backup og meta

Apat na Side Effects ng Emergency Contraception

Apat na Side Effects ng Emergency Contraception

Minsan, may pagkakataong nadadala tayo ng mga pangyayari at nakakalimutan nating gumamit ng condom o iba pang klase ng contraception. Sa ganitong kaso, inirerekomenda ang paggamit ng emergency contraception upang maiwasan ang hindi ninais na pagbubuntis. Gaano kaligtas ang emergency contraception at ano ang dapat mong bantayan sa paggamit nito? Matuto pa tungkol sa side effects ng emergency contraception dito.

4 na Side Effects ng Emergency Contraception

  1. Pagbabago sa iyong menstrual cycle

Isa ito sa mga karaniwang side effect kahit ikaw ay gumamit nito sa unang pagkakataon o nagamit mo na ng ilang beses. Ito ay dahil ang oral contraceptives ay naglalaman ng sangkap na may female sex hormones at naiiwasan ang ovulation.

Nakadepende sa kondisyon ng indibidwal kung maaga siyang dadatnan o hindi. Kapag nahuli ang iyong regla ng isang linggo, komunsulta na sa iyong doktor at gumamit ng pregnancy test o magpa-blood test upang malaman kung ikaw ay nagdadalang-tao.

  1. Maaaring magdulot ng abnormal uterine bleeding ang emergency contraceptive pills

Nakakasama ba ang paggamit emergency contraception? Maraming kababaihan ang nakakaranas ng pagdurugo pagkatapos uminom ng emergency contraceptive pills. Isa ito sa mga pangunahing side effect nito. Gayunpaman, hindi mo ito dapat ipag-alala. Karamihan sa kaso nito, hindi nakakaapekto sa iyong kalusugan.

Sa ibang mga kaso, nakakaranas ng pagdurugo ng higit sa dalawang beses pagkatapos uminom ng birth control pill. Sa puntong ito, kailangan mo nang komunsulta sa iyong doktor. Isang senyales ng mas seryosong problemang medikal ang abnormal uterine bleeding.

  1. Pagkahilo at pagsusuka pagkatapos uminom ng emergency contraceptive pill

Nakakasama ba ang pag-inom ng birth control pill? Ayon sa mga istatistika, hanggang sa 50% ng kababaihan ang nakakaranas ng pagduduwal pagkatapos uminom ng emergency contraceptive pills. Karaniwan itong side effect at hindi ka dapat mag-alala dahil nawawala ito pagkalipas ng 1-2 linggo o mas maaga pa dito.

Gayunpaman, kung tuloy-tuloy na nararanasan ang pagsusuka, maaaring kailangan mong baguhin ang iyong diyeta. Kung kinakailangan, pumunta sa ospital para sa konsultasyon sa iyong doktor upang matingnan ang iyong kalusugan at malaman kung ano ang nagdudulot ng iyong pagsusuka.

  1. Side effect ng birth control: Nakakaramdam ng Pagod

Maaari kang makaramdam ng pagod dahil sa emergency contraception. Kadalasang nangyayari ito sa mga taong unang beses pa lamang uminom ng emergency contraceptive pills at karaniwang nangyayari tuwing umaga. Gayunpaman, nagtatagal ito ng isa hanggang sa dalawang araw. Kung magpapatuloy ito at hindi ka komportable o hindi ka nakakapagbuhat ng kahit na magagaan na bagay, komosulta agad sa iyong doktor.

Karagdagang side effect ng emergency contraceptive pill ang paninikip ng dibdib, pananakit ng ulo, kabawasan sa libido, at lower abdominal pain.

Mag-ingat sa pangmatagalang side effect ng emergency contraception

Okay lang bang uminom ng emergency contraceptive pills kada buwan o uminom ng 3 emergency contraceptive pills sa isang buwan? Ayon sa indikasyon nito, naaangkop lamang ang emergency contraceptive pills sa mga malulusog na tao at hindi maaaring gamitin ng higit sa dalawang beses sa isang buwan. Magdudulot ng pangmatagalang side effects at komplikasyon ang sobrang paggamit nito.

Gaano katagal ang bisa ng emergency contraceptive pill? Karaniwang gumagana ito upang maiwasan ang pagbubuntis ng hanggang 72 oras pagkatapos inumin. Mas matagal ang bisa nito kung ginamit ito ng sobra sa nirekomendang gamit o kapag hindi ito kaya ng katawan.

Narito ang mga maaaring side effects nito:

  • Pagdagdag ng timbang
  • Sakit sa baga
  • Depresyon
  • Hypertension
  • Sa hindi pangkaraniwang kaso, maaaring magbigay sayo ng mga problema sa apdo dulot ng hormonal imbalance na maaaring galing sa emergency contraceptive pill
  • Ovarian cysts (para sa ilang kababaihan habang iniinom ito)
  • Ectopic pregnancy: komplikasyong may kinalaman sa emergency surgery. Maaaring maging nakamamatay ito kung hindi malulunasan.

Sa ilang mga kadahilanan, hindi maaaring uminom ng emergency contraceptive pill ang mga buntis. Delikado ang mga side effects nito sa kanilang pagbubuntis. Pinapayuhan ng mga eksperto ang mga taong may blood clotting disorder, PCOS (polycystic ovary syndrome), high blood pressure, at depresyon na iwasang inumin ang emergency contraceptive pills nang walang supervision ng mga doktor.

Mga dapat tandaan sa pag-inom ng emergency contraceptive pills

Upang mabawasan ang side effect ng emergency contraceptive pills, nararapat mong pagtuonan ng pansin ang mga sumusunod:

  • Alamin kung ano ang mga sangkap ng gamot upang maiwasan ang allergies. Kailangan mo ring basahin nang mabuti ang mga instructions sa paggamit, at limitasyon ng mga gamot na ito.
  • Sumunod sa course at tagal ng gamot. Huwag itong inumin nang higit pa sa dalawang beses sa isang buwan o higit pa sa tatlong beses sa isang taon
  • Kung napansin mong nagtatagal ang mga side effect nito, o nakararanas ka ng hindi pangkaraniwang sintomas, kailangan mo nang pumunta sa ospital.

Maaaring makaapekto sa iyong buhay ang side effect ng birth control pill. Epektibo lamang ang pill na ito upang maiwasan ang unwanted pregnancy sa loob ng 24-72 oras pagkatapos makipagtalik at hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng sexually transmitted infections.

Samakatuwid, ang paggamit ng condom habang nakikipagtalik ay isang ligtas na paraan nang walang side effect at may mababang panganib. Maaari ka ring gumamit ng VCF contraceptive film para sa mas epektibong birth control nang hindi na kinakailangang gumamit ng pills.

Matuto pa tungkol sa Contraception dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Kasalukuyang Version

12/07/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Male Birth Control: Alamin Kung Ano Ang Vasectomy Dito

Paano Malalaman kung Mabisa ang Birth Control Pills?


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement