Ang mga heterosexual partners na may bilang na ng anak na gusto nila ay maaring pag-isipan ang paggamit ng birth control para maiwasan ang pagbubuntis. Kahit may iba’t-iba uri ng birth control, bawat isa ay may mga kalamangan at kahinaan. Halimbawa, ang condom ay madaling gamitin, at ang oral contraceptives ay may iba’t ibang benepisyo sa mga kababaihan. Ang cervical caps naman ay reusable. Gayunpaman, ang ilang mga tao ay maaaring allergic sa latex sa condom. Ang cervical caps ay maaaring magdulot ng pangangati na maaaring mauwi sa mga impeksyon sa pantog. At ang oral contraceptives ay may side effects tulad ng pagduduwal, pagkahilo, at pananakit ng dibdib. Samantala, ang vasectomy ay maaaring mas mainam kaysa sa iba pang permanenteng paraan ng contraception. Dahil ito ay mas matipid at ang minor procedure na ito ay may kaunting mga side effect. Ano ang vasectomy? Basahin dito ang mga dapat malaman.
Ano Ang Vasectomy?
Para sa mga lalaking siguradong hindi na nila gustong magkaanak, ito ay isang minor surgical procedure para pigilan ang sperm cell na maabot at mafertilize ang egg cell. Hindi nito pinipigilan ang pagbuo ng sperm at inilalabas pa rin ang semilya, walang lang sperm dito. Ito ay isang permanenteng paraan ng pagpipigil sa pagbubuntis, na higit sa 99% na epektibo. Maaari pang mapabuti ang iyong sex life. Dahil ang posibilidad ng isang hindi sinasadyang pagbubuntis ay nawawala. Ito ay maaaring makatulong na mapatibay ang intimacy sa pagitan ng mag-partner.
Mga Uri Ng Vasectomy Procedure
May dalawang uri nito. Kumunsulta sa iyong doktor tungkol sa kung aling uri ang pinaka angkop para sa iyo.
Conventional Vasectomy
Isa o dalawang hiwa ang ginawa sa balat ng scrotum (sac na nakapaloob sa testes). Ang mga vas deferens ay pinuputol at kung minsan kahit isang maliit na seksyon ay pinuputol. Pagkatapos, ang mga dulo ng vas ay pinuputol at tinatali o sinasaksak sa tissue. Inuulit ng surgeon ang proseso sa iba pang vas. Panghuli, ang mga hiwa sa scrotum ay maaaring tahiin ng mga absorbable stitches o iwanan para pagalingin at mag-isang magsara.
Non-Scalpel Vasectomy
Ang iyong doktor ay kakapain sa ilalim ng scrotum ang vas, na i-sesecure ng isang clamp. Isang maliit na butas ang gagawin sa balat na iuunat para ilantad at iangat ang vas. Pagkatapos ay hihiwain o tatalian.
Ano Ang Dapat Kong Gawin Bago Ang Isang Vasectomy?
Ang pinaka unang hakbang na dapat mong gawin ay mag-iskedyul ng isang miting sa iyong doktor. Tatalakayin niya kung tama ang operasyong ito para sa iyo. Sisiguraduhin niyang alam mo ang mga sumusunod:
- Permanence ng vasectomy procedure
- Ang damdamin ng iyong partner at pamilya tungkol sa desisyon
- Iba pang mga option ng birth control
- Detalye ng procedure, mga panganib, at mga komplikasyon
Kapag nagpasya kang magpatuloy sa rekomendasyon ng iyong doktor, maaari ka niyang sabihan na huwag uminom ng anumang aspirin, non-steroidal anti-inflammatory drugs (NSAID), o gamot na pampanipis ng dugo mga araw bago ang pamamaraan (hal., warfarin, heparin, ibuprofen). Maaari kang payuhang magsuot ng masikip na damit na panloob para suportahan ang scrotum at mabawasan ang pamamaga. Bago ang operasyon, ayusin ang byahe sa pauwi.
Sa mismong araw, siguraduhing maligo at bigyang-pansin ang genital area. I-trim ang pubic hair kung kinakailangan.
Ano Ang Dapat Kong Gawin Pagkatapos Ng Operasyon?
Mag-ingat sa mga senyales ng impeksyon:
- Lagnat na mas mataas sa 38°C
- Pamumula at pamamaga
- Pagtaas ng tindi ng pananakit
Patuloy na magsuot ng pansuportang damit na panloob nang hindi bababa sa 48 oras pagkatapos ng vasectomy procedure. Sa unang 24 oras, kailangan mong magpahinga. Habang nagpapagaling, iwasan ang mabigat na aktibidad tulad ng sports at heavy lifting. Iwasan din ang sex sa loob ng halos isang linggo. Kapag nakikipag-sex, maaaring makaramdam ng pananakit o makakita ng dugo sa iyong semen.
Patuloy na gumamit ng condom o iba pang paraan ng contraception hanggang sa sabihin ng iyong doktor na wala nang sperm sa semen.
Ano Ang Mga Panganib At Komplikasyon?
May mga panganib ng pamamaraan ng vasectomy ngunit napakabihira.
Kung sakaling magbago ang isip mo tungkol sa pagkakaroon ng mga anak at humingi ng isang reversal, hindi sigurado ang isang pagbubuntis.
Kabilang sa mga komplikasyon ang:
- Pagdurugo sa loob ng scrotum
- Bruising
- Mild pain
- Pamamaga
- Impeksyon sa lugar ng operasyon
Maaaring magkaroon ng iba pang komplikasyon sa ibang pagkakataon:
- Pangmatagalang pananakit (nagaganap sa 1 hanggang 2% ng mga pasyente na sumailalim sa procedure)
- Fluid accumulation sa testicle, na nagiging sanhi ng pananakit na lumalala sa panahon ng ejaculation
- Granuloma: pagtagas ng sperm na nagdudulot ng pamamaga
- Spermatocele: cyst sa epididymis
Mga Dapat Tandaan
Sa unang taon pagkatapos ng vasectomy, maaaring mabuntis pa rin ang ilang mag-asawa. Pero mas mababa ang rate kaysa sa mga gumagamit ng non-permanent birth control. Partikular, aabutin ito ng 15 hanggang 20 ejaculations (mga 3 buwan), habang ang iba ay mas tumatagal para maalis ang sperm sa kanilang semilya.
Ang mga vasectomy ay hindi rin agad nagpoprotekta laban sa mga sexually transmitted infections o sa human immunodeficiency virus.
Key Takeaways
Para sa mga couple na seryosong nag-iisip ng permanenteng birth control, ang vasectomy ay isang cost-effective na option na may kaunting side effect. Pero bago magpasya, kausapin ang iyong doktor tungkol sa kung ano ang vasectomy at ang dapat mong malaman tungkol sa dito. Matuto pa tungkol sa Mga Contraceptive dito.