Ang injectable birth control na Medroxyprogesterone acetate ay isang anyo ng birth control na maaari mong iturok sa itaas na bahagi ng braso (upper arm) o sa puwitan. Dapat itong gawin tuwing ikatlong buwan upang ma-maximize ang pagiging epektibo at consistency nito. Sa oras na magturok ka nito, 13 linggo kang magkakaroon ng ligtas na pakikipagtalik at mababa ang tsansang mabuntis. Ano ang ilan sa mga side effect ng birth control injection?
Gumagana Ba Ito?
Ang Depo shot, o ang kahit na anong injectable na contraceptives na may lamang Medroxyprogesterone acetate, na isang progestin ay tumutulong upang hindi ka mabuntis.
Gumagana ang injectable sa pamamagitan ng pagpigil nito sa iyong mga obaryo na maglabas ng mature na egg para sa fertilization. Pinakakapal din nito ang mucus sa iyong cervix na nagpapahirap sa sperm na makadaan. Dahil pinipigilan nitong magtagpo ang mature egg ng babae at sperm ng lalaki, magiging mahirap ngayon ang proseso upang mabuntis.
Sino Ang Hindi Puwede Sa Injectable Contraceptives?
Ang mga sumusunod ay dapat umiwas sa ganitong anyo ng contraceptives:
- Mga taong nasa panganib ng pagkakaroon ng cardiovascular disease (mga matatanda, naninigarilyo, diabetics, hypertensives)
- Mga taong may Dep Vein Thrombosis
- Nagpapasusong nanay na nanganak nang wala pang anim na linggo bago ang araw ng pagpapaturok
- Mga taong kasalukuyan o may history ng cardiovascular disease o stroke
- Mga taong may history ng breast cancer na wala nang sakit sa loob ng huling limang taon
- Babaeng may hindi maipaliwanag na vaginal bleeding
- Mga taong may Systemic Lupus Erythematosus (SLE)
- Mga taong may komplikasyon sa diabetes
- Pasyenteng may liver cirrhosis at/o may tumor sa atay
Ang mga taong may breast cancer ay DAPAT NA UMIWAS sa injectable contraceptives.
Ano Ang Dapat Kong Gawin Kapag Nagdesisyon Na Akong Magpaturok?
Sa pagkuha ng injectable contraceptives, bibigyan ka ng isang turok. Kailangan mong bumalik tuwing 12-13 linggo o tatlong buwan, na may kabuuang 4 na turok sa isang taon. Wala kang dapat gawin bago ang una mong pagpapaturok, at kapag nakapagpaturok ka na pitong araw matapos ang simula ng iyong period, agad kang mapoprotektahan nito upang hindi mabuntis. Gayunpaman, kung naiturok sa iyo ito sa iba pang araw ng iyong cycle, kailangan mo pang gumamit ng iba pang anyo ng contraceptives sa loob ng isang linggo bago gumana ang epekto ng droga.
Pagkatapos ng unang pagpapaturok, tiyaking natatandaan kung kailan ang susunod mong check-up at pagpapaturok (3 buwan mula sa unang pagpapaturok) sa pamamagitan ng pagmamarka ng iyong kalendaryo o sa pagpapaalala ng iyong partner.
Anong Mangyayari Kapag Nakaligtaan Kong Magpaturok?
Kapag hindi ka nakakuha ng susunod na turok at nakipagtalik ka sa loob ng dalawang linggo matapos ang schedule ng iyong pagpapaturok, kailangan mong gumamit ng pregnancy test dahil maaaring nawala na ang bisa ng progesterone shot na naglalapit sa iyo sa posibilidad na mabuntis.
Ano-Ano Ang Mga Side Effect Ng Birth Control Injection?
Ano ang side effect ng birth control injection? Ang pinakakaraniwang birth control side effects ng Medroxyprogesterone acetate (MPA) ay pagtaas ng timbang at menstrual irregularities.
Lumalabas sa mga pag-aaral na nagkakaroon ng average na 3 kilograms na dagdag timbang ang mga taong nagpapaturok ng MPA. Kalahati sa mga taong kumukuha ng MPA ay napansing nagkaroon sila ng iregularidad sa kanilang menses sa unang taon ng paggamit ng nabanggit na droga.
Matapos ang 2 taon, mas madalang nang mangyari ang menstrual irregularities at nababawasan na ito habang tumatagal ang paggamit mo ng contraceptives. Sa katunayan, may ilang pag-aaral na nagsasabing kalahati ng mga taong gumagamit nito ay nakararanas ng amenorrhea (hindi nagkaka-mens) sa unang taon ng paggamit ng drogang ito.
Ang pinakaimportanteng mga side effect ng birth control injection ay delayed na pagbabalik ng fertility, hindi inaasahang pagbubuntis, uterine hyperplasia at hemorrhage (pagkapal ng uterus), genitourinary infections, at vaginal cysts.
Ang Advantages Ng Injectable Progestin Contraceptives
Maganda ang injectable contraceptives para sa pangmatagalang proteksyon upang makaiwas sa pagbubuntis. Narito pa ang ilang advantages:
- Hindi kailangan ng araw-araw na pagkonsumo
- Hindi pumipigil sa taong makipagtalik
- Walang side effect ng birth control injection na may kinalaman sa estrogen dahil ito ay purely progesterone lamang
- Hindi nakaaapekto sa kalidad at dami ng naibibigay na breast milk ng ina
Ang Disadvantages Ng Injectable Progestin Contraceptives
Kahit maraming advantages ang injectable progestin contraceptives, meron ding disadavantages. Maaari ring magkaroon ng ilang side effect ng birth control injection.
- Delayed ang pagbabalik ng fertility
- Kailangan mong magpaturok ulit tuwing dalawa hanggang tatlong buwan (maaari mong makalimutan)
- Walang naibibigay na proteksyon sa STDs
- Maaaring magdulot ng menstrual irregularities sa unang mga buwan o taon ng paggamit nito, at puwede ring mauwi sa amenorrhea
- Posibleng bone density loss sa matagal nang nagpapaturok
Ligtas Ba Ako Laban Sa Sexually Transmitted Infections?
Bagaman natutulungan ka ng bawat turok na makaiwas sa pagbubuntis, hindi naman ito nakabubuo ng pisikal na proteksyon laban sa STIs, lalo na’t naikakalat ang mga sakit na ito sa pamamagitan ng direktang sexual contact. Kung nais mong makaiwas sa STIs, inirerekomendang gumamit ng barrier contraceptives.
Anong Brands Ang Mayroon Sa Pilipinas?
Ang DMPA (Depo-Provera), DMPA (Depo-Trust), at NET-EN (Noristerat) ang tanging available progestin injectables sa Pilipinas.
Key Takeaways
Ano ang side effect ng birth control injection? Medyo ligtas na uri ng contraception ang injectable contraceptives. Napoprotektahan ka nito upang maiwasang mabuntis sa loob ng 3 buwan, na kailangang sundan pa ng susunod na turok. Kumonsulta sa iyong doktor tungkol sa anyo ng contraception na ito.
Matuto pa tungkol sa Contraception dito.