backup og meta

Biopsy ng kulugo sa ari: Mga dapat mong malaman

Biopsy ng kulugo sa ari: Mga dapat mong malaman

Ang mga kulugo sa ari o genital warts ay malalambot na bukol na tumutubo sa ari. Bagamat maaari rin itong lumitaw sa mga labi, dila sa bibig o lalamunan. Sa mga lalaki, maaari silang lumitaw sa scrotum, penis, bahagi ng singit, hita pati na rin sa loob o paligid ng anus. Sa mga kababaihan, maaari silang lumitaw sa o sa paligid ng ari, sa o sa paligid ng anus, o sa cervix. Alamin kung bakit kailangan ng biopsy ng kulugo sa ari.

Ang mga bukol na ito, na kamukha ng warts, ay mga sintomas ng human papillomavirus (HPV infection).

Ano ang mga sintomas ng genital warts?

Ang genital warts ay maaaring maging sanhi ng pangangati, burning sensation, o pagdurugo. Sa mga kababaihan, maaari rin silang magdulot ng vaginal discharge. Bagama’t ang mga genital warts na ito ay karaniwang walang sintomas, ang kanilang hitsura ay maaaring magdulot ng disfiguration ng genital at anal region.

Ano ang mga panganib ng impeksyon sa HPV?

Ang impeksyon sa HPV ang pangunahing sanhi ng kanser sa cervix.  Ito ay nauugnay din sa kanser sa ulo at leeg (lalo na sa mga kanser sa oral cavity), kanser sa anal, kanser sa vulva, at kanser sa penile.

Maaaring magrekomenda ang iyong doktor ng biopsy ng kulugo sa ari kung hindi siya sigurado sa iyong kondisyon. Gayundin, matutukoy ng biopsy ang posibilidad na nauugnay na kanser.

Ano ang biopsy ng kulugo sa ari?

Ang isang microscopic exam ay makakatulong sa iyong doktor na malaman ang sanhi at katangian ng isang kulugo. Sa exam na ito, aalisin ng iyong doktor ang isang pinaghihinalaang kulugo o i-shave off ang mga sample mula sa isang malaking pinaghihinalaang kulugo.

Ang karamihan sa mga warts ay hindi nangangailangan ng biopsy. Ngunit ang isang biopsy ay maaaring gawin kung ang mga genital warts ay hindi madaling makilala sa isang physical exam o sa isang gynecology exam na may isang may lighted magnifying instrument (colposcopy). 

Ang isang biopsy ay maaari ding i-rule out sa kaugnay na kanser

Bakit isinasagawa ang biopsy?

Maaari kang magkaroon ng biopsy ng kulugo sa ari kung ang alinman sa mga sumusunod ay totoo:

  • Hindi sigurado ang iyong doktor kung anong uri ng abnormal na tissue ang naroroon.
  • Ang mga kulugo ay hindi nag-respond sa paggamot.
  • Lumilitaw na hindi karaniwan ang mga warts. (Ang mga warts na ito ay maaaring cancer.)

Ano ang dapat kong malaman bago ang biopsy ng kulugo sa ari?

Kasama sa treatment para sa genital warts ang maingat na paghihintay ng walang treatment, medikal na paggamot, o pagtanggal ng abnormal na tissue.

Ang desisyon na magpa- biopsy ay ibabatay sa kung ang mga resulta ng biopsy ng kulugo sa ari ay malamang na makakaapekto sa paggamot.

Kung kinumpirma ng biopsy ang male genital, vaginal, o perianal warts, ang medical treatment ay isang option. 

Iwasan ang pakikipagtalik hanggang sa gumaling ang biopsy area.

Paano ako maghahanda para sa biopsy ng genital warts?

Maaaring gawin ang biopsy ng kulugo sa ari sa opisina o klinika ng iyong doktor. Sa procedure na ito, maaari kang makatanggap ng iniksyon ng isang pampamanhid na gamot (local anesthetic).

Ano ang nangyayari sa oras ng biopsy?

Ang isang maliit na sample ng tissue (biopsy) ay maaaring kunin mula sa genital warts. Pagkatapos ang sample ay sinusuri sa ilalim ng mikroskopyo. Ang mga biopsy ng panlabas na bahagi ng genital sa mga lalaki at babae ay posible. Kabilang dito ang vulva, scrotum, o ari ng lalaki.

Habang ang iniksyon na naghahatid ng anesthetic ay maaaring masakit, ang biopsy ay hindi masakit. Ginagamit ang lokal anesthetic kapag ang procedure ay malamang na mas masakit kaysa sa iniksyon. Salamat sa anesthetic hindi ito mararamdaman ng pasyente.

Ano ang mangyayari pagkatapos?

Ang mga babaeng nagpa- biopsy ay pwedeng makaramdam ng pananakit sa ari sa loob ng isa o dalawang araw. Ang vaginal bleeding o discharge ay normal hanggang sa isang linggo pagkatapos ng biopsy. Kung sakaling mangyari ito, maaari kang gumamit ng sanitary pad para sa pagdurugo. Huwag mag-douche, makipagtalik, o gumamit ng mga menstrual cup o tampon sa loob ng isang linggo, upang bigyan ng oras na gumaling ang iyong cervix.

Kung nagpa- colposcopy, huwag mag-exercise sa loob ng isang araw.

Para sa mga tanong, kumunsulta sa iyong doktor at mas maintindihan ang mga instructions.

Ano ang ibig sabihin ng aking mga resulta?

Ang findings sa isang biopsy ay maaaring ang mga sumusunod:

Normal

Walang nakikitang abnormal na mga cell, na madalas nangangahulugan na walang HPV.

Abnormal

May mga nakitang abnormal na cell na ang tawag ay  koilocytes.  Mukhang  hollow o concave ang mga cell kapag sinusuri sa ilalim ng mikroskopyo ang mga koilocyte. Ang mga Koilocyte cell na nakolekta mula sa genital o anal areas ay abnormal at nagpapahiwatig ng impeksyon sa human papillomavirus (HPV).

May iba pang skin lesions na maaaring makita

Ang abnormal cell changes (tinatawag na atypia) dala ng impeksyon sa HPV ay gagamutin nang iba sa kung paano ginagamot ang mga genital warts dahil ito ay maaaring senyales ng posibilidad na kanser. 

Dapat ipaliwanag ng iyong doktor ang mga nakita at magbigay ng angkop na paggamot  para sa kondisyon.

Depende sa laboratoryo at ospital, ang normal range para sa Biopsy ng Genital Warts ay maaaring mag-iba. Kausapin ang iyong doktor kung may tanong ka sa resulta ng mga test.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Genital Warts

https://www.plannedparenthood.org/learn/stds-hiv-safer-sex/genital-warts

Accessed March 23, 2021

Genital Warts

https://www.nhs.uk/conditions/genital-warts/

Accessed March 23, 2021

Genital Warts Symptoms and Causes

https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/genital-warts/symptoms-causes/syc-20355234

Accessed March 23, 2021

Genital Warts Treatment

https://www.aad.org/public/diseases/a-z/genital-warts-treatment

Accessed March 23, 2021

Genital Warts: A Comprehensive Review

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3390234/

Accessed March 23, 2021

Kasalukuyang Version

10/16/2024

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mike Kenneth Go Doratan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Gamot Sa HPV: Anu-Ano Ang Maaaring Gamitin Na Gamot?

Paano Nahahawa Ng HPV? Maaari Mo Ba Itong Makuha Sa Pamamagitan Ng Paghahalikan?


Narebyung medikal ni

Mike Kenneth Go Doratan, MD

General Surgery · The Medical City Ortigas


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement