backup og meta

Side Effects ng Vasectomy: Mga Kailangan Mong Malaman

Side Effects ng Vasectomy: Mga Kailangan Mong Malaman

Ayon sa research, sa heterosexual na pagsasama, ang mga kababaihan ang higit na nagdadala ng bigat ng pagpigil na mabuntis kaysa sa mga lalaki. Karamihan sa mga birth control ay nakadisenyo para sa katawan ng mga babae. Ilan sa mga ito ang intrauterine device (IUD), contraceptive implants o injection, emergency contraception pill (tinatawag ding morning-after pill), diaphragm, at sterilization (sa pamamagitan ng surgical o non-surgical na paraan). Para sa mga lalaki, mayroong condom, outercourse, at vasectomy. Sa mga nabanggit, pagtutuunan ng pansin sa artikulong ito ang tungkol sa vasectomy at side effects ng vasectomy.

Dahil sa iba’t ibang uri ng contraception, nakakapagplano ang mga tao kung gaano kalaki ang pamilya na gusto nila. Nagagawa din nilang lagyan ng pagitan ang bawat pagbubuntis. Ito ay upang hindi maging mabigat ang kanilang responsibilidad sa financial, physical, mental, at emotional na pangangalaga sa bata. Bukod dito, nababawasan din ang rate ng unwanted pregnancies na nagpapababa naman ng panganib sa kalusugan ng ina at pagkamatay na nauugnay sa pagbubuntis. Binabawasan din nito ang pangangailangan para sa unsafe abortions pati na rin ang HIV transmission mula sa ina patungo sa sanggol.

Bago natin talakayin ang side effects ng vasectomy, narito ang refresher sa sperm formation at ejaculation.

Paano nabubuo at inilalabas ang sperm?

Ang sperm at iba pang male sex hormones ay nabubuo sa testicles. Lumalabas ang sperm sa pamamagitan ng isang tube na tinatawag na epididymis, kung saan sila nakaimbak. Ang isa pang tubo, ang vas deferens, ay nag-uugnay sa epididymis sa ejaculatory duct, na umaabot mula sa ibabang bahagi ng scrotum hanggang sa inguinal canal o sa groin area. Ang vas deferens at seminal vesicle ay bumubuo ng ejaculatory duct. Sa ejaculation, humahalo ang seminal fluid sa sperm, na bumubuo ng semilya.    

Ano ang mga uri ng vasectomy?

Ang side effects ng vasectomy ay nagmumula sa surgical nature ng pamamaraan. Ang karaniwang vasectomy ay ang paggawa ng hiwa sa balat ng scrotum upang ma-access ang vas deferens. Pinuputol at inaalis ang isang maliit na piraso upang magkaroon ng puwang sa pagitan ng mga dulo ng vas deferens. Pagkatapos ay maaaring ilagay ang maliit na tissue sa pagitan ng dalawang dulo, o maaari silang itali.

Sa no-scalpel vasectomy, kakapain ng urologist ang vans deferens sa ilalim ng balat ng scrotum. Kapag nakita ito, ilalagay ang isang maliit na clamp. Gagawa ng maliit na butas upang hilahin palabas ang vans deferens, at puputulin ito, itatali o isi-seal.

Ano ang side effects ng vasectomy?

Pagkatapos ng operasyon, ang mga karaniwang side effect ay ang mga sumusunod:

  • Pagdurugo o namuong dugo sa scrotum
  • Dugo sa semilya
  • Bruising ng scrotum
  • Impeksyon sa lugar ng operasyon
  • Banayad na sakit
  • Pamamaga (madalas na pinapagaan ng gamot laban sa pamamaga)

Maaaring lumitaw ang mga komplikasyon, bagaman napakabihira:

  • Chronic pain (nangyayari sa 1 hanggang 2% ng mga lalaking sumailalim sa operasyon)
  • Pagkakaroon ng likido sa scrotum, nagkakaroon ng dull ache
  • Pamamaga dahil sa pagtagas ng sperm
  • Abnormal na cyst sa epididymis
  • Sac na puno ng likido na nakapalibot sa testicle, na nagiging sanhi ng pamamaga

Ang mga dahilan na nagpapataas ng risk ng mga komplikasyon ay paninigarilyo, localized infections, bleeding disorders, at nakaraang operasyon sa bahaging iyon.

Ano ang mga myth tungkol sa vasectomy?

Ang ilang mga tao ay may maling akala tungkol sa vasectomies at side effects ng vasectomy, na nakakaimpluwensya sa kanilang desisyon na sumailalim sa procedure.  

  • Nakakaapekto ang vasectomy sa sexual performance: Sa kabaliktaran, naiulat ng mga taong naoperahan na may mas mataas na satisfaction sa kanila.
  • Maaaring masira ang sexual organs: Napakababa ng risk ng injury sa reproductive organs
  • Mas mataas na panganib ng ilang mga kanser at sakit sa puso: Walang evidence-based link sa pagitan ng vasectomy at prostate cancer o sakit sa puso.
  • Ang vasectomies ay nagdudulot ng matinding pananakit: Ang insidente ng matinding pananakit ay napakabihira. 

Gayunpaman, mahalaga na huwag balewalain ang ilang mga reaksyon. Kung may napansin kang bukol sa scrotum, drainage, pamumula o pamamaga, paglubha ng pananakit, hirap sa pag-ihi, o lagnat at panginginig, humingi kaagad ng medikal na tulong.

Key Takeaways

Ang vasectomies ay napaka-epektibong paraan ng contraception, pangalawa lamang sa abstinence. Bagaman maaaring reversible ang vasectomies, siguraduhin na ikaw at ang partner mo ay hindi na gustong magkaanak pa.
Ang ilang side effects ng vasectomy ay maaaring hindi komportable, ngunit sa pangkalahatan, ito ay isang low-risk procedure na may mabilis na recovery time na ilang araw o isang linggo.

Matuto pa tungkol sa Contraception dito

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Vasectomy, https://www.urologyhealth.org/urology-a-z/v/vasectomyAccessed 3 Mar 2022

Vasectomy, https://www.mayoclinic.org/tests-procedures/vasectomy/about/pac-20384580. Accessed 3 Mar 2022

Vasectomy, https://www.hopkinsmedicine.org/health/treatment-tests-and-therapies/vasectomy. Accessed 3 Mar 2022

Vasectomy, https://my.clevelandclinic.org/health/treatments/4423-vasectomy-sterilization. Accessed 3 Mar 2022

Vasectomy: How it Works, https://med.virginia.edu/urology/for-patients-and-visitors/mens-health/vasectomy-how-it-works/. Accessed 3 Mar 2022

Contraception, https://www.who.int/health-topics/contraception#tab=tab_1. Accessed 3 Mar 2022

More than a Physical Burden: Women’s Emotional and Mental Work in Preventing Pregnancy, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6115298/. Accessed 3 Mar 2022

9 types of contraception you can use to prevent pregnancy, https://www.health.qld.gov.au/news-events/news/types-contraception-women-condoms-pill-iud-ring-implant-injection-diaphragm. Accessed 3 Mar 2022

Kasalukuyang Version

01/12/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Male Birth Control: Alamin Kung Ano Ang Vasectomy Dito

Paano Malalaman kung Mabisa ang Birth Control Pills?


Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement