Ang condom ay isa sa mga mabisang paraan para protektahan ang mga indibidwal mula sa mga sexually transmitted diseases at impeksyon. Isa pa, isa ito sa mabisang pamamaraan ng birth control. Gayunpaman, kailangan itong gamitin nang maayos dahil maaaring mapunit o masira ang condom. Delikado ito para sa partner mo at maging sayo, kaya dapat alam mo ang tamang paraan kung paano gumamit ng condom.
Ngunit, bago unawain ang mga paraan ng paggamit ng condom, unawain muna natin ang condom.
Ano Ang Condom?
Isa sa mga pinakamahusay na paraan ng birth control ang condom. Ito ay nagsisilbing hadlang at hinaharangan ang sperm na ma-fertilize ang egg cell. Gayundin, isa ito sa mga mabisang paraan para maiwasan at maprotektahan ka at ang iyong kapareha mula sa mga STD at STI.
Natuklasan ng mga pag-aaral na ang paggamit ng condom ay maaaring makatulong na bawasan ang risks ng syphilis, gonorrhea, chlamydia at HIV/AIDS. Gayundin, naniniwala ang ilang health experts na mapoprotektahan nito ang iyong mga maseselang bahagi ng katawan mula sa herpes at genital warts.
Sa maraming pananaliksik at eksperimento, ang mga health experts ay nakaisip ng mga male at female condom na itinuturing na isa sa mabisang contraception.
Kaya, para maiwasan ang pagbubuntis at protektahan ang sarili mula sa STD at STI, dapat malaman ang mga tamang paraan ng paggamit ng condom.
Mga Paraan Ng Paggamit Ng Condom
Tamang Paggamit Ng Male Condoms
Ang mga male condom ay nagsisilbing hadlang para protektahan ang semilya na makapasok sa vagina at tuluyang ma-fertilize ang egg cell. Para mangyari ito, sinusuot ang male condom sa penis para iwasan ang pagbubuntis at sexually transmitted diseases.
Paano Gumamit Ng Condom Nang Tama
- Maingat na buksan ang wrapper ng condom. Iminumungkahi ng mga eksperto na punitin ang wrapper gamit ang mga ngipin o daliri, kaysa sa gunting para iwasan na mapunit ang condom. Pero ang paggamit ng ngipin ay maaari pa ring makasira sa condom. Kaya’t maging maingat bago buksan ang isang condom.
- Pinakamabuting i-check ang condom bago gamitin. Kung may sira ito, huwag gamitin.
- Ngayon, hawakan ang rim ng condom at pisilin ang dulo gamit ang hinlalaki. Siguruhin na nakikita mo ang tip nito, para maisuot ng maayos.
- Dahan- dahang I-roll down ang condom sa buong ari. Siguraduhin na ang rim ay nakaharap sa labas.
- Hindi maayos na naisuot kung nasa ilalim ang rim nito at hindi ito maayos napa-roll sa ari. Tanggalin ang condom at huwag na gamitin. Dahil ang outer rim ay maaaring may precum na maaaring naglalaman ng semilya.
- Pagkatapos maisuot ng tama, gumamit ng water-based na lubricant sa condom para mabawasan ang friction at mapahusay ang sensitivity. Gayunpaman, palaging ipinapayo na gumamit ng lubricant condom para mas masiyahan.
- Pagkatapos ng ejaculation, maingat na bunutin ang condom. Gamitin ang isang kamay para hawakan ang gilid habang hinahayaan ang isa pang kamay na hilahin ang condom. Hawakan nang mahigpit ang rim upang maiwasang tumapon.
- Itali ang dulo para maiwasan na matapon.
Ayon sa mga sexologist, ito ang tamang paraan kung paano gumamit ng condom na panlalaki.
Ang female condom ay mas malaki sa male condoms. Ang pangunahing function ng condom na ito ay sa vaginal sex, pero may ilan na ginagamit ito sa anal sex.
Katulad ng male condoms, ang female condoms ay epektibo rin. Nakakatulong ito na maiwasan ang pagbubuntis at STDs. Kaya lamang, epektibo lang ito kung gagamitin ng tama.
So, unawain ang kung paano gumamit ng condom na pambabae:
- Maingat na alisin ang condom sa wrapper. Subukan ang paggamit ng ngipin para punitin ito. Iwasan ang paggamit ng gunting para hindi masira o mapunit.
- Ngayon, humiga sa isang kumportableng posisyon, sa bed o couch.
- Gamitin ang hinlalaki o forefinger para pisilin ang maliit na inner ring sa dulo ng condom. Gamitin ang kamay, hilahin paatras ang labia folds sa paligid ng iyong ari. I-slide sa loob ng inner ring ng female condom papunta sa loob ng iyong ari.
- Inirerekomenda ng mga eksperto na gamitin ang iyong gitnang daliri o hintuturo o pareho sa open end ng condom hanggang maabot ng iyong daliri ang dulo ng condom.
- Ngayon, dahan-dahang itulak ang condom hanggang umabot ang condom sa cervix.
- Hayaan ang outer ring na nasa ari at hawakan ito sa oras ng intercourse.
- Kung ang ring ay pumasok sa vagina sa oras ng sex, itigil ang penetration at hilahin ito palabas
- Siguraduhin na ang partner ay nakapasok sa loob ng condom at hindi sa pagitan ng ari at condom.
- Pagkatapos ng sex, marahang i-twist ang condom. Hilahin dahan-dahan palabas para maiwasang matapon ang semen.
Tamang Paraan Ng Paggamit Ng Dental Dams
Ang dental dam ay isang sheet na gawa sa polyurethane o latex na ginagamit sa anal, vaginal, at oral sex. Naniniwala ang mga eksperto na ito ay maaaring isa sa mga pinakamahusay na hadlang sa penile oral sex at mga sexually transmitted infections.
Unawain kung paano gamitin ng tama ang dental dam.
- Buksan ang package ng dental dam. Iwasang gumamit ng gunting. Sa halip, gamitin ang ngipin. Siguraduhin na punitin dahan-dahan para hindi masira o mapunit ang dental dam.
- Tiyaking buksan mo ang dam at I-check kung may sira o butas.
- Ngayon, ilagay ang dam sa ari o anal. Maaaring gumamit ng lube para ilagay nang maayos ang dam sa lugar. Siguraduhing hawak mo ang dam sa oras ng oral sex at itapon pagkatapos nito.
Ito ang rekomendasyon ng mga doktor sa paggamit ng dental dam.
Naniniwala ang mga sexologist na ang condom ay isa sa mabisang paraan ng birth control na hindi lamang pumipigil sa mga STD at STI, ngunit nagpapahusay din ng karanasan ng pakikipagtalik.
Gumamit ng anumang uri ng contraception. Maaari mong ma-enjoy ang sex nang hindi nababahala tungkol sa sexual diseases at pagbubuntis.
Gayunpaman, ang condom ay pinaniniwalaang nagbibigay lamang ng 98 porsyento ng proteksyon mula sa pagbubuntis. Laging ipinapayo na dapat alam kung paano gumamit ng condom nang maayos. Ito ay para maiwasan ang pagbubuntis o anumang sexual diseases.
Matuto pa tungkol sa Mga Contraceptive dito.