backup og meta

Komplikasyon Ng Gonorrhea: Maari Ba Itong Humantong Sa Cancer?

Komplikasyon Ng Gonorrhea: Maari Ba Itong Humantong Sa Cancer?

Pamilyar ang maraming tao sa gonorrhea at alam nilang maaaring magkaroon ng mga komplikasyon ng gonorrhea kung hindi ito ginagamot. Ngunit maaari bang maging sanhi ng cancer ang gonorrhea?

Magbasa at matuto nang higit pa tungkol sa mga komplikasyon ng sakit na ito na nakukuha sa pakikipagtalik o STD, at kung ano ang maaari mong gawin tungkol dito.

Ano ang gonorrhea?

Ang gonorrhea ay isang uri ng STD na resulta ng bacterial infection. Nakukuha ito ng mga tao mula sa unprotected sex, vaginal, o anal sex

Karaniwang nakakaapekto ito sa reproductive tract ng isang tao. Sa mga kababaihan, apektado ang urethra, cervix, uterus, at fallopian tubes. Habang sa mga lalaki, maaari itong makaapekto sa urethra at sa mga bihirang kaso, ang prostate. Sa parehong kasarian, ang gonorrhea ay maaari ding makahawa sa mata, bibig, lalamunan, at anal area.

Sa ilang mga kaso, kadalasan sa mga lalaki, ang gonorrhea ay maaaring asymptomatic. Nangangahulugan na ang isang tao ay maaaring maging positibo sa gonorrhea at potensyal na makahawa sa ibang tao nang hindi ito nalalaman.

Paano gamutin ang gonorrhea? 

Nagkataon, ang gonorrhea ay isa rin sa mga pinakakaraniwang uri ng STD. Sa kabutihang palad, ang paggamot sa gonorrhea ay hindi komplikado dahil ang mga antibiotic ay ganap na epektibo sa paglaban sa impeksyon.

Kung ang isang taong may gonorrhea ay hindi umiinom ng anumang gamot, maaari itong humantong sa mga malubhang komplikasyon ng gonorrhea. Ang pelvic inflammatory disease ay maaaring mangyari sa mga babae, at epididymitis sa mga lalaki. At ang parehong mga kondisyon ay maaaring maging masakit, at humantong sa infertility. Ang impeksyon sa dugo ay maaari pa ngang mangyari bilang resulta ng hindi ginagamot na gonorrhea. 

Ngunit ano ang tungkol sa cancer? Maaari bang maging sanhi ng cancer ang komplikasyon ng gonorrhea kung hindi ito ginagamot?  At ang isang taong may gonorrhea ba ay mas madaling kapitan ng ilang uri ng cancer?

Maaari bang maging sanhi ng cancer ang gonorrhea?

Detalyadong pinag-aralan ng mga mananaliksik ang mga posibleng ugnayan sa pagitan ng gonorrhea at cancer.  Bagama’t hindi pa ito tiyak na nakumpirma, karamihan sa mga resulta ng pananaliksik ay humahantong sa posibilidad na komplikasyon ng gonorrhea na tumataas ang risk para sa ilang mga cancer. 

Sa mga lalaki, ang prostate cancer ay nauugnay sa mga impeksyon sa gonorrhea. Ayon sa isang meta-analysis ng 21 pag-aaral na ginawa sa paksa, ang mga lalaking nagkaroon ng gonorrhea ay mas malamang na magkaroon ng prostate cancer.

Ang mga resulta ng isa pang pag-aaral, ay ginawa sa Asian men. Ito rin ay sumuporta sa sinabi na ang gonorrhea ay nagdaragdag ng panganib para sa prostate cancer. Sa isa pang pag-aaral, ang gonorrhea ay naiugnay sa mas mataas na panganib ng bladder cancer. 

Sa mga kababaihan, ang history ng gonorrhea ay nauugnay sa mas mataas na panganib ng cervical cancer. Batay sa mga resulta ng pag-aaral, inirerekomenda ng mga mananaliksik na ang mga babaeng nagkaroon ng gonorrhea ay dapat magpa-screen para sa cervical cancer. Ang mga pag-aaral na ito ay malinaw na nagpapakita ng isang tiyak na ugnayan sa pagitan ng gonorrhea at cancer. Ngunit bakit ganito ang kaso? 

Paano nagdudulot ng cancer ang gonorrhea?

Ang isang posibleng paliwanag ay dahil ang gonorrhea ay nagdudulot ng pamamaga sa bahaging apektado. Ipinakita ng mga pag-aaral na ang matinding pamamaga ay maaaring humantong sa cancer. Nangangahulugan ito na kung ang isang tao ay may gonorrhea, lalo na kung hindi nila ito ginagamot, maaaring madagdagan ng komplikasyon ng gonorrhea ang panganib ng cancer.

Ang ipinapalagay na teorya ay ang STD ay ‘nagsisimula’ sa pamamaga na humahantong sa cancer. At kahit na nagamot ang STD, maaaring magpatuloy ang pamamaga, at maaari itong maging mas malalang pamamaga at posibleng cancer.

Bagama’t wala tayong kontrol sa pamamaga sa ating katawan, may kontrol tayo sa mga paraan kung paano natin mapababa ang risk. Nangangahulugan ito na mahalaga ang safe sex, lalo na kung ang isang tao ay may multiple sexual partners.

Key Takeaways

Ang gonorrhea ay isang magagamot at lubos na maiiwasang kondisyon. Ipinakita ng mga pag-aaral ang mga posibleng kaugnayan sa pagitan ng gonorrhea at cancer. Kaya mahalaga para sa mga tao na gumawa ng mga hakbang para maiwasan ang impeksyon at komplikasyon ng gonorrhea.
Mahalaga rin na sumailalim sa cancer screening bawat taon para subaybayan ang iyong kalusugan. Ito ay lalo na para sa mga taong nagkaroon ng gonorrhea, gayundin sa may family history ng cancer.

Matuto pa tungkol sa Gonorrhea dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

1 Detailed STD Facts – Gonorrhea, https://www.cdc.gov/std/gonorrhea/stdfact-gonorrhea-detailed.htm, Accessed December 7, 2021

2 Gonorrhea and Prostate Cancer Incidence: An Updated Meta-Analysis of 21 Epidemiologic Studies, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4502545/, Accessed December 7, 2021

3 Gonorrhea infection increases the risk of prostate cancer in Asian population: a nationwide population-based cohort study – PubMed, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/28013414/, Accessed December 7, 2021

4 Bladder cancer risk is doubled in men with a history of gonorrhea | Nature Reviews Urology, https://www.nature.com/articles/ncpuro0745, Accessed December 7, 2021

5 [Gonorrhea infection as a risk indicator for cervix cancer] – PubMed, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/3609675/#:~:text=This%20corresponds%20to%20a%204.4,subsequent%20development%20of%20cervical%20cancer., Accessed December 7, 2021

6 Does Inflammation Cause Prostate Cancer?, https://www.pcf.org/c/infection-and-prostate-cancer/, Accessed December 7, 2021

Kasalukuyang Version

07/01/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Gonorrhea: Mga Dapat Mong Malaman

Anu-Ano Ang Mga Sintomas Ng Tulo o Gonorrhea? Alamin Dito


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement