Gaano man ka-effective ang iyong birth control method, maaari pa ring mangyari ang mga aksidente (tulad ng sirang condom). Sa panahon ng mga aksidenteng ito nagiging kapaki-pakinabang ang isang emergency contraception pill. Narito ang kailangan mong malaman tungkol sa kung ano ang emergency pill o morning-after pill.
Ano ang mga emergency contraceptive pill (ECPs)?
Ang mga emergency contraceptive pill ay mga tabletang pumipigil sa pagbubuntis pagkatapos makipagtalik nang walang proteksyon. Kung ano ang emergency pill ay kilala rin bilang morning-after pill. Ngunit hindi mo kailangang maghintay hanggang sa next morning para inumin ito. Maaari mong inumin kaagad kapag mapansin na failed ang iyong birth control method. Gayundin kung nakipagtalik ka pagkatapos na ma-miss o mahuli sa iyong regular contraception.
Karamihan sa mga brand ay epektibo kapag ininum sa loob ng 120 oras o 5 araw pagkatapos ng unprotected intercourse, pero ang ilan ay pinakamahusay inumin sa loob ng 72 oras.
Ayon sa mga ulat kung ano ang emergency pill, ito ay may success rate na 98% para sa mga babaeng may average na timbang na umiinom nito sa loob ng 72 oras. Gayunpaman, hindi nila dapat palitan ang iyong regular na oral contraceptive pill.
Paano gumagana ang morning-after pills?
Ang mga morning-after pill ay naglalaman ng alinman sa levonorgestrel o ulipristal acetate, mga gamot na pumipigil sa obulasyon o ang proseso kung saan ang mga ovary ay naglalabas ng mga mature na egg cell. Dahil walang egg cell, hindi maaaring mangyari ang fertilization at mapipigilan ang pagbubuntis.
Nagdudulot ba ng abortion ang emergency contraception?
Ang mga morning-after pill ay hindi nagdudulot ng abortion. Kung sakaling buntis ka na bago uminom ng morning-after pill, hindi ito makakaapekto sa pagbuo ng fetus sa iyong sinapupunan.
Sino ang maaaring mag-take ng ECPs?
Ang mga babaeng nasa reproductive age na nagkaroon ng unprotected sex at gustong pigilan ang unwanted pregnancy ay maaaring gumamit ng emergency contraception pill. Karamihan sa mga kababaihan, kahit na ang mga wala pang 16 taong gulang, ay maaaring uminom ng mga ECP maliban kung sila ay allergic sa nilalaman nito o may matinding hika. Hindi rin inirerekomenda ng mga doktor ang morning-after pill para sa mga babaeng umiinom ng mga gamot na maaaring magdulot ng drug interactions. Ang mga halimbawa ng mga gamot na ito ay kinabibilangan ng:
- John’s Wort
- Mga gamot para sa epilepsy, tuberculosis, at HIV
- Omeprazole o iba pang mga gamot na ginagawang less acidic ang tyan.
- Ilang uri ng antibiotic tulad ng rifampicin at rifabutin
Available ba ang mga emergency contraceptive pill sa Pilipinas?
Ang mga parmasya at klinika sa Pilipinas ay hindi nagbebenta ng mga morning-after pill. Gayunpaman, may ilang online stores at sellers na nag-aalok nito. Ang presyo ay karaniwang mabigat (mga 3,500 PHP o mas mataas). Ang pagbili ng gamot online mula sa mga hindi na-verify na nagbebenta ay maaaring lubhang mapanganib dahil mahirap matukoy kung ano ang mga emergency pill ay tunay at ligtas.
Ano ang iyong mga emergency contraception option?
Kung walang morning-after pill, opsyon pa rin ba ang emergency contraception para sa mga Filipina? Ayon sa mga eksperto, oo, ganoon pa rin. Sa halip na mga pill, maaaring pumili ang mga babae sa pagitan ng dalawa pang emergency contraception methods: paglalagay ng copper IUD at ang Yuzpe method.
Copper IUD
Ayon sa WHO, ang isang intrauterine device na naglalaman ng copper ay ang pinaka-epektibong paraan ng emergency contraception. Ito ay may 99 % success rate kung ipinasok sa loob ng 5 araw pagkatapos ng unprotected sex. Pinipigilan nito ang pagbubuntis sa pamamagitan ng paglikha ng chemical changes sa sperm at egg cells bago mangyari ang fertilization.
Ang isang IUD ay karaniwang ligtas din; ayon sa mga ulat, wala pang 2 kaso ng pelvic inflammatory disease ang nangyayari sa bawat 1000 user. Bukod dito, maaari mong piliing iwanan ito sa loob ng iyong matris upang magsilbing iyong primary birth control method.
Gayundin, ang IUD ay ang pinipiling paraan na emergency contraception para sa mga kababaihan na tumitimbang ng higit sa 70 kilo.
Yuzpe method
Ang isa pang paraan ng emergency contraception bukod sa morning-after pill at copper IUD ay ang Yuzpe method o ang combined oral contraceptives (COCs). Sa paraang ito, kailangan mong uminom ng ilang oral contraceptive pill na dalawang doses, 12 oras ang pagitan.
Ang mga extra contraceptive effect ay nagdudulot ng pagtaas ng mga hormone na maaaring humantong sa mga side-effects gaya ng pagkahilo, pagduduwal, pagsusuka, at hindi regular na pagdurugo ng ari. Kung sakaling magsuka ka sa loob ng 2 oras pagkatapos uminom ng COC, kailangan mong ulitin ang dose.
Ang paraan ng Yuzpe ay pinakamahusay na gawin sa ilalim ng pangangasiwa ng iyong doktor. Gagabayan ka nila sa mga uri ng oral contraceptive at mga dose nito. Upang maging epektibo, kailangan mong uminom ng COC sa loob ng 5 araw pagkatapos ng unprotected intercourse.
Key Takeaways
Pinipigilan ng emergency contraception pill ang unwanted pregnancy pagkatapos ng unprotected sexual intercourse. Gayunpaman, hindi available ang mga morning-after pill sa Pilipinas at dapat alam kung ano ang emergency pill. Ang best options sa ngayon ay ang copper IUD insertion at ang Yuzpe method. Matuto pa tungkol sa Mga Contraceptive dito.