- Ligtas na Seks / Pakikipagtalik (Safe Sex)
- Kontrasepsiyon (Contraceptive)
- Kalusugan ukol sa Pagpaparami (Reproductive Health)
- Karapatan ukol sa Pagpaparami (Reproductive Rights) at
- Pag-iwas sa Seks/ Pakikipagtalik ( Sexual Abstinence)
Ang Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012 ay ipinasa bilang batas. Ito ay upang garantiyahan ang universal access sa kontrasepsyon, pagkontrol ng fertility. Kasama rin ang maternal care at sex education sa Philippine high schools.
Naitala ng 2013 National Demographic and Health Survey na 8% ng mga babaeng Pilipino sa pagitan ng 15 at 19 na taon ay nanganak na. Ang karagdagang 2% ay buntis sa kanilang unang anak.
Ayon sa isang pag-aaral ng Woman Health Philippines, maraming teenage girls ang nag-iisip na sex ay ang tanging paraan sa pagpapahayag ng pagmamahal. Maraming kababaihang Pilipino ang umiiwas sa mga reproductive health services dahil sa takot na makaranas ng diskriminasyon.
Ang Pilipinas ay isang konserbatibo at relihiyosong bansa kung kaya’t ang pagsalungat sa sex education sa Pilipinas ay hindi na bago.
Ang mga kabataan sa maraming kultura, kabilang ang atin, ay hindi laging nabibigyan ng wastong pagtuturo, na may kaugnayan sa mga sekswal na isyu. Dahil ang mga paksa na ito ay nakikita bilang “bawal” (taboo). Kung ang bata ay tumanggap ng anuman, ang sex education ay maaaring mangyari na lamang bago sila mag-asawa.
Bukod sa mga “bawal” (taboo) at mga limitasyon sa relihiyon na nauukol sa usapin ng sex. Kasama rito ang maraming myths o paniniwala na nakakahadlang sa sex education.
Hindi itinuturing na mahalagang paksa ang Sex Education sa Pilipinas
Tulad ng nabanggit sa itaas, ang mga kabataan ay gumagawa pa rin ng pakikipagtalik ng walang tamang oryentasyon. Maaaring magresulta ito sa mga sakit na makukuha sa pakikipagtalik at mga hindi inaasahang pagbubuntis.
Maaaring hindi maunawaan ng mga kabataan ang emosyonal na aspeto ng sekswalidad. At maaaring hindi sinasadyang saktan ang kanilang sarili at ang kanilang mga kapartner.
Tulad sa bansang New Zealand, ang pagpapayo tungkol sa mga di-sekswal na relasyon ay dapat magsimula sa mga unang taon ng pag-aaral. Ang Sex Education sa Pilipinas ay dapat na pinasimulan mula sa junior high.
Ang Sex Education sa Pilipinas ay nanghihikayat ng Safe Sexual Behaviour
Dapat maunawaan na ang sex education sa Pilipinas ay nagtuturo sa mga kabataan ng mga eksaktong kahihinatnan ukol rito. Ang mga pag-aaral ay talagang nagpapakita na nakatutulong ito upang maantala ang pakikipagtalik.
Nakabalangkas man o hindi ang mga impormasyon ukol sa sex, ang mga tinedyer ay magkakaroon pa rin ng impormasyon tungkol dito. Dahil sila ay nakalantad sa internet at pakikipag-ugnayan sa kakilala at kaibigan. Ang mga impormasyon ito ay maaaring kulang o kahina-hinala, na humahantong sa kanila na gumawa ng maling pagpili.
Iniulat ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) na ang factual, kultural at angkop na edad, at gender sensitive comprehensive sex education ay kailangang nakabatay sa mga realidad/ kasanayan sa buhay (life skills) dahil nakababawas ito sa peligrosong pag-uugali ng mga kabataan at young adult sa aktibong pakikipagtalik.
Maraming kabataan ang tumatanggap ng magkasalungat at nakalilitong impormasyon tungkol sa sekswalidad at mga relasyon habang nagkakaroon ng transisyon mula pagkabata patungo sa pagtanda.
Kapag naituro nang maayos ang Comprehensive Sex Education, binibigyang kapangyarihan nito ang mga kabataan na gumawa ng matalinong mga desisyon.
Ano ang Mga Positibong Epekto ng Sex Education?
- Maraming ebidensya na nagpapakita ng positibong epekto ng de-kalidad na sex education.
- Taliwas sa karaniwang maling kuru-kuro, ang sex education sa loob at labas ng mga paaralan ay hindi nagpapataas ng sekswal na gawain. Hindi rin nito hinihikayat ang peligrosong sekswal na pag-uugali. o pinapataas ang HIV o iba pang rate ng impeksyon sa STI.
- Napabubuti nito ang batayang kaalaman ng mga kabataan. Kasama ang kanilang mga saloobin sa mga usapin ukol sa sekswal at reproductive health.
Samantala, ang mga programa na nangangaral ng pag-iwas bilang ang tanging opsyon ay higit na hindi epektibo sa pagka antala sa pagsisimula ng sekswal na gawain. Hindi rin nito nabawasan ang dalas o ang bilang ng mga nakikipagtalik.
Key Takeaways
Ang pakikipagtalik ay isang normal na bahagi ng buhay. Sa karamihan ng mga indibidwal, ito ay tiyak na nangyayari sa panahon ng kabataan at maagang pagtanda.
Laganap sa Pilipinas ang mahinang impormasyon tungkol sa sex a dahil sa relihiyon at kultura.
Ang sex education sa Pilipinas ay naghahanda ng mga kabataan para sa kasiya-siyang gawain na maaari ring humantong sa malubhang bunga. Ang pagbibigay kapangyarihan sa mga kabataan na mayroong ligtas na mga gawi at pag-unawa sa mga intricacies ng kanilang sekswalidad ay tila tulad ng tamang landas sa pangkalahatang kalusugan sa hinaharap.
Matuto ng higit pa tungkol sa sekswal na kaayusan dito.
Isinalin mula sa orihinal na Ingles na akda ni Khristine Callanga.
[embed-health-tool-bmi]