backup og meta

Gaano Kabilis Mahawa Ng HIV? Heto Ang Dapat Mong Tandaan

Gaano Kabilis Mahawa Ng HIV? Heto Ang Dapat Mong Tandaan

Isang mabuting hakbang ang pag-alam kung gaano kabilis mahawa sa HIV ang isang tao dahil napipigilan nito ang takot at misinformation tungkol sa bagay na ito. Mahalaga na maging informed sa pagkalat ng HIV sapagkat makakatulong ito para mapigilan ang pagpapasa ng sakit sa ibang tao.

Basahin ang artikulong ito para sa mga mahahalagang detalye tungkol sa HIV.

Paano nahahawa sa HIV?

Bago natin sagutin kung gaano kabilis mahawa sa HIV, kailangan muna nating maunawaan kung paano ito naipapasa.

Ang tanging paraan para ang isang indibidwal ay mahawaan ng HIV ay kung sila ay direktang nakipag-contact sa mga taong mayroong infected bodily fluids.

Narito ang mga likidong pwedeng pagmulan:

  • Dugo
  • Semen
  • Vaginal fluids
  • Rectal fluids
  • Gatas ng ina

Gayunpaman, ang simpleng paghawak mo sa mga fluid na ito ay hindi pwedeng maging dahilan ng iyong pagkakaroon ngimpeksyon. Hindi mo rin ito maipapasa sa pamamagitan ng luha, laway, o pawis dahil bago ka magsimulang makahawa sa ibang tao, ang infected fluids ay kailangang madikit sa mucus membrane, sugat at sores ng isang tao.

Ang pinakakaraniwang paraan upang maging infected ang mga tao ay sa pamamagitan ng hindi protektadong pakikipag-sex. Gayunpaman, posible ring makuha ito sa pamamagitan ng oral sex kung ang isang indibidwal ay may mga sugat o sores sa loob ng kanilang bibig. Huwag mo ring kakalimutan na ang pagtanggap ng blood transfusion mula sa isang taong may HIV ay pwedeng maging dahilan ng pagkalat ng impeksyon ng HIV. Kinakailangan din na mag-ingat ang mga nagpapasusong ina na may HIV dahil maaari nilang maipasa ito sa kanilang mga sanggol.

Mahalaga na tandaan mo rin na ang pagiging malapit sa isang taong may HIV ay hindi magdudulot ng impeksyon sa’yo. Kagaya ng mga senaryo ng pag-inom sa parehong baso, pagyakap, paghalik, paghawak atbp.

Ang pag-alam sa mga bagay na ito ay napakahalaga dahil maraming maling impormasyon tungkol sa HIV ang kumakalat. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa HIV pwedeng mabawasan ang nararanasan na diskriminasyon ng mga taong may taglay ng ganitong kondisyon.

Gaano Kabilis Mahawa ng HIV?

Nakasalalay sa maraming factors ang sagot tungkol sa tanong kung gaano kabilis naipapasa ang HIV sa isang tao.

Sa una, ang mga pasyenteng may HIV ay hindi masyadong nakahahawa. Ito’y dahil ang kanilang viral load, o dami ng HIV sa dugo ay napakababa pa.

Sa paglipas ng panahon, ang virus ay nagsisimulang dumami sa loob ng katawan na nagpapataas ng viral load. Sa puntong ito, ang isang taong may HIV ay maaaring maging lubhang nakakahawa. Maaari silang makahawa sa ibang tao ng HIV kung sila ay nakipag-sex nang walang proteksyon.

Bagaman, kung ang isang taong may HIV ay umiinom ng antiretroviral medication, makatutulong ito sa pagkontrol at pagpapababa ng kanilang viral load. Ang ilang mga pasyente ay mayroon viral load na hindi pa natutukoy. Ito’y nangangahulugan na habang positibo sila sa HIV, maaaring hindi pa sila nakakahawa.

Bakit Mabilis itong Kumalat?

Isa sa mga dahilan kung bakit mabilis kumalat ang HIV ay ang kakulangan ng impormasyon at kawalan ng access sa mga contraceptive.

Kahit hanggang ngayon, maraming mga maling paniniwala na umiiral sa HIV at kung paano ito kumakalat. Hindi rin alam ng maraming tao kung gaano kahalaga ang paggamit ng condom at iba pang “barrier” na paraan ng pagpipigil sa pagbubuntis na makatutulong na maiwasan hindi lamang ang HIV, kundi ang mga STD sa pangkalahatan.

Ang isa pang problema ay hindi maraming tao ang nagpapatest para sa HIV. Maraming bansa pa rin ang may stigma laban sa HIV at STD sa pangkalahatan, kaya natatakot o nahihiya ang mga tao pagdating sa HIV testing.

Sa katunayan, tinatantya ng World Health Organization na halos kalahati ng mga taong may HIV ay hindi alam na mayroon silang sakit.

With regards to HIV at STD, ang sektor ng kalusugan ay napokus sa edukasyon, pagbibigay ng access sa mga contraceptive, at pagbibigay ng libreng HIV testing at pagpapayo. Ang mga bagay na ito ay maaaring makatulong nang malaki sa pagpapabagal at pagpigil sa pagkalat ng HIV.

Gaano Kabilis Mahawa ng HIV: Ano ang Magagawa Mo Tungkol dito?

Bilang mga indibidwal, responsibilidad din nating turuan ang ating sarili pati na rin ang ibang tao tungkol sa HIV.

Para sa mga taong aktibo sa pakikipag-sex, mahalagang laging gumamit ng proteksyon at kung sakaling nakipag-sex ka nang walang proteksyon, magandang ideya na magpa-HIV test kaagad pagkatapos.

Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga hakbang na ito sa pag-iingat, ang mga tao ay maaaring manatiling ligtas at maiiwasan ang pagkalat nito.

Matuto pa tungkol sa HIV/AIDS dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

How Is HIV Transmitted? | HIV.gov, https://www.hiv.gov/hiv-basics/overview/about-hiv-and-aids/how-is-hiv-transmitted, Accessed February 1, 2021

How do you get HIV? | Avert, https://www.avert.org/hiv-transmission-prevention/how-you-get-hiv, Accessed February 1, 2021

HIV and AIDS – Causes – NHS, https://www.nhs.uk/conditions/hiv-and-aids/causes/, Accessed February 1, 2021

Risk of Exposure to HIV/AIDS | Stanford Health Care, https://stanfordhealthcare.org/medical-conditions/sexual-and-reproductive-health/hiv-aids/causes/risk-of-exposure.html#:~:text=Therefore%2C%20unprotected%20sex%20with%20an,exposures)%20for%20receptive%20anal%20sex., Accessed February 1, 2021

The Basics of HIV Prevention, https://hivinfo.nih.gov/understanding-hiv/fact-sheets/basics-hiv-prevention#:~:text=HIV%20can%20be%20transmitted%20only,every%20time%20you%20have%20sex., Accessed February 1, 2021

HIV/AIDS – Illinois Department of Public Health, http://www.idph.state.il.us/aids/materials/10questions.htm, Accessed February 1, 2021

Kasalukuyang Version

07/04/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Sintomas Ng HIV Sa Maagang Yugto: Mga Dapat Malaman

Sintomas ng HIV: Timeline Ng Sintomas Ng Sakit Na Ito


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement