backup og meta

Dinugo Pagkatapos Magtalik: Ano Ang Maaaring Maging Dahilan?

Dinugo Pagkatapos Magtalik: Ano Ang Maaaring Maging Dahilan?

Maraming mga babae ang dumadaing may kinalaman sa pagdurugo ng kanilang ari matapos ang pakikipagtalik. Kadalasan, ito ay itinuturing na normal kung unang beses mong makipagtalik. Gayunpaman, maaari kang mag-alala o mag-panic kung ito ay palagiang nangyayari kapag ikaw ay nakikipagtalik, hindi ba? Kaya naman, ano ang ibig sabihin kapag dinugo pagkatapos magtalik? At delikado ba ang kondisyong ito? Magpatuloy sa pagbabasa. 

Normal Ba Kapag Dinugo Pagkatapos Magtalik?

Ang mga babae ay nakararanas ng pagdurugo mula sa kanilang ari sa panahon ng buwanang dalaw, na itinuturing na ligtas at normal. Karagdagan pa, ang pagdurugo ng ari ay karaniwan sa mga babaeng nakipagtalik sa unang pagkakataon. 

Gayunpaman, ang tanong ay, normal pa rin ba ang pagdurugo ng ari ng babae kahit pa nakipagtalik na siya nang maraming beses? 

Ang pagdurugo na nangyayari paminsan-minsan ay hindi dapat na ikabahala. Gayunpaman, kung ang kondisyong ito ay nangyayari nang paulit-ulit, kailangan nang agarang matukoy ang sanhi nito. 

Ano Ang Ibig Sabihin Kung Dinugo Pagkatapos Magtalik?

Maraming mga bagay ang nagiging dahilan ng pagdanas ng mga babae ng pagdurugo ng ari pagkatapos ng pakikipagtalik. Narito ang mga karaniwang dahilan. 

1. Injury sa Ari ng Babae

Ang unang posibilidad na nagiging dahilan ng pagdurugo ng ari ng babae ay ang injury dito. 

Ang injury na ito ay maaaring dulot ng maraming mga bagay, mula sa kakulangan sa lubrication bago ang pakikipagtalik o kung masyadong matindi ang naging pagtatalik. 

Sa pagmamadali sa pakikipagtalik, ngunit hindi naghanda nang sapat (walang foreplay), maaaring magdulot ito ng pagdurugo ng ari ng babae pagkatapos ang pagtatalik. 

2. Masyadong Dry ang Ari ng Babae 

Kapag dinugo pagkatapos magtalik ay maaaring dahil masyadong dry ang babae. Ang kondisyong ito ay tinatawag na vaginal atrophy. Ang vaginal atrophy ay isang karaniwang kondisyon sa mga kababaihan. 

3. Paggamit ng mga Contraceptives

May marami-raming uri ng contraceptives— gaya ng IUDs– na maaaring magdulot ng pagiging dry ng ari ng babae kaya naman malaki ang tyansa ng pagdurugo. Isa sa mga karaniwang side effect ng IUD contraceptives ay ang pagka-dry ng ari ng babae. 

4. Pamamaga ng Cervix (cervicitis) 

Isa pang trigger para sa biglaang pagdurugo ng ari ng babae habang o pagkatapos makipagtalik ay ang pamamaga ng cervix, na kilala rin bilang cervicitis. 

Ang kondisyong ito ay maaaring dulot ng iba’t ibang mga bagay, mula sa sexually transmitted diseases, sobrang pagdami ng bacteria, at maging ng allergic reactions. 

Ang cervicitis ay sinasamahan din ng iba pang mga sintomas gaya ng pagkaramdam ng sakit habang umiihi, sobrang paglalabas ng likido ng ari ng babae (leucorrhoea), at pagkaramdam ng pananakit habang nakikipagtalik. 

5. Sexually Transmitted Diseases

Karagdagan pa, ang pagdurugo ng ari ng babae matapos ang pakikipagtalik ay maaari ding dahil sa isang impeksyon o sexually transmitted disease sa mga reproductive organ ng babae. Ang ilang mga sexually transmitted diseases ay maaaring makapagdulot ng pamamaga at abnormal na pagdurugo sa ari ng babae. 

Ang mga sexually transmitted diseases na maaaring makapag-trigger sa pagdurugo ng ari ng babae pagkatapos makipagtalik ay ang chlamydia, gonorrhea, at trichomoniasis. 

6. Cervical Polyps o Fibroids

Ang pagkabuo ng mga polyps o fibroids sa cervix o sa matres ay maaaring makapag-trigger ng pagdurugo ng ari ng babae pagkatapos ang pakikipagtalik. Kadalasan, ang mga fibroids o benign tumors ay maaaring lumabas bilang resulta ng malubhang pamamaga o pagbabago sa hormones ng katawan. 

7. Kanser 

Isang posibleng dahilan kapag dinugo pagkatapos magtalik ay ang kanser. Ayon sa Cleveland Clinic, tinatayang 11% ng mga kababaihang may cervical cancer ay nakararanas ng pagdurugo pagkatapos makipagtalik. 

Paano Maiiwasan ang Pagdurugo Pagkatapos Makipagtalik? 

Matapos malaman kung anong mga kondisyon ang nakapagti-trigger sa pagdurugo ng ari ng babae pagkatapos makipagtalik, maaari mo nang isagawa ang mga hakbang para maiwasan ito. 

Narito ang iba’t ibang mga paraan para maiwasan ang pagdurugo ng ari ng babae pagkatapos makipagtalik: 

Uminom ng Maraming Tubig

Ang dehydration ay hindi lamang nagdudulot ng dry at maputlang labi, gayundin ay nagdudulot ng pagka-dry ng ari ng babae. 

Kapag dehydrated ang iyong katawan, ang labia majora, labia minora, at ang iba pang bahagi ng ari ng babae ay nagiging dry din. Ito ay maaaring magdulot ng masakit na pakikipagtalik at pagdurugo. 

Kaya naman, siguruhing ang iyong katawan ay hydrated sa pamamagitan ng pag-inom ng hindi bababa sa 8 baso ng tubig kada araw. 

[embed-health-tool-ovulation]

Gumamit ng Sex Lubricant 

Ang ari ng babae ay may natural na kakayahan na magprodyus ng likidong lubricant. Gayunpaman, maraming mga kondisyon na nakapipigil para sa likidong ito na maprodyus sa tamang dami, gaya ng pagme-menopause. 

Kung ito ay iyong nararanasan, kailangan mong gumamit ng dagdag na lubricant bago makipagtalik. 

Ngunit tandaan, huwag maging padalos-dalos sa paggamit ng sex lubricants. 

Iminumungkahi ang paggamit ng water-based o silicon-based na lubricant para maiwasan ang pagdurugo ng ari ng babae pagkatapos makipagtalik

Gumamit ng Condom 

Minsan, ang ari ng babae ay maaaring magdugo kung nakipagtalik siya nang hindi gumagamit ng condom. 

Ang friction sa pagitan ng ari ng lalaki at ari ng babae ay kadalasang nagdudulot ng pamamaga at impeksyon sa ari ng babae, na nagreresulta sa pagdurugo pagkatapos makipagtalik. 

Kaya naman, hindi naman siguro kabawasan ang paglalagay ng condom bago makipagtalik. 

Para maging mas kasiya-siya ang pakikipagtalik, huwag kalimutang maglagay ng lubricant sa condom. Muli, magbigay-pansin sa uri ng lubricant na iyong gagamitin. Iwasan ang mga oil-based lubricants dahil maaari nito masira ang mga latex condoms. 

Pumili ng water o silicone lubricant na ang mga sangkap ay mas ligtas para sa ari ng babae. 

Makipag-usap sa Iyong Kapareha 

Huwag mahihiyang makipag-usap tungkol sa pagtatalik sa iyong kapareha. 

Posible na pareho kayong hindi nagwa-warm up, masyadong mabilis ang pagtatalik, o hindi komportable ang inyong posisyon habang nagtatalik na naging dahil ng pagdurugo ng iyong pagkababae. 

Subukang magkaroon ng isang heart-to-heart talk sa iyong kapareha. 

Pag-usapan kung gaano ninyo katagal gustong mag-warm up o magsagawa ng foreplay, anong mga posisyon sa pagtatalik ang gusto ninyo at komportable kayong gawin, saang mga bahagi ng katawan gusto o ayaw niyong mahawakan. 

Sa pamamagitan ng pag-unawan ng mga pangangailangan at pagnanasa ng isa’t isa, ang mga ginagawa ninyo sa kama ay mas magiging kasiya-siya at punong-punong ng pagnanais. 

Kapag mas komportable ka sa iyong kapareha, mas magiging maagap kayo para maiwasan ang pagdurugo ng iyong pagkababae pagkatapos magtalik. 

Kumonsulta sa Doktor

Kung ang pagdurugo ng ari ng babae pagkatapos makipagtalik ay dulot ng tiyak na mga sakit, kailangan mong agarang kumunsulta sa iyong doktor. 

Tutukuyin muna ng doktor ang dahilan, kung ito ba ay dahil sa impeksyon, polyps, fibroids, o endometriosis, na kadalasang nangyayari sa mga kababaihan. 

Kung may makikitang impeksyon, kadalasan na magrereseta ang doktor ng creams at mga gamot na anti-inflammatory bilang panggamot. 

Gayunpaman, kung ito ay dahil sa polyps, fibroids, o endometriosis, ang doktor ay kadalasang magmumungkahi ng isang operasyon. Ito ay naglalayong tanggalin ang sobrang tissue at mga abnormalities na nagiging dahilan ng pagdurugo ng ari ng babae pagkatapos makipagtalik. 

Kailan ka Dapat Bumisita sa Doktor? 

Sa katotohanan, anumang pagdurugo na labas sa ordinaryong sitwasyon ay dapat na agarang masuri ng doktor. Hindi naman ito nangangahulugan na may napakaseryosong problema ang iyong katawan. Gayunpaman, mas mainam kung matutukoy ng iyong doktor ang dahilan at matutugunan ang iyong kondisyon. 

Gaya ng nabanggit kanina, kung ikaw ay nakararanas ng pagdurugo sa bawat pagkakataon na ikaw ay nakikipagtalik at may posibilidad na ang dahilan nito ay isang sakit, huwag mo nang ipagpaliban ang pagbisita sa iyong doktor. 

Sa pagsusuri, maaaring tanungin ka ng iyong doktor tungkol sa iyong medical history at maging sa ibang concerns: 

  • Iba pang hindi karaniwang pagdurugo 
  • Buwanang dalaw na maging sobrang pagdurugo 
  • Irregular na siklo ng buwanang dalaw 
  • Hindi karaniwang pananakit na walang pagdurugo 
  • Pagpapalit ng kaparehang sekswal 
  • Pagbabago sa paglabas ng mga likido sa pagkababae 
  • Huling beses na kumuha ka ng pap smear test 

Bilang karagdagan, ang doktor ay magsasagawa ng pisikal na eksaminasyon para suriin kung may mga senyales ng impeksyon. 

Kung ang resulta ng pagsusuri ay hindi naman kakikitaan ng anumang problema ngunit nakararanas ka pa rin ng pagdurugo ng pagkatapos makipagtalik, ang iyong doktor ay maaaring magmungkahi ng pagsasagawa ng cervical biopsy. 

Ang cervical biopsy ay isinasagawa upang malaman ng mga doktor kung may iba pang kondisyon na hindi nakikita sa pamamagitan ng regular na pisikal na eksaminasyon at pap smear. 

Ang artikulong ito ay orihinal na nailimbag sa Hello Sehat.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

 

 

https://health.clevelandclinic.org/what-should-you-do-if-you-bleed-after-sex/;https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/cervicitis/symptoms-causes/syc-20370814;https://www.thewomens.org.au/health-information/contraception/intra-uterine-device-iud;https://www.mayoclinic.org/symptoms/bleeding-after-vaginal-sex/basics/causes/sym-20050716;https://www.nhs.uk/conditions/vaginal-dryness/;https://www.nhs.uk/common-health-questions/womens-health/what-causes-a-woman-to-bleed-after-sex;https://www.healthnavigator.org.nz/health-a-z/b/bleeding-after-sex/;https://www.healthdirect.gov.au/vaginal-bleeding-after-sex

Kasalukuyang Version

06/14/2023

Isinulat ni Marie Kristel Corpin

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Sex Habang May Period, Safe Nga Ba?

Ano Ang Cunnilingus, At Paano Masisiguradong Safe Itong Gawin?


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Marie Kristel Corpin · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement