backup og meta

Alamin: Iba't ibang Paraan ng Contraception

Alamin: Iba't ibang Paraan ng Contraception

Iniisip ng karamihan sa mga tao na ginagamit ang mga contraceptive bilang proteksyon para sa ligtas na pakikipagtalik. Ngunit hindi lang ito isang paraan para makaiwas sa pagbubuntis. Proteksyon din ito laban sa mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik. Magagamit ito sa family planning, at nakatutulong sa kababaihan na magkaroon ng sapat at ligtas na panahon sa pagitan ng mga pagbubuntis. Posible din itong maging mabisang treatment para sa ilang isyu sa reproductive health. Mabuti rin ang paraan ng contraception bilang tugon sa mga problema ng mundo, tulad ng lumalaking populasyon.

Contraception ang tawag sa sadyang pagpigil ng pagbubuntis gamit ang mga sumusunod na paraan:

  • Kagamitan (condom, diaphragm, IUD)
  • Mga kemikal o substance (tulad ng mga spermicide)
  • Mga gamot (pambabae o panlalaki na contraceptive pill)
  • Iba pang mga sexual practice (rhythm method, withdrawal)
  • Mga operasyon (vasectomy, tubal ligation)

Matatawag na contraceptive ang anumang gamit o aksyon na pumipigil sa babae na mabuntis.

Sa tulong ng mabisang paraan ng contraception kaya nakakapagtalik ang mga mag-asawa nang hindi nag-aalala sa hindi inaasahang pagbubuntis. Bukod dito, may kalayaan din silang mag-anak sa oras na handa na sila para sa responsibilidad na ito. Mabisa at komportable ang pinakamahusay na paraan ng contraception, at mabibili din ito sa pinakamurang halaga na may pinakamababang side effect. Mayroon ding karagdagang benepisyo ang paggamit ng mga barrier tulad ng panlalaki at pambabaeng condom laban sa mga sakit na nakukuha sa pakikipagtalik (STD).

Paano Gumagana ang mga Contraception?

Gumagana sa magkakaibang paraan ang iba’t ibang contraception. Kabilang dito ang:

  • Pagpigil sa sperm na makapunta sa egg
  • Pag-iwas sa buwanang paglabas ng egg
  • Sperm inactivation (minsan posibleng humantong sa pinsala)
  • Pagbabago sa lining ng matres
  • Pagpapalapot ng cervical mucus

Paano Piliin ang Tamang Paraan ng Contraception para sa Sarili

Maaaring mahirap pumili ng tamang paraan para sa sarili dahil maraming pagpipilian. Marapat na magkaroon kayo ng iyong partner ng bukas na pag-uusap tungkol sa inyong mga personal na kagustuhan at paniniwala.

May mga tradisyunal at modernong paraan ng contraception na maaari mong tingnan:

Mga Tradisyunal na Paraan ng Contraception

Nakasalalay ang fertility awareness o mga natural na paraan ng contraception sa pagbabantay ng mga pisikal na senyales, tulad ng mga pagbabago sa temperatura ng katawan at vaginal fluid. Makatutulong ito na malaman kung kailan ka fertile.

Narito naman ang ilan sa mga kilalang tradisyunal na paraan ng contraception:

  • Rhythm method
  • Symptothermal method
  • Cervical mucus observation
  • Coitus interruptus o withdrawal method
  • Lactation amenorrhea method

Mga Modernong Paraan ng Contraception

Kabilang sa mga modernong contraception ang mga sumusunod:

  • Condom ng lalaki at babae
  • Short-acting hormonal method (oral contraceptive pill, emergency contraceptive pill, skin patches, vaginal rings, at contraceptive shots o injectables)
  • Long-acting hormonal method (copper T intrauterine device, contraceptive hormonal implant)
  • Barrier/chemical method (sponge, spermicide, diaphragm o cervical cap)
  • Operasyon (mga intrauterine device, female sterilization o tubal ligation, male sterilization o vasectomy)

Ano ang mga Benepisyo ng mga Paraan ng Contraception?

May ilang pangunahing benepisyo ang nauugnay sa paggamit ng mga contraceptive. Maraming gumagamit nito upang maiwasan ang hindi inaasahang pagbubuntis. May mga mag-asawa ding nais limitahan ang dami ng kanilang mga anak. Higit pa rito, makatutulong ang mga contraceptive sa mga nasa murang edad at bulnerableng kabataan para mapigilan ang pagdami ng teenage pregnancy at pagkalat ng sexually transmitted disease (STDs).

Maaari ding piliin ng iba na gumamit ng contraception para protektahan ang kanilang hindi pa naisisilang na anak mula sa mga panganib sa kalusugan at pagkakaroon ng ilang impeksyon tulad ng STD. Magagamit din ito para maiwasan ang delikadong pagbubuntis.

Key Takeaways

Anuman ang iyong dahilan, kailangan mo ng sapat na kaalaman sa mga mapagpipiliang contraceptive upang malaman kung ano ang angkop para sa iyo. Mahalagang bukas na makipag-usap sa iyong partner para masuri ang mga posibleng side effect, presyo, at benepisyo nito.

Maraming dahilan ang makakaapekto sa napiling paraan, kasama na ang sariling kalusugan at paraan ng pamumuhay. Maaari mo ring isaalang-alang ang panganib ng pagkakaroon ng mga STD, at kung gaano kahalaga para sa iyong maiwasan ang pagbubuntis.

Tandaan na ang pinakamabisang paraan ng contraception para sa iyo ay ang ligtas, convenient at palaging madali at tamang gamitin.

Matuto pa tungkol sa Contraception dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Benefits of Contraception Use, https://www.familyplanning.org.nz/news/2013/benefits-of-contraception-use, Accessed October 5, 2021

Contraception, https://www.cdc.gov/reproductivehealth/contraception/index.htm, Accessed October 5, 2021

Contraception – choices, https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/healthyliving/contraception-choices, Accessed October 5, 2021

Birth control options: Things to consider, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/birth-control/in-depth/birth-control-options/art-20045571Accessed October 5, 2021

Family planning/contraception methods, https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/family-planning-contraception, Accessed October 5, 2021

Contraceptive Methods: Needs, Options and Utilization, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3307935/, Accessed October 5, 2021

Kasalukuyang Version

08/26/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Jaiem Maranan, RN MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Male Birth Control: Alamin Kung Ano Ang Vasectomy Dito

Paano Malalaman kung Mabisa ang Birth Control Pills?


Narebyung medikal ni

Jaiem Maranan, RN MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement