Dito sa Pilipinas, ang pagkalat ng HIV ay mababa kung ihahambing sa ibang bansa. Gayunpaman, tayo ang may pinaka mabilis na pagtaas ng rate ng impeksiyon sa buong mundo, ito ay nakakabahalang impormasyon. Ang pag-alam sa mga maagang sintomas ng HIV ay maaaring makatulong sa mga pasyente na kumuha ng mga kinakailangang pag-iingat at humingi ng gamot upang maiwasan ang impeksiyon sa iba.
5 Maagang sintomas ng HIV
Noong unang natuklasan ang HIV, karaniwan itong naiisip bilang isang death sentence dahil sa panahong iyon, walang epektibong paraan ng paggamot. Ang pag-asa sa buhay para sa mga taong may HIV ay medyo mababa, at ang prediksyon para sa AIDS ay mas malala pa.
Ngunit sa mga araw ngayon, ang modernong gamot ay sumulong na sa punto na ang mga taong may HIV ay maaaring mabuhay nang malusog, normal na buhay. Ang gamot na mayroon sa ngayon ay maaari ng gawing kontrollado ang viral load sa isang taong may HIV, at maari ding ito ay hindi na makikitang ganap pagkatapos ng mga buwan ng paggamot. Nangangahulugan ito na habang ang pasyente ay positibo pa rin sa virus, hindi nila maaaring agarang ipasa ang sakit sa ibang tao, at epektibo na kontrolin ang virus sa pamamagitan ng tamang gamot.
Gayunpaman, ang isa sa mga mahahalagang bagay na dapat tandaan ay ang maagang pagtuklas at paggamot ay napakahalaga para sa HIV. Ito ang dahilan kung bakit mahalaga para sa mga tao na malaman ang mga maagang sintomas ng HIV, upang makagawa sila ng mga hakbang tungkol dito sa lalong madaling panahon.
Narito ang ilan sa mga maagang sintomas ng HIV na kailangang bigyan ng pansin
1. Pagkapagod
Ang isa sa mga maagang sintomas ng HIV ay bigla at hindi maipaliwanag na pagkapagod. Maaaring magsimula ng 2 linggo o isang buwan pagkatapos ng impeksiyon ang mga unang sintomas.
Ang isang tao na may HIV ay maaaring pagod na pagod sa lahat ng oras, kahit na nakakuha sila ng sapat na pahinga. Maaari din nilang mapansin na hindi nila maipaliwanag ang kanilang biglaang pagkapagod, dahil maaari pa ring pakiramdam nila na sila ay malusog at ganap na normal bukod sa nararamdamang pagkapagod.
Gayunpaman, ito ay hindi isang tiyak na sign ng HIV dahil marami pang ibang mga kondisyon na maaaring maging sanhi ng pagkapagod. Bagaman anumang oras na nakakaranas ka ng hindi maipaliwanag na pagkapagod, magandang ideya na huwag pansinin ito at kumunsulta sa healthcare professionals.
2. Pagtatae
Ang isa pang posibleng maagang sintomas ng HIV ay pagtatae. Nangyayari ito dahil ang isang overgrowth na bacteria sa bituka ay maaaring mangyari sa mga taong may HIV. Ang overgrowth ng bacteria ay maaaring maging sanhi ng pagtatae.
Tulad ng pagkapagod, ang sintomas na ito ay hindi isang 100% na sigurado, na palatandaan na mayroon ka ng HIV dahil maraming mga bagay na maaaring maging sanhi ng pagtatae.
3. Namamaga ang mga lymph node
Pamamaga ng lymph nodes ay isa rin sa mga maagang sintomas ng HIV. Nangyayari ito kapag ang impeksiyon ay umabot sa mga lymph node ng isang tao at nagiging sanhi ng pagbagsak ng immune system nito.
Sa pangkalahatan, ang pamamaga ng lymph nodes ay isang palatandaan na ang iyong katawan ay nakikipaglaban sa impeksiyon. Ang sintomas na ito ay maaaring lumitaw nang maaga, mga ilang araw o linggo pagkatapos ng impeksiyon. May mga kaso kung saan ito lamang ang manipestasyon kung ang sakit ay lalong lumalala.
4. Biglang pagbaba ng timbang
Ang biglaang pagbaba ng timbang ay karaniwang nangangahulugan na maaaring may mali sa iyong katawan. Ito rin ang kaso para sa mga pasyente na may HIV.
Ang biglaang pagbaba ng timbang ay maaaring mangyari bukod sa HIV. Pwede itong mangyari kung ang tao ay may isa pang impeksiyon o kung may isang oportunistang impeksiyon. Nangyayari ito dahil ang HIV ay nagpapahina sa immune system at nagbibigay-daan sa isa pang impeksiyon na makaapekto sa katawan.
5. Lagnat
Ang isa pa sa mga maagang sintomas ng HIV ay lagnat, lalo na ang isang paulit-ulit na lagnat. Nangyayari ito dahil sinusubukan ng katawan na patayin ang impeksyon sa HIV.
Maaari itong paulit-ulit habang ang virus ay mayroon pa, at maaaring walang maliwanag na dahilan sa pagkakaroon ng lagnat.
Key Takeaways
Ang mga unang maagang sintomas ng HIV ay hindi tiyak na paraan upang matukoy kung ikaw ay nahawaan o hindi. Gayunpaman, kung nakararanas ka ng alinman sa mga sintomas sa itaas, at kamakailan lamang ay nagkaroon ka ng walang protektadong pakikipagtalik halimbawa, maaaring maging isang magandang ideya na masuri sa lalong madaling panahon. Sa pangkalahatan, pinakamainam na iwasan ang pagkakaroon ng impeksyon sa HIV. Isa sa mga paraan kung paano ito magagawa ay sa pamamagitan ng pagsasanay ng safe sex. Laging gumamit ng proteksyon tuwing nakikipagtalik. Matuto nang higit pa tungkol sa HIV/AIDS dito.