Mayroong ilan lamang na contraceptive para sa lalaki kumpara sa dami ng opsyon na mayroon sa babae. Bagaman patuloy ang pag-aaral sa contraceptive para sa lalaki, wala pa ring nagagamit. Alamin ang ibang opsyon sa contraception sa lalaki rito.
Contraceptive pill at ibang opsyons na para sa lalaki
Ang contraception sa lalaki ay bagong pamamaraan kumpara sa maraming opsyon na dinisenyo para sa mga babae. Bagaman mayroong mga pag-aaral sa contraceptive para sa lalaki, hindi pa ito mabibili sa merkado.
Sa kasamaang palad, kadalasan ay babae ang nagsasagawa ng contraception. Hindi ito patas sa kanila sa aspetong pinansyal, kalusugan, at sosyal.
At kahit na maraming bago sa contraceptive na opsyon para sa mga babae sa nakalipas na 50 na taon, ang populasyong global ay patuloy na dumarami kada taon.
Ano ang mga pamamaraan na available na contraceptive para sa lalaki?
Sa kasalukuyan, mayroong 2 pamamaraan ng contraceptive para sa lalaki. Mayroong condoms bilang pangharang sa semilya na makarating at ma-fertilize ang itlog ng babae.
Ang isang paraan ay ang vasectomy, na permanenteng pamamaraan upang ihinto ang semilya na makarating sa itlog habang nagbubulalas.
Ang withdrawal na pamamaraan o pagtanggal ng ari ng lalaki sa ari ng babae bago magbulalas ay hindi tanggap na pamamaraan sa contraception. Sa kadahilanan na ang semilya ay maaaring mailabas bago ang bulalas at maging sanhi ng pagbubuntis.
Maaaring maraming taon pa ang lumipas bago magkaroon ng ligtas, epektibo at nababaligtad na pamamaraan para sa contraceptive sa lalaki. Ngunit positibo ang mga mananaliksik ukol dito.
Ano ang iba’t ibang scientific efforts na ginawa para sa contraception sa lalaki?
Mayroong patuloy na ginagawa sa pagbuo ng epektibong contraceptive pill para sa lalaki na nagpapahinto ng produksyon ng semilya. Mayroong mga pag-uulat sa potensyal na hormonal pills para sa mga lalaki. Ngunit mayroon itong maraming posibleng side effects. Halimbawa nito ay ang pagliit ng itlog, pagkawala ng pagnanais sa pakikipagtalik, at pagbigat ng timbang.
Ang kasalukuyang alternatibong contraceptive pills sa mga lalaki ay ang contraceptive injections. Ito ay sinusubukan pa sa Australia at hindi pa magagamit sa publiko. Nagpakita ang mga pag-aaral na ang kombinasyon ng hormones na testosterone at progesterone ay maaaring ligtas at epektibong contraceptive na pamamaraan sa hinaharap.
Ang pamamaraan na ito ay bago pa lamang at may kasama pang side effects tulad ng tigyawat, pagpapawis sa gabi, pagdagdag ng timbang, at pagbawas ng pagnanais sa pakikipagtalik. Hindi rin ito nagbibigay ng proteksyon mula sa STIs at nasa mahabang panahon upang maging epektibo at matanggal.
Triptonide at disrupting sperm production
Nadiskubre kamakailan lamang ng isang grupo ng mananaliksik mula sa US at China ang kemikal na tinatawag na triptonide. Ito ay isang kemikal mula sa halaman na Tripterygium Wilfordii Hook F. Ito ay sinasabing sanhi ng pagkabaog sa mga pasyente. Napag-alaman ng mga mananaliksik na ang compound matapos masubukan sa mga daga at unggoy ay nagiging sanhi ng semilya na ma-deform at hindi na pwede para sa fertilization. Wala pa rin datos tungkol sa compound ng pagiging nakakalason at walang kahit na anong side effects.
Ang triptonide ay kumakapit sa protina na tinatawag na Junction Plakoglobin (JUP), na mainam para sa development ng semilya. Ang mekanismo na ito sa pamamagitan ng triptonide ay nagbubukas ng posibilidad sa pagkakaroon ng contraceptive para sa lalaki.
Sa halip na ihinto ang produksyon ng semilya, ang paggambala rito at paggawa ng hindi pwedeng semilya ay maaaring bagong pamamaraan sa pagbuo ng contraceptive para sa lalaki sa hinaharap. Ang pagbabalik ng fertility na isinagawa ng pag-aaral sa mga hayop ay nasa 4-6 na linggo. Kasalukuyan pang sinusubukan sa mga daga ang compound na ito at hindi pa kumpirmado kung ito ba ay epektibo sa mga tao.
Ang hinaharap ng contraception para sa lalaki
Maraming mga pag-aaral sa klinika na isinagawa kamakailan lamang sa hormonal based na contraceptive para sa lalaki. Ang pag-aaral na ito ay nagpakita ng 90-95% na efficacy rates. Ang ibang mga pagsubok na humahadlang dito ay ang regulatory na mga balakid at ang limitadong pamamaraan sa delivery.
Mayroon ding mga non-hormonal na pamamaraan na tina-target ang paggalaw ng semilya, at ito ang pinaka mabisang solusyon. Ang pag-aaral sa genes at protina ay patuloy pa rin upang matukoy ang potensyal na target para sa pamamaraan na ito, at maaaring magsimula sa clinical trial sa nalalapit na hinaharap.
Ang pinakamahalagang bagay sa pagpili ng contraception sa lalaki ay ang pagkakaroon ng access sa akmang medikal at siyentipikong impormasyon. Laging kausapin ang iyong doktor at ang iyong partner upang pumili ng pinaka mainam na solusyon na akma sa iyong lifestyle.
Matuto pa tungkol sa Contraception dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.