Maaari bang maging sanhi ng erectile dysfunction ang gonorrhea? Nakakabaog ba ang gonorrhea? Ang gonorrhea ay isa sa mga pinakakaraniwang sexually transmitted disease (STD) sa mundo. Kung hindi ginagamot, maaari itong humantong sa mga malubhang komplikasyon.
Ang gonorrhea ay maaaring makahawa sa mga sumusunod:
Urethra – Tube na naglalabas ng ihi palabas ng system
Tumbong – Ang silid kung saan dumaraan ang dumi
Pharynx – Mga pader ng bibig at lalamunan
Conjunctiva – Inner layer ng eyelid
Karaniwan para sa gonorrhea na hindi natutuklasan sa mahabang panahon. 80% porsyento ng mga kababaihan na may impeksyon sa gonorrheal ay hindi nagpapakita ng anumang mga palatandaan at sintomas. Kadalasan, ang mga impeksyong gonorrheal sa tumbong at pharynx, ay hindi nagpapakita ng mga palatandaan at sintomas lalo na sa mga unang yugto nito.
Ang characteristics ng gonorrhea ay mas madali ito maiipasa nang hindi nalalaman mula sa isang tao patungo sa isa pa. Ang impeksiyon ay nakukuha nang hindi napapansin at untreated sa mahabang panahon.
Kung hindi ginamot, ang gonorrhea ay maaaring mag-cause ng serious at kung minsan ay irreversible damage.
Mga Komplikasyon ng Gonorrhea para sa Mga Lalaki
Epididymitis
Ang epididymitis ay ang inflammation o pamamaga ng tube na nagdadala at nag-iistore ng sperm (epididymis). Ang gonorrhea ay maaaring maging sanhi ng pamamaga na ito, na kadalasang humahantong sa:
- Lagnat
- Discharge mula sa lalaki
- Dugo sa semilya
- Pananakit sa pelvic region, lower abdomen, o testicles
- Masakit na pag-ihi
- Namamagang scrotum
Acute bacterial prostatitis
Ang prostatitis ay ang inflammation o pamamaga ng prostate. Ito ang glandula na responsable para sa pagtatago ng likido na nagpapalusog sa sperm at bumubuo sa semilya.
Kapag nahawahan ng gonorrhea ang prostate, ang kondisyon ay karaniwang kilala bilang acute bacterial prostatitis. Ang kondisyong ito ay maaaring humantong sa mga palatandaan at sintomas tulad ng:
- Sakit habang umiihi
- Maulap o madugong Ihi
- Madalas na pag-ihi
- Patuloy na pagnanasa na umihi
- Hirap umihi
- Masakit na ejakulasyon
- Pain sa testicles at ari ng lalaki, o sa ibabang likod o tiyan
Ang Acute Bacterial Prostatitis ay hindi lamang sanhi ng gonorrhea ngunit maaari rin itong sanhi ng iba pang bacteria tulad ng e. Coli at chlamydia.
Maaari bang maging sanhi ng erectile dysfunction ang gonorrhea?
Maaari bang maging sanhi ng erectile dysfunction ang gonorrhea? Ang erectile dysfunction ay ang kawalan ng kakayahan na magkaroon at mapanatili ang isang matatag na paninigas na titi sapat para sa pakikipag-sex.
Ang impeksyon sa gonorea sa mga lalaki ay karaniwang nagsisimula sa tubo kung saan dumadaan ang ihi (urethra). Kapag hindi ginamot, ang gonorrhea ay maaaring kumalat sa iba pang kalapit na organ.
Ang bacteria mismo ay hindi nagiging sanhi ng erectile dysfunction. Ngunit kung ang gonorrhea ay kumalat at nagdulot ng inflammation o pamamaga sa male reproductive system, ang sakit at discomfort ay maaaring humantong sa erectile dysfunction.
Mga Komplikasyon ng Gonorrhea para sa Kababaihan
Pelvic Inflammatory Disease
Sa mga kababaihan, ang gonorrhea infections ay kadalasang napagkakamalang UTI.
Ang gonorrhea infections sa cervix (cervical gonorrhea) ay maaaring mag-progress sa pelvic inflammatory disease (PID). Ang PID ay ang pamamaga ng female reproductive organ. Kabilang dito ang sinapupunan, matris, fallopian tubes, at ovaries.
Ang PID ay maaaring sanhi ng maraming bacteria ngunit ito ay karaniwang sanhi ng gonorrhea at chlamydia.
Ang mga sintomas ng PID ay:
- Pain sa ibabang bahagi ng tiyan
- Pain sa panahon ng pag-ihi o pakikipag-sex
- Irregular periods
- Abnormal na Vaginal Discharge (Mabahong Amoy)
- Lagnat
Mga Komplikasyon ng Gonorrhea para sa Babae at Lalaki
Infertility
Ang gonorrhea ay nai-infect ang reproductive system ng mga lalaki at babae. Ito ay bihirang maging sanhi ng pagkabaog sa mga lalaki, ngunit ang gonorrhea ay mas malamang na maging sanhi ng pagkabaog sa mga kababaihan.
Kaya’t ang sagot sa tanong kung nakakabaog ba ang gonorrhea, ay oo, ito ay nakakabaog. Ngunit hindi ito pangkaraniwang epekto ng sakit na ito.
Ang PID ay maaaring magdulot ng pamamaga o pagkakapilat sa fallopian tubes na nagpapahirap sa itlog na maabot ang sinapupunan. Sa ilang mga kaso, ang PID ay maaaring magdulot ng ectopic pregnancy o pagbubuntis sa labas ng sinapupunan.
Disseminated Gonococcal Infections
Ang Disseminated Gonococcal Infection (DGI) ay isang bihirang komplikasyon na nakaaapekto sa 0.5% – 3% ng lahat ng indibidwal na na-diagnose na may gonorrhea. Ang kondisyong ito ay mas madalas na nakahahawa sa mga babae.
Ito ay nangyayari kapag ang bacteria na nagdudulot ng gonorrhea ay kumakalat sa daluyan ng dugo. Nagdudulot ito ng pamamaga sa ibang bahagi ng katawan tulad ng mga kasukasuan, puso, at maging sa utak.
Ito ay karaniwang nagpapakita bilang:
Septic arthritis – Pananakit sa pulso, bukung-bukong at mga kasukasuan ng tuhod
Septic Gonococcal Dermatitis – Mga sugat sa balat sa anyo ng mga bukol na naglalaman ng likido
Tenosynovitis – Joint pain sa kamay at pulso dahil sa pamamaga ng fluid-filled sheath (synovium) na pumapalibot sa tendon.
Sa mga bihirang kaso, ang bacteria ng gonorrhea na umabot sa daluyan ng dugo ay maaari ring makahawa sa puso (pericarditis) at sa utak (meningitis).
Key Takeaways
Ang gonorrhea ay isang karaniwang sakit na nakukuha sa pakikipag-sex. Kadalasan, ang gonorrhea ay hindi nagpapakita ng mga palatandaan at sintomas. Ang late detection at tritment ay maaaring magdulot ng pinsala lalo na sa reproductive organs ng parehong lalake at babae.
Ang gonorrhea ay hindi direktang nagdudulot ng erectile dysfunction ngunit ang pananakit at discomfort ay maaaring magpahirap sa erection ng lalaki. Sa tanong naman na kung nakakabaog ba ang gonorrhea, ang sagot dito ay oo.
Maaari itong maging sanhi ng pagkabaog sa parehong mga babae at lalaki ngunit ito ay mas karaniwan sa mga kababaihan. Ang gonorrheal infection ay maaaring lumala at makapasok sa daluyan ng dugo, na magpapakalat ng mga impeksiyon sa ibang bahagi ng katawan kabilang ang puso at utak.
Matuto pa tungkol sa gonorrhea dito.
[embed-health-tool-bmr]