Nagdadala ng panganib mula sa mga sexually transmitted infection (STI) o disease (STD) ang lahat ng uri ng sexual contact.
Tungkol sa pagpoprotekta ng sarili at ng mga partner laban sa mga STI ang ligtas na sex (tinatawag din minsan na “safer” sex). Pinananatili ng ligtas na sex na nasa maayos na kalusugan ang isang tao at sa ilang pagkakataon, maaari rin nitong gawing mas mabuti ang sexual experience.
Karaniwang ligtas ang sexual activity sa isang partner lamang, lalo na kung walang STI ang isa’t isa. Ngunit may ilang eksperto sa medikal at mga propesyonal ang naniniwala na walang ligtas na sex.
Pinaniniwalaan nila na ang hindi pakikipag-sex ang tanging paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng impeksyon. Narito ang mga pinakamabuting tip para sa ligtas na sex.
Pinakamabuting tip para sa ligtas na sex: Ano ang dapat isaisip upang maisagawa ang ligtas na sex?
Kilalanin ang iyong partner
Huwag pumasok ng sexual relations sa bagong partner nang hindi napag-uusapan ang mga nakaraang partner, history mula sa mga STI at/o paggamit ng droga.
Unahin ang consent at komunikasyon
Pinakamahalaga sa ligtas na sex ang consent at komunikasyon. Mahalagang tandaan na patuloy ang consent, desisyon ng isa’t isa, at wala itong pamimilit. Maaari lamang makuha ang consent sa pamamagitan ng komunikasyon.
Gumamit ng condom
Labis na pinaniniwalaang nagpoprotekta ang condom laban sa mga STI. Mahalagang tandaan na habang nakakaiwas ang condom sa ilang sakit tulad ng genital warts, syphilis, o HIV, hindi ito 100% na nagbibigay ng proteksyon.
Wastong pagpapabakuna
Mabisa ang bakuna bilang pag-iwas sa mga sakit na tulad ng hepatitis B at HPV.
Hinihikayat ang HPV vaccination sa mga bata mula edad 9 hanggang 26 na taong gulang. Maaaring magpabakuna ang mga matanda na nasa edad 27 hanggang 45 na hindi pa nababakunahan noon matapos makipag-usap sa kanilang doktor tungkol sa mga panganib na dala ng impeksyon sa HPV.
Inirerekomenda din ang bakuna para sa hepatitis B kung hindi pa ito nakuha noon.
- Pagamitin ng condom ang iyong partner kung gagawin ang oral sex.
- Lubos na ipinagbabawal ang pag-inom ng alak at/o droga dahil pinapataas nito ang posibilidad na magkaroon ng lubang mapanganib na sex.
- Pagkatapos ng pakikipagtalik, hindi dapat mag-douche ang mga babae. Hindi nagbibigay proteksyon ang douching laban sa mga STI. Sa halip, maaari nitong ikalat ang impeksiyon sa loob ng reproductive tract at sirain ang natural na spermicidal protection ng vagina.
- Regular na kumuha ng mga pap test, pelvic exam, at STI test.
- Isaisip ang iyong katawan at katawan ng iyong partner. Suriin kung may mga sugat, paltos, pantal o mga hindi normal na discharge.
Anong mga uri ng hindi mapanganib na intimacy ang mayroon?
Para sa mga nagpasyang hindi mag-vaginal, oral, at anal sex, may na paraan ng sexual pleasure at intimacy kasama ang partner.
Isa ang pagsasalsal. Self-pleasure kung tawagin din. Itinuturing itong mabuting paraan para makaranas ng sexual stimulation at magtanggal ng stress at tensyon.
Mayroon ding “dry humping”, na kilala rin bilang grinding, nang may suot na damit.
Kabilang din sa hindi masyadong mapanganib na gawain ang paghalik, paghawak sa ari ng partner gamit ang kamay at paggamit ng sex toy kasama ang partner, at oral sex.
Gayunpaman, dahil posible pa ring magkaroon ng mga STD sa pamamagitan ng mga gawaing ito, mahalagang gumamit ng mga condom at dam upang maiwasan ang pagdidikit ng balat at body fluid.
Ligtas na penetrative sex
Tinatawag na penetrative sex, o pakikipagtalik, ang pagpasok ng bahagi ng katawan o laruan sa loob ng butas sa harap, vagina, o anus ng isang tao.
Sumusunod ang ilan sa pinakamabuting tip para sa ligtas na sex:
- Gumamit ng pangharang, tulad ng condom. Isang beses lamang ginagamit ang isang pangharang sa bawat sexual activity at bawat partner. Tandaan na dapat ilagay ang condom sa erect penis, dahil maaaring mahulog ito kung hindi. Bukod pa rito, maging maingat sa mga allergy sa latex.
- Dapat masuot nang tama ang condom. Kurutin ang dulo ng condom bago ito tuluyang ibaba sa ari upang mag-iwan ng espasyo para sa semen. Dapat nakasuot ang condom hanggang sa base ng penis upang matakpan nito ang buong organ.
- Sa pag-alis ng condom, tiyaking ligtas ang base ring ng condom upang maiwasan ang pagtapon ng mga body fluid at mapunta sa iyong partner.
- Isang condom lang ang gamitin sa isang pagkakataon. Maaaring madagdagan ang friction at tumaas ang posibilidad na masira ang isa o dalawang condom kung gagamit ng dalawa o mas marami pang condom nang magkasabay sa isang penis.
- Gumamit ng water-based lubricant. Binabawasan ng lubrication ang friction sa condom, kaya mababa rin ang posibilidad nitong masira para sa ligtas na sex.
- Kapag gumagamit ng condom para sa penetrative sex, maaaring makatulong ang paglalagay ng lube sa butas sa harap, vagina, o anus bago magpasok. Mababawasan nito ang sakit at friction habang nakatutulong sa pagbibigay ng pleasure.
Ligtas na sex gamit ang mga laruan
Isa pang paraan ng self-pleasure ang paggamit ng mga laruan, tulad ng mga vibrator at anal beads. Nakatutulong sila sa pag-stimulate sa loob at labas na bahagi ng katawan.
Sumusunod ang mga pinakamabuting tip para sa ligtas na sex gamit ang mga laruan.
- Palaging gumamit ng pangharang (ibig sabihin, mga latex condom).
- Hindi dapat pinapagamit sa iba ang mga laruan kung nadikit na ito sa mga body fluid tulad ng semen, vaginal fluid, laway, at dugo. Para ito sa pag-iwas na mahawaan ng STI.
- Kung ginawa ang mga laruan para gamitin din ng iba, dapat lubos itong malinis. Dahil sa dami ng iba’t ibang materyales kung saan gawa ang mga laruan na ito, nangangailangan din sila ng iba’t ibang paraan ng paglilinis, maaaring kailangan hugasan ng sabon at tubig o kumukulong mainit na tubig nang ilang oras.
Key Takeaways
Maganda ring isaisip ang paggamit ng lubricant para sa parehong vaginal at anal sex. May maliit lang na posibilidad na maipasa ang HIV sa oral sex, ngunit maaari ito makapagpasa ng iba’t ibang STI tulad ng herpes, syphilis, hepatitis B, gonorrhea at HPV.
Ilang mga propesyonal sa healthcare ang sang-ayon sa pag-iwas sa mga sexual activity bilang paraan upang maiwasan ang mga STI, habang maaari din magpabakuna para sa iba’t ibang mga virus at impeksyon.