Bukod sa mga karaniwang uri ng contraception, tulad ng pills, implants, at male condom, alam mo ba na mayroon ding mga condom sa babae? Magbasa at higit na matuto tungkol sa iba’t ibang uri ng pambabaeng condom. Kasama na kung paano gamitin, at kung gaano kabisa ang mga ito.
Ano ang Mga Condom sa Babae?
Ang mga pambabaeng condom, na kilala rin bilang internal condoms, ay mga condom na pwedeng gamitin ng mga babae. Anuman ang mga uri ng mga condom sa babae na ginagamit mo, gumagana ang mga ito bilang barrier para maiwasan ang pagpasok ng sperm sa matris. At tulad ng condom para sa mga lalaki, ang mga pambabaeng condom ay proteksyon din laban sa mga sexually transmitted disease (STD).
Ang ideya ng mga condom para sa babae ay hindi isang bagong imbensyon. Ang mga katulad na paraan ng contraception ay ginagamit na mula pa noong sinaunang panahon. Gayunpaman, ang modernong pambabaeng condom na alam natin ay naimbento lamang noong 1994.
Kahit mahigit na sa 20 taon itong naimbento, hindi pa rin alam ng maraming kababaihan na merong pambabaeng condom. Ganun din kung saan nabibili, at paano gamitin. Kapag ginamit nang tama, ang mga condom sa babae ay maaaring makatulong na protektahan ang mga kababaihan laban sa mga STD. Ito ay para magkaroon sila ng kontrol sa kanilang reproductive health.
Paano ito Ginagamit?
Ang paggamit ng mga pambabaeng condom ay straightforward. Ito ay parang pouch na may dalawang ring sa bawat dulo. Ang closed-end ay ipinapasok sa ari ng babae, habang ang ring sa open end ay nananatili sa labas. Nakakatulong ito na panatilihin ang condom sa lugar, at ginagawang madali itong alisin pagkatapos gamitin.
Sa oras ng sex, siguraduhing i-check na ang outer ring ay nananatili sa labas ng ari. Kung naramdaman mo ang outer ring sa loob ng iyong ari, itigil ang pakikipagtalik at tingnan kung buo pa rin ang condom.
Pagkatapos makipagtalik, i-twist lang ang outer ring, at dahan-dahang bunutin ito. Hindi dapat na muling gamitin ito, at itapon ang mga ito nang maayos pagkatapos gamitin.
Ang mga pambabaeng condom ay maaari ding gamitin para sa anal sex, at ang proseso ng paggamit nito ay katulad ng vaginal sex.
Mas Okay ba ang mga ito kaysa sa mga regular na condom?
Karamihan sa mga mag-asawa na gumamit ng mga pambabaeng condom ay sumasang-ayon na kumpara sa mga male condom, ang mga pambabaeng condom ay mas kasiya-siyang gamitin. Napag-alaman ng mga lalaki na hindi nito inaalis ang sensasyon tulad ng ginagawa ng condom para sa mga lalaki. Ganoon din ang nararamdaman ng mga babae. Ginagawa rin nitong mas “spontaneous” ang pakikipagtalik dahil maaaring isuot ito ng mga babae bago mag-sex.
Ang ilang mga kababaihan nga ay nararamdaman na ang outer ring ay nag-i-stimulate ng kanilang klitoris nang higit pa habang nakikipagtalik, na ginagawa itong mas kasiya-siya.
Karamihan sa mga kababaihan ay sang-ayon din na ang paggamit ng mga pambabaeng condom. Ito ay nagbibigay sa kanila ng peace of mind. Dahil sila ang may kontrol sa kakayahang protektahan ang kanilang sarili laban sa mga STD.
Gaano Ka-effective ang Mga Pambabaeng Condom?
Kung effectiveness ang pag-uusapan, ang paggamit nang maayos sa mga pambabaeng condom ay kasing epektibo ng mga condom ng lalaki. Dahil ang mga ito ay gawa sa parehong materyal, at gumagana nang eksakto sa parehong paraan, ang mga pambabaeng condom ay maaaring maging alternatibo sa mga regular na condom.
Ang isang bagay na dapat i-consider ay malamang na mas mahal ang mga ito kumpara sa mga regular na condom. Siyempre, mas mura ang gumamit ng proteksyon sa oras ng sex, kaysa sa panganib na mahawa at magbayad ng higit pa para sa paggamot.
Ano ang Iba’t Ibang Uri ng Pambabaeng Condom?
Mayroong dalawang pangunahing uri ng mga pambabaeng na magagamit, ang FC1 at ang FC2 condom. Bagaman,karamihan ng mga bansa, hindi na ginagawa ang FC1 condom. Pinapalitan ito ng FC2.
Ang FC1 condom ay gawa sa polyurethane, na isang uri ng plastic. Habang ang FC2 ay gawa sa synthetic na latex, tulad ng mga regular na condom. Ibig sabihin na ang FC2 ay maaaring gamitin ng mga babaeng may allergy sa natural na latex. Ang parehong uri ng mga pambabaeng condom ay epektibo para sa safe sex. Kumunsulta sa iyong doktor para sa mga available na opsyon.
Key Takeaways
Ang iba’t ibang uri ng condom sa babae ay epektibo sa pagprotekta sa lalaki at babae. Kung mas gusto nyo man o hindi ng iyong kapartner ang mga pambabaeng condom o male condom, ang mahalagang bagay ay mag-practice ng safe sex.
Ang safe sex ay nakakatulong na maiwasan ang risk ng mga STD, at hinahayaan din ang mga kababaihan na magpasya kung kailan nila gustong magkaanak.