backup og meta

Pampatagal Sa Sex: Mga Tips Para Sa Mga Kalalakihan

Pampatagal Sa Sex: Mga Tips Para Sa Mga Kalalakihan

Pagdating sa pagtatalik, importanteng malaman ang kung paano ka tatagal sa sex. Gayunpaman, maraming iba’t ibang impormasyon pagdating dito, lalo na kung magse-search ka sa online.

Kaya naman, binuo namin ang listahan ng epektibong pamamaraan na maaaring gamitin ng kalalakihan upang ma-improve ang sex life nilang mag-partner! 

Ano pang hinihintay mo? Patuloy na basahin ang article tungkol sa pampatagal sa sex.

Pampatagal sa Sex: Mga Dapat Malaman

Ang premature ejaculation (maagang paglabas ng semilya) ay isang pangkaraniwang sexual problem sa mga lalake. Maaari rin itong maging rason kung bakit naghahanap ng ibang tips ang mga lalaki tungkol sa pampatigas at pampatagal sa sex. 

Ngunit, importanteng malaman mo na hindi dahil may premature ejaculation ay may problema na sa iyong kalusugan. Maraming posibleng rason, at may mga bagay na maaaring gawin upang maibsan ang problema na ito. 

Narito ang mga dapat tandaan na tips kung ika’y naghahanap ng pampatagal sa sex:

Mag-masturbate bago makipag-sex

Isa sa mga maaaring gawin ay ang masturbation (pagsasarili) mga ilang oras bago makipag-sex. Ginagawa ito para makatulong para maudlot ang ejaculation, at maaaring makatulong pampatagal sa sex.

Ang isa pang maaaring gawin habang nagma-masturbate ay tumigil bago labasan o mag-climax. Kung alam mo na ang feeling bago ka mag-climax, mas magkakaroon ka ng idea kung kailan dapat tumigil, para mapigilan ang paglabas o ejaculation ng masyadong maaga.

I-engage ang sarili at kapareha sa foreplay

Ang foreplay ay isang paraan na makakatulong sa may premature ejaculation, kahit na hindi naman ito nakakatulong talaga na pampatagal sa sex. Imbis na dumiretso sa penetration, ang maaaring gawin ay i-stimulate ang iyong partner. Nakakatulong ito para nasa mood na sila sa pakikipag-sex, at mapataas ang sexual satisfaction.

Bukod pa rito, ang magiging focus ng pag-engage na dalhin ang partner mo sa point na konti na lang ay mag-o-orgasm na sila bago kayong tuluyang magtalik. Sa paraang ito, sabay kayong makaka-achieve ng orgasm, at magiging satisfied habang nagse-sex ang kayo ng iyong partner. 

Sumubok ng iba’t ibang sex positions 

Ang isa pang pampatagal sa sex ay ang pagsubok sa sari-saring sex positions. Ito’y dahil ang ibang sex position ay maaaring mas nakaka-stimulate para sa iyo, kaya maaari itong iwasan para hindi mag-ejaculate nang maaga. 

Magpahinga habang nakikipagtalik

Ang pag-take ng breaks ay isa ring paraan na pampatagal sa sex. Lalong effective ito kung titigilan ang pagtatalik bago ma-reach ang climax.

Habang nagpapahinga, puwede kayong mag-foreplay ng iyong partner, o maaari mo silang i-stimulate upang mag-climax. 

Gumamit ng Condom

Isa sa mga effective na pampatagal sa sex ay ang pagsuot ng condom habang nakikipagtalik. Ito’y dahil ang pagsuot ng condom ay nakakabawas ng sensation kaya hindi lubusan nasi-stimulate para mag-ejaculate ng masyadong maaga. Ibig sabihin nito’y mas mapapatagal ang sex, at mas makakapagbigay ka ng pleasure sa iyong partner.

Ang pagsuot ng condom ay mabuting gawain rin dahil maaari nitong ma-prevent ang pagkalat ng STDs at hindi planadong pagbubuntis. 

Huwag matakot humingi ng tulong

Minsan, ang problemang ito ay maaaring hindi kaya solusyonang mag-isa. Kung nasubukan na ang lahat ng tips sa taas, at hindi pa rin nahahanap ang effective na pampatagal sa sex, marahil ang mas mabuting gawin ay kumunsulta at humingi ng tulong sa propesyonal. 

Maaaring kausapin ang yong doktor ukol sa maaaring rason. Minsan, maaaring pisikal ito, at sa ibang pagkakataon, maaari rin itong sikolohikal. 

Mahirap o nakakahiya mang pag-usapan ang mga ganitong problema kasama ang iyong doktor, makakasiguro kang gagawin naman nila ang lahat upang matulungan ka. Huwag ikahiya ang pagsusumikap na ma-improve ang iyong sarili at sa paghanap ng solusyon sa iyong mga problema.

Halimbawa: ang doktor ay maaaring mag-rekumenda na mag-enroll ka sa behavioral therapy. Ang layunin ng therapy na ito ay patibayin ang tolerance at i-delay ang ejaculation sa pamamagitan ng exercises, tulad ng squeeze method at start-stop method.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Treatment for sexual problems, https://www.apa.org/topics/sex-sexuality/treatment, Accessed April 13, 2021

Erectile Dysfunction (ED) Guideline – American Urological Association, https://www.auanet.org/guidelines/erectile-dysfunction-(ed)-guideline, Accessed April 13, 2021

11 ways to help yourself to a better sex life – Harvard Health, https://www.health.harvard.edu/healthbeat/11-ways-to-help-yourself-to-a-better-sex-life, Accessed April 13, 2021

Can premature ejaculation be controlled? – NHS, https://www.nhs.uk/common-health-questions/sexual-health/can-premature-ejaculation-be-controlled/, Accessed April 13, 2021

Premature ejaculation – Diagnosis and treatment – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/premature-ejaculation/diagnosis-treatment/drc-20354905, Accessed April 13, 2021

What is Premature Ejaculation?, https://www.urologyhealth.org/urology-a-z/p/premature-ejaculation,

Kasalukuyang Version

05/18/2023

Isinulat ni Jan Alwyn Batara

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Iba't-ibang Uri Ng Contraception

Sex vs. Gender: Ano Ang Pagkakaiba Ng Dalawang Ito?


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jan Alwyn Batara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement