Isa sa pinakamahalagang aspekto ng sex education ang contraception. Mayroong tinatayang 15 magkakaibang contraceptive methods. Ang paglalagay ng vaginal ring ay madalas na inirerekomenda bilang isa sa pinakamadali at epektibong paraan sa mga ito. Ano ang vaginal ring?
Ano ang vaginal ring?
Isang malambot, manipis, at transparent na plastic ring ang vaginal ring na may lamang estrogen at progesteron – ang mga natural na hormone na humahadlang sa fertilization sa pamamagitan ng pagpigil sa ovulation (pag-produce ng egg sa loob ng katawan ng babae), pagpapanipis ng lining ng sinapupunan, at pagpapakapal ng cervical mucus. Kaya naman, humahadlang ito sa implantation ng egg at gumagawa ng harang upang mapigil ang sperm na makaabot sa egg.
Ang dami ng hormones na mayroon ang vaginal ring ay tumatagal nang 4 na linggo. Upang magamit ang ring, kailangang ipasok ito ng mga babae sa kanilang vagina at hayaan ito sa loob sa 3 linggo (21 araw). Sa mga panahong ito, maglalabas ang ring ng hormones sa systemic sirkulisasyon ng babae. Kailangang itapon na ng babae ang vaginal ring pagkatapos nito dahil hindi na niya ito kailangang gamitin sa ikaapat na linggo. Isa lamang ang size ng vaginal ring, ngunit fit ito sa karamihan sa mga babae.
Mga benepisyo ng vaginal ring
- Mataas ang efficiency: ang success rate ng vaginal ring ay 99.7% kung ginamit nang tama (palaging ginagamit ayon sa instruction) at 91% kapag hindi tama ang paggamit batay sa instruction.
- Mataas na sexual pleasure: hindi halos napapansin ng mga lalaki na mayroon nito kapag nakikipagtalik
- Magandang opsyon para sa mga taong madalas makalimot uminom ng araw-araw na dose ng birth control o hindi komportableng magpaturok o gumamit ng contraceptive implants, IUS o IUD.
- Nakababawas ng tsansang magkaroon ng ovarian cysts, fibroids, at non-cancerous breast disease.
- Maaaring magdulot ito ng mas maikli, mas regular, at mas magaan na menstruation sa maraming pagkakataon
- Ang hormones na inilabas ng vaginal ring ay tumutulong sa mga babae na magkaroon ng mas matibay na mga buto at nakababawas ng acne.
Mga posibleng problema
- Pagkakatanggal (lumalabas nang kusa ang ring). Maaari itong mangyari habang nakikipagtalik o kapag nahihirapan kang tumae.
- Hindi inaasahang pagdurugo
- Vaginal irritation
- Pananakit ng ulo, pagduduwal at pagsusuka
- Pagtaas ng timbang
- Pabago-bagong mood
- Hindi tulad ng condom, walang naibibigay na proteksiyon ang vaginal ring laban sa STIs (Sexually Transmitted Infections)
Sino ang dapat umiwas sa paggamit ng birth control method na ito?
Maaaring mapataas ng vaginal ring ang ilang panganib sa kalusugan tulad ng atake sa puso, stroke, blood clots sa baga, puso, o utak kung gagamitin ito ng mga babaeng:
- naninigarilyo o nakaugalian ang paninigarilyo sa nagdaang mga taon
- sobra ang timbang
- may diabetes
- mataas ang cholesterol sa dugo
- mayroong sakit sa puso tulad ng high blood pressure
- May namanang blood-clotting disorders
- May kapamilyang may isa o higit pang mga nabanggit na medikal na kondisyon sa itaas
- 35 taong gulang pataas: Ngunit kung wala ka namang kondisyong nabanggit sa itaas, puwede mo pa ring gamitin an vaginal ring hanggang sa umabot ka ng 50 taong gulang.
Paano gamitin ang vaginal ring?
Simple lang ang paggamit ng vaginal ring na ito:
- Linisin ang mga kamay nang mabuti gamit ang tubig at sabon
- Itago ang packet sa oras na tanggalin mo ang ring mula sa foil packet.
- Ipasok na ngayon ang ring sa vagina. Pisilin ang ring upang madaling maipasok
- Matapos ang 21 araw, tanggalin ang ring gamit ang iyong daliri sa pamamagitan ng pagkalawit dito. Dahan-dahan itong hatakin. Tiyaking malinis ang iyong mga kamay kapag ginawa ito.
- Ilagay ang ring na nagamit na sa packet at itapon.
- Palaging palitan ang vaginal ring bawat 3 linggo ngunit maghintay muna ng isang linggo bago maglagay ulit ng bago.
Bagaman isa sa pinakakaraniwang birth control method ang vaginal ring, kailangan mong magpunta sa doktor kung magsimulang makakita ng mga sintomas ng pagbubuntis, biglaang panginginig o lagnat, matagal at matinding pagdurugo ng vagina, nakararanas ng masakit na pakikipagtalik, namumutlang madilaw ang iyong balat at mga mata at iba pang mga problema na maaaring hindi normal o lubhang masakit.
Pumili ng pinakamainam na birth control method na akma sa iyong katawan. Kung sa palagay mong perfect ang ring na ito para sa iyo, pag-usapan ito kasama ng iyong doktor at gawin ang pinakamabuting hakbang.
Matuto pa tungkol sa contraception dito.