Ang birth control ay hindi na kakaibang konsepto sa ngayon. Ang konsepto ng birth control na pamamaraan ay isinagawa lampas sa condoms para sa mga lalaki at pills para sa mga babae. Available ang condoms para sa mga babae sa drug stores at ang birth control para sa lalaki ay nakatakda na ring maging makatotohanan.
Tignan natin ang mga option sa birth control para sa lalaki — ang ilan ay kilala na habang ang iba ay nasa kanilang developmental phases pa lamang.
Pamamaraan na Birth Control para sa Lalaki
Condoms
Ang pinaka popular at mas ginagamit na porma ng birth control para sa lalaki, ito ay pumoprotekta na hindi makabuntis. Pumoprotekta rin ito laban sa Sexually Transmitted Diseases (STDs) tulad ng HIV/AIDS, at Sexually Transmitted Infections (STIs) tulad ng herpes at chlamydia.
Pinaniniwalaan na ang mga ito ay humaharang ng pagkakataon na makabuntis na may 98%, na nagsasabi na wala itong ganap na garantiya laban sa pagbubuntis at STDs/STIs.
Gayunpaman, ang mga condom ay kinokonsidera na mas epektibo kaysa sa withdrawal — isa pang option para sa birth control. Maaari itong gamitin kasama ng ibang mga porma ng ibang birth control tulad ng condoms para sa mga babae at birth control pills.
Ang mga condoms ay epektibo sa pangkalahatan bilang birth control para sa lalaki kung ito ay gagamitin sa tamang paraan, bagaman ang pagkakamali ng mga tao ay nakababawas sa pagiging epektibo nito. Maraming mga rason bakit nagiging posible ang conception kahit na gumagamit ng condom. Ilan sa mga ito ay ang hindi pagsusuot nito sa tamang paraan, paggamit ng expired, sira o butas, may manufacturing defects, o hindi naitabi nang maayos.
Ang pagtatabi ng condoms sa bulsa ay nagpapataas ng tsansa ng pagkasira dahil sa init at abrasion. Ang ganitong defects ay hahantong sa mga semilya upang makadaan sa condom at makarating sa ovum. Ito ay hahantong sa banta ng fertilization. Maraming mga iba’t ibang uri ng condoms base sa materyales. Ang latex o polyurethane na condoms ay karaniwang mas nais kaysa sa ibang mga baryasyon na gawa sa balat ng tupa at silicone.
Outercourse
Ang outercourse ay tumutukoy sa gawaing sekswal kung saan ang tradisyonal na gawain ng pagpasok ng titi sa puke ay hindi nangyayari. Ilan sa mga halimbawa nito ay oral sex at anal sex.
Ang mga sekswal na porma na gawain na ito ay nakababawas ng saklaw ng semilya upang makarating sa egg at ma-fertilize. Gayunpaman, maaaring mayroong mga tsansa ng egg na ma-fertilize kung ang semilya ay makarating sa puke. Para sa outercourse, ipinapayo rin ang condoms upang makaiwas na makabuntis at magkaroon ng STDs/STIs.
Withdrawal
Nangangailangan ang withdrawal na tanggalin ng mga lalaki ang kanilang titi bago ang ejaculation upang hindi makarating ang semilya sa ovum ng babae. Ito rin ay tinatawag na ‘Pull Out Method’, ito ay kinokonsidera na hindi epektibong porma ng birth control para sa lalaki.
Ito ay sa kadahilanan na maaaring hindi ito posible na sundin palagi habang nakikipagtalik. Sa halip, kahit na nagwi-withdraw bago ang ejaculation, mayroon pa ring banta ng ilang semilya na magtungo sa egg. Ang paggamit ng condom ay isa sa mas epektibong paraan sa pag-iwas na makabuntis kaysa sa withdrawal.
Birth Control Pill para sa Lalaki
Ang isang pag-aaral na isinagawa noong Marso 2018 ay nagkaroon ng tagumpay sa birth control pill para sa lalaki. Ang pill ay naglalaman ng dimethandrolone undecanoate (DMAU). Kabilang sa pag-aaral ang 100 malulusog na lalaki bilang kalahok na nagsagawa ng araw-araw na dose ng DMAU.
Matapos ang 28 na araw, naobserbahan na ang kanilang fertility ay halos ka-lebel ng castration. Ito ay isang androgen/anabolic steroid/progesterone pill na maaaring inumin isang beses kada araw upang kontrolin ang paglabas ng FSH at LH. Mula rito naiiwasan ang pagkakaroon ng sperm cells. Gayunpaman, sinusubok ang mga posibilidad ng adverse na epekto sa iba pang bahagi ng katawan tulad ng bato at atay, bago ito maapruba.
Vasectomy
Ang vasectomy ang isa sa pinaka matanda at kilalang paraan na birth control para sa lalaki. Kahit na ito ang pinaka epektibo kumpara sa ibang options para sa birth control sa lalaki, maraming mga lalaki ang hindi sumasailalim sa vasectomy.
Ito ay pamamaraan ng surgical sterilization, ang resulta ay kadalasang permanente, ito ay isinasagawa nang matagumpay. Sa mga tiyak na kaso, maaaring ito ay kabaliktaran. Gayunpaman, maging sa kabaliktaran, ang tsansa na makabuo ay mababawasan nang malaki. Bagaman, ito ay nakadepende sa sa panahon kung kailan naisagawa ang vasectomy.
Sa operasyon na ito, ang tubes na nagdadala sa semilya papuntang testicles ay tatanggalin at ise-seal upang maging sterile para sa conception.
Matapos ang operasyon na ito, ang semilya ay hindi nare-release ng testicles at dahan-dahan na naa-absorb ng katawan. Ligtas ang vasectomy at kabilang ang nalulunasan na epekto tulad ng pamamaga, pamamasa, at pagdurugo — tulad ng ibang operasyon. Bihira lamang ang labis na komplikasyon.
Gayunpaman, iniiwasan nito ang pagbubuntis ngunit hindi nagbibigay ng proteksyon mula sa STDs at STIs
Non-surgical Vasectomy
Ang non-surgical vasectomy ay mas nagiging kilala na, salamat sa advanced technological innovations. Bagaman ang pamamaraan ng pagse-seal ng tube na nagdadala ng semilya sa testicales sa pamamagitan ng operasyon, na tinatawag na deferens ay pareho lang, ang approach ay iba.
Papalitan ang scalpel na ginamit sa tradisyonal na vasectomy. Sa halip isasagawa ang incision sa scrotum upang magsagawa ng maliit na puncture sa balat sa pamamagitan ng specialized tool. Ang tool na ito ang magsasagawa ng sapat na espasyo para sa surgeon upang maabot ang vas deferens at isagawa ang operasyon. Ang pamamaraan na ito ay hindi gumagamit ng stitches na tipikal sa tradisyonal na operasyon. Gayundin, mayroong kaunting pagdurugo na mas mabilis mag-recover.
Male Birth Control Shot
Ang mga mananaliksik sa India ay nagsagawa ng pag-aaral tungkol sa injectable male birth control na tinatawag na RISUG (Reversible Inhibition of Sperm under Guidance).
Ito ay isang polymer na tulad ng substance ng gel na nagre-render ng mga semilya upang maging hindi aktibo. Tinuturok ito sa vas deferens, ang tube na nagdadala ng semilya sa testicles. Ito ay upang manatiling restricted ang semilya sa testicles at hindi na maaaring ma-release.
Ang isang male birth control shot ay pinaniniwalaan na nananatiling epektibo hanggang sa 13 taon. Ang epekto ay maaaring kabaliktaran kung ang pagturok ng isa pang shot ay nakakapagpatunaw ng gel. Nade-develop ang RISUG bilang alternatibo para sa mga lalaki na hindi nagnanais ng vasectomy.
Ang pananaliksik na isinagawa ay nagpakita ng tagumpay na nasa 97% sa pag-iwas sa conception. Gayunpaman, hindi pa naisasalang ito sa regulatory body ng India. Sa kabila nito, magiging available ito sa mga drug stores.
Male Birth Control Gel
Isa pang male birth control method na binubuo pa lang ay ang gel na kilala bilang Nesterone-Testosterone (NES/T). Nagpakita ito ng magandang potensyal sa pag-iwas na makabuntis. Ito ay nasa ilalim ng pananaliksik na humigit isang dekada.
Pinaniniwalaan na ang gel ay nakakapag-block ng gonadotropin hormones at nagkokontrol ng produksyon ng testosterone sa testicles. Ito ay nakaiiwas sa bagong sperm cells mula sa pag-develop, at nakababawas ng sperm count.
Ang clinical trial na isinagawa noong taong 2018 ay nakumpirma ang abilidad na mabawasan ang produksyon ng semilya. Ang male birth control gel ay inaasahan na maging available sa nalalapit na hinaharap.
Matuto pa tungkol sa male birth control options sa pamamagitan ng pagkonsulta sa doktor ngayong araw.
Matuto pa tungkol sa Contraception dito.