Maaaring magkaroon din ng allergic reaction sa metal ang iyong sanggol, kaya siguraduhing may nakapasok na gintong poste na hikaw, bukod sa aktwal na hikaw sa baby, dahil makakatulong ito na makabawas sa pamamaga at sa posibilidad ng allergic reaction.
Isa pang tip sa pagbutas ng tainga ng sanggol: Iwasan ang mga dangling na hikaw upang hindi ito sumabit sa damit o mapag laruan at ipagsapalaran ang pagpunit ng earlobe ng iyong sanggol.
Ano ang dapat suriin sa panahon ng proseso ng pagbutas ng tenga?
Para sa kaligtasan ng iyong sanggol, palaging pumili ng isang doktor o isang bihasang technician na magsagawa ng pagbubutas. Bilang karagdagan, iwasan ang mga basta-bastang gumagamit ng piercing gun. Pangkalahatang mahirap i-sterilize kasi ang piercing gun dahil hindi ito pwedeng malantad sa mataas na temperatura ng ganoong katagal upang ito ay ma-sterilize.
Ang isang hypodermic needle, sa kabilang banda, ay mas ligtas at matalas. Ang mga piercing gun ay higit na umaasa sa pressure sa halip na sa talas ng poste.
Habang binubutasan ang tainga, ang doktor o technician ay dapat:
- Maghugas ng kamay bago at pagkatapos ng pagbubutas ng tenga
- Gumamit ng vinyl gloves
- Maglagay ng antiseptic solution upang linisin ang earlobe ng iyong sanggol bago magbutas
- Magbigay ng reseta na numbing cream upang maibsan ang anumang sakit na mararamdaman galing sa tenga
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap