backup og meta

Reproductive Health Ng Kabataan, Bakit Nga Ba Mahalaga?

Reproductive Health Ng Kabataan, Bakit Nga Ba Mahalaga?

Ang adolescence ay ang stage sa pagitan ng pagkabata at pagtanda. Sa stage na ito, ang isang tao ay hindi na isang bata o isang ganap na matanda. Ang katawan ay nagbabago sa pisikal, sa panlabas at panloob na anyo. Ang mga pagbabagong ito ay pwedeng maging sanhi ng pagkalito ng mga kabataan. Sila ay nagiging emosyonal sa new surge ng hormones na inilalabas sa buong katawan nila. Mahalagang maintindihan ang mga changes na ito habang inihahanda nito ang kabataan para sa pagtanda. Alamin dito ang kahalagahan ng reproductive health ng kabataan.

Ang isang tao ay karaniwang dumaranas ng adolescence mula 10 hanggang 19 taong gulang. Sakop ng reproductive health ng kabataan ang mga paksa gaya ng maagang pagbubuntis, safe sex, sexually transmitted diseases (STD), sekswal na karahasan, at sekswal na pamimilit. Ang maagang pagbubuntis, lalo na sa maselang oras na adolescence kung kailan ang katawan ay nag-aadjust pa at lumalaki hanggang sa pagtanda, ay may partikular na mga epekto sa pangkalahatang kalusugan, at sa buong buhay ng isang tao.

Apat na antas ng mga sexual activity risks

Dahil ang mga kabataan ay masyadong mausisa sa mga pagbabagong nangyayari sa kanilang mga katawan, maaaring mas gusto nilang tuklasin ang kanilang sekswalidad at makibahagi sa sekswal na aktibidad. Ang pag-explore sa sekswalidad ay normal at healthy. Kaya lang, kung ang mga kabataan ay hindi ligtas, maaari nilang ilagay sa panganib ang kanilang kalusugan. Pinaka mabuti na turuan ng mga magulang at doktor ang mga teenager tungkol sa reproductive health ng kabataan. Gayundin, turuan kung paano protektahan ang kanilang sarili mula sa mga STI, at kung paano maiiwasan ang maagang pagbubuntis.

Kabilang dito ang  safe sex practices. Ang safe sex practices ay nagpapababa ng risks ng mga STI at pagbubuntis.

Mayroong apat na level ng risks pagdating sa sexual activities.

  • No risk. Kabilang dito ang pagyakap, paghawak sa kamay, pagmamasahe, dry humping, fantasy sharing, pati na rin ang self masturbation.
  • Low risk. Kabilang sa  low risk activities ay pagma-masturbate sa iyong partner o magkasamang pagma-masturbate (hangga’t ang lalaki ay hindi nag-e-ejaculate ng malapit sa ari ng babaeng partner), at paggamit ng condom sa bawat pakikipagtalik gaya ng oral, vaginal, o anal.
  • Medium risk. Ang pagpasok ng injured na daliri sa vagina, at hindi wastong paggamit ng condom sa oras ng oral, vaginal, o anal sex.
  • High risk. Ang pagkakaroon ng oral, vaginal, o anal sex nang hindi gumagamit ng condom. Ang exchange ng body fluids ay naglalantad sa isang tao sa mga STD, kabilang ang HIV/AIDS.

Reproductive health ng kabataan: Sexually transmitted diseases 

Ang mga kabataan na nakikibahagi sa sexual activities ay kailangan ding maging mulat sa posibilidad ng pagkakaroon ng mga sexually transmitted disease. Ang ilan sa mga common na sakit na nakukuha sa pakikipagtalik na pwedeng makuha ng mga kabataan kung hindi nila gagawin ang safe sex ay:

  • Gonorrhea
  • HPV
  • Herpes
  • Chlamydia
  • Syphilis
  • HIV

Reproductive health ng kabataan: Risk ng maagang pagbubuntis

Ayon sa World Health Organization (WHO,) mayroong hindi bababa sa 777,000 batang babae na wala pang 15 taong gulang na nanganganak bawat taon. Karamihan sa mga kabataang babaeng ito ay nabibilang sa mga bansang low- and middle-income countries, kabilang ang Pilipinas. Ang ibig sabihin ng mga bilang na ito ay  importante ang pagtuturo ng reproductive health upang mabawasan ang bilang ng mga unplanned births to underage parents.

Bawat taon, nasa 21 milyong batang babae sa buong mundo na may edad 15-19  ang nabubuntis sa mga developing countries. Sa mga ito, 12 milyon sa kanila ang nanganganak. Sa Pilipinas, ang maagang pagbubuntis ay nakakaapekto sa 5.99% ng mga batang  babaeng Pilipina. Ayon sa Save the Children’ Global Childhood Report of 2019, ang Pilipinas ang may pangalawa sa pinakamataas na rate sa Southeast Asia pagdating sa teenage pregnancy.

Sa average, 538 na sanggol ang isinisilang araw-araw ng mga Filipina teenage mothers, ayon sa Philippine Statistical Authority ng 2017. Ang mga sanggol na ipinanganak ng adolescent mothers, ay umabot sa 196,478, habang ang mga sanggol ng mga adolescent na ama ay nasa 52,342.

Taun-taon, mayroon ding 3.9 milyong batang babae, edad 15 hanggang 19 na taon sa buong mundo ang sumasailalim sa unsafe abortions. Ang mga ito ay maaaring mauwi sa pagkamatay ng ina, lalo na kung walang tamang medical intervention.

Epekto ng  teenage pregnancy

Ang katawan ng isang nagdadalaga ay hindi pa ganap na mature upang magkaanak. Kaya ang mga panganib sa pagbubuntis ay bahagyang mas mataas kaysa sa isang taong nagdadalang-tao sa kanilang mid- 20s. Maaaring piliin ng ina ang pangangalaga sa prenatal, ngunit kung minsan, ang kanyang kalusugan ay hindi sapat na malakas upang dalhin ang sanggol sa buong termino. 

Ang ilang mga risk sa reproductive health ng kabataan sa panahon ng pagbubuntis, labor, at panganganak ay:

  • Premature birth, na maaaring humantong sa mababang timbang ng sanggol
  • Anemia
  • Pregnancy-induced hypertension
  • Mas mataas na panganib ng pagkamatay ng sanggol
  • Mas mataas na panganib ng cephalopelvic disproportion

Bukod sa pisikal na sakit na maaaring idulot ng teenage pregnancy, matindi rin ang epekto nito sa  kanilang mental health. Dahil ang karamihan sa mga kabataan ay hindi handa sa pagiging kumplikado ng panganganak at pagpapalaki ng bata, ang mga relasyon at finances ay madalas na naaapektuhan, na nauuwi sa higit na stress. Ang stress ay maaaring makaapekto sa ina, ama, at anak. Ang pag-aaral at  pagtatapos ay maaari ding maging mahirap dahil ang mga bagong silang ay kailangan ng lubos na atensyon at pangangalaga.

Sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga teenager tungkol sa reproductive health ng kabataan, at ang mga kasamang risk at kahihinatnan nito, maaari silang ma-empower na gumawa ng mas matalinong mga choices tungkol sa kanilang sexual health and well being.

Key Takeaways


Ang adolescent stage ay isang panahon ng pagtuklas, at normal at malusog para sa mga indibidwal na tuklasin ang kanilang sekswalidad nang ligtas. Tulad ng anumang uri ng pagtuklas, may advantages at disadvantages, rewards at risks. Mahalaga para sa mga kabataan na matutunan ang mga pagbabago sa kanilang mga katawan. Kasama dito ang sexual wellness at safe sex practices.
Kung ang isang teenager ay nakisali sa sexual activities, at nabuntis, ang kaniyang pangkalahatang reproductive health ay maaaring mag-suffer. Gayunpaman, sa tamang gabay mula sa mga doktor at suporta ng pamilya, at tamang edukasyon tungkol sa adolescent reproductive health, posible para sa isang teenager na ligtas na tuklasin ang sekswalidad, habang iniiwasan ang pagbubuntis. Kumunsulta sa iyong OB-GYN para sa anumang alalahanin tungkol sa reproductive health and early pregnancy.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Adolescent and Youth Reproductive Health: 1. Introduction to Adolescent and Youth Reproductive Health (AYRH), https://www.open.edu/openlearncreate/mod/oucontent/view.php?id=62&printable=1     

Accessed April 26, 2020

 

Inter-Agency Field Manual on Reproductive Health in Humanitarian Settings: 2010 Revision for Field Review, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK305148/

Accessed April 26, 2020

 

 Sexual and reproductive health, https://www.who.int/reproductivehealth/topics/adolescence/en/ 

Accessed April 26, 2020

 

Adolescent pregnancy, https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/adolescent-pregnancy 

Accessed April 26, 2020

 

Risks of Teen Pregnancy, https://www.nationwidechildrens.org/family-resources-education/700childrens/2016/10/risks-of-teen-pregnancy 

Accessed April 26, 2020

 

Adolescent Health, https://www.hhs.gov/ash/oah/adolescent-development/reproductive-health-and-teen-pregnancy/index.html

Accessed April 26, 2020

 

Adolescent and Youth Reproductive Health, https://www.open.edu/openlearncreate/mod/oucontent/view.php?id=62&printable=1

Accessed April 26, 2020

 

Adolescent Sexual and Reproductive Health, https://www.savethechildren.org/us/what-we-do/global-programs/health/adolescent-sexual-and-reproductive-health

Accessed April 26, 2020

 

Adolescents’ reproductive health knowledge, choices and factors affecting reproductive health choices: a qualitative study in the West Gonja District in Northern region, Ghana, https://bmcinthealthhumrights.biomedcentral.com/articles/10.1186/s12914-018-0147-5

Accessed April 26, 2020

 

Adolescent sexual and reproductive health: The global challenges, https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S0020729215000855

Accessed April 26, 2020

 

Teenage Pregnancy, https://www.healthline.com/health/adolescent-pregnancy 

Accessed April 26, 2020

 

Cephalopelvic Disproportion (CPD), https://americanpregnancy.org/labor-and-birth/cephalopelvic-disproportion/ 

Accessed April 26, 2020

 

Teen Pregnancy Issues and Challenges, https://americanpregnancy.org/unplanned-pregnancy/teen-pregnancy-issues-challenges/ 

Accessed April 26, 2020

 

Save the Children calls on the passage of Teenage Pregnancy Bill as the world celebrates International Day of the Girl, https://reliefweb.int/report/philippines/save-children-calls-passage-teenage-pregnancy-bill-world-celebrates-international

Accessed April 26, 2020

 

Births in the Philippines, 2017, https://psa.gov.ph/content/births-philippines-2017

Accessed April 26, 2020

 

Addressing the Mental Health Needs of Pregnant and Parenting Adolescents, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3876179/

Accessed April 9, 2021

 

Kasalukuyang Version

03/13/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Iba't-ibang Uri Ng Contraception

Sex vs. Gender: Ano Ang Pagkakaiba Ng Dalawang Ito?


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement