backup og meta

Ligtas Ba Ang Withdrawal Method Sa Pagbubuntis At STD?

Ligtas Ba Ang Withdrawal Method Sa Pagbubuntis At STD?

Ligtas ba ang withdrawal method? Ito ang isa sa mga madalas itanong ng mga mag-asawa pagdating sa usapin ng iba’t ibang birth control method. Marami ang gumagawa ng withdrawal method dahil hindi mo kailangang gumamit ng contraceptive pills o implants, at hindi kailangang mag-condom ng lalaki.

Gayunpaman, gaano ba kaepektibo ang paraang ito para maiwasan ang makabuntis? O upang maiwasan ang STD? At paano mo ito magagawa nang tama at ligtas? Basahin ang artikulong ito upang matuto ng higit pa.

Ano Ba Talaga Ang Withdrawal Method?

Ang withdrawal method na kilala rin bilang coitus interruptus, o ang “pull-out method” ay isang anyo ng contraception. Ito ang paghugot o pagtanggal ng lalaki ng kanyang ari bago siya tuluyang labasan para hindi mapunta ang kanyang semilya sa loob ng pepe.

Karaniwang ginagawa ito ng mga mag-asawang walang access sa contraceptives o ayaw gumamit ng condom, pills, at iba pa, dahil sa iba’t ibang rason na may kinalaman sa kanilang relihiyon.

Nangangailangan din ang pamamaraang ito ng matinding pagkokontrol sa sarili dahil kailangang hugutin ng lalaki ang kanyang ari bago siya labasan. Kapag hindi niya ito nagawa sa tamang oras, o kapag hindi niya talaga nagawang hugutin ang ari, malaki ang posibilidad na mabuntis niya ang babae.

Ligtas Ba Ang Withdrawal Method?

Isa sa disadvantage ng withdrawal ay hindi ito kasing epektibo ng ibang contraceptives gaya ng condom at pills.

Ito ay dahil posibleng may nauna nang lumabas na likido (pre-cum) sa ari ng lalaki kahit hindi pa talaga siya nilalabasan. Maaaring may lamang sperm cells ang likidong ito. Bagaman mababa ang tsansang makabuntis dahil sa pre-cum, posible pa rin itong makabuntis.

Karagdagan, maaaring hindi magawang kontrolin ng ibang lalaki ang kanilang sarili at labasan sa loob ng ari ng babae, sa halip na hugutin. Ito ang dahilan kung bakit may mas mababang effectivity rate ang withdrawal kumpara sa iba pang method.

Tungkol naman sa tanong na “Ligtas ba ang withdrawal method?” hindi nito mapoprotektahan ang tao sa mga sakit na STDs. Mayroon kasing mga klase ng STDs na naipapasa sa pamamagitan ng skin-to-skin contact. Dahil dito maaaring makapanghawa ng impeksyon ang walang proteksyong pagtatalik.

Dagdag pa, maaari ding makapanghawa ng iba pang uri ng STDs sa pamamagitan ng pre-cum. Kaya’t kung pag-uusapan ang STDs, walang naibibigay na proteksyon ang withdrawal method. Makabubuti pa ring gumamit ng condom tuwing makikipagtalik upang maiwasan ang STDs.

Ano Ang Mga Benepisyo Ng Withdrawal Method?

Hindi kasing epektibo ng iba pang anyo ng contraceptives ang withdrawal method. Pero dapat ikonsidera na napakaepektibo naman nito kung isasabay sa iba pang birth control method.

Halimbawa, lalong pinabababa ang tsansang mabuntis ang isang babae kapag gumamit ang isang lalaki ng condom at sasabayan pa ng withdrawal method. Pareho rin ito kung gagawin sa iba pang anyo ng birth control gaya ng pills, implants, at injectables.

Kung nais mo talaga at ng iyong karelasyong maiwasan ang hindi planadong pagbubuntis, magandang ideya ang paggamit ng withdrawal method kasabay ng iba pang anyo ng contraception.

Paano naman ang mga taong saklaw ng pagbabawal mula sa kanilang relihiyon tungkol sa paggamit ng contraceptives? IIsa sa benepisyo ng withdrawal method ay puwede nilang gawin ito bilang anyo ng birth control. Kumpara naman sa calendar method o rhythm method, mas mataas ang success rate ng withdrawal method.

Bilang karagdagan, maaaring pagsamahin ng mag-asawa ang calendar method at withdrawal method upang mapababa ang tsansa ng hindi planadong pagbubuntis. Bagaman mahalagang tandaan na mayroon pa ring posibilidad na makabuntis gamit ang mga pamamaraang ito.

Matuto pa tungkol sa Sekswal na Kalusugan dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Withdrawal method (coitus interruptus) – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/tests-procedures/withdrawal-method/about/., Accessed April 13, 2021

Pull Out Method | Withdrawal Method | What is Pulling Out?, https://www.plannedparenthood.org/learn/birth-control/withdrawal-pull-out-method, Accessed April 13, 2021

Withdrawal method | Pulling out – Family Planning Victoria, https://www.fpv.org.au/for-you/i-dont-want-to-get-pregnant/contraception-without-hormones/withdrawal-method-pulling-out, Accessed April 13, 2021

Using Withdrawal | Family Planning, https://www.fphandbook.org/using-withdrawal, Accessed April 13, 2021

CDC – Coitus Interruptus (Withdrawal) – USMEC – Reproductive Health, https://www.cdc.gov/reproductivehealth/contraception/mmwr/mec/appendixh.html, Accessed April 13, 2021

Kasalukuyang Version

01/22/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Sino Ang Mas Nakaka-Experience Ng Sexual Pleasure - Babae o Lalaki?

Woman On Top Sex Position Para Mabuntis: Effective Nga Ba?


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement