backup og meta

Gamot Sa Gonorrhea: Heto Ang Tamang Gamot Sa Sakit Na Ito

Gamot Sa Gonorrhea: Heto Ang Tamang Gamot Sa Sakit Na Ito

Paano gamutin ang gonorrhea pagkatapos mong ma-test na positibo ka rito? Ang gonorrhea ay isang pangkaraniwang impeksiyon na nakukuha sa sexually transmitted infection (STI). Ito ang ikalawang pinaka karaniwang sakit na nakukuha sa sexually transmitted infection (STD) na dulot ng bacteria.

Sa maraming pagkakataon, ang impeksyon ng gonorrhea ay maaaring manatiling hindi napapansin dahil nagpapakita ito ng zero hanggang mild na sintomas na mas prone na maipasa mula sa isang tao patungo sa iba pa. 

Ano Ang Gamot Sa Gonorrhea?

Kahit gaano ka-mild o kalubha ang impeksiyon, ang gamot sa gonorrhea ay antibiotics. Ang gonorrhea ay self-limiting, o hindi ito gumagaling sa sarili nito. Nangangahulugan ito na ang isang taong nahawaan ay nangangailangan ng tamang paggamot. Ang pagiging huli sa deteksiyon nito ay maaaring humantong sa mga komplikasyon.

Antibiotics Para Sa Gonorrhea

Ang uncomplicated gonorrheal infections or gonorrheal infections na hindi kasama sa iba pang mga STD o iba pang mga komplikasyon sa kalusugan ay karaniwang may maikling panahon ng pag-inom ng antibiotics na hindi magtatagal ng higit sa 7 araw.

Ang uri ng antibiotics na ginagamit na gamot sa gonorrhea ay depende sa

  •  Availability
  •  Allergic reactions
  •  Kung ikaw ay buntis o hindi 

Ang antibiotics ay mga de-resetang gamot. Hindi ito mabibili sa over the counter dahil ang maling dosis at paggamit ng antibiotics ay maaaring humantong sa antibiotic resistance sa bacteria, na mas mahirap gamutin.

Paano Gamutin Ang Gonorrhea Sa Pamamagitan Ng Antibiotics 

Paano gamutin ang gonorrhea ay nakasalalay sa kung anong gamot ang magagamit at kung saan nagaganap ang impeksiyon. 

Para sa uncomplicated gonorrheal infection, ang Ceftriaxone o Azithromycin ay ibinibigay bilang karaniwang gamot sa gonorrhea.

Ang Ceftriaxone, ay karaniwang iniineksyon sa kalamnan malapit sa nahawahang lugar. Para sa rectal gonorrhea, karaniwan itong iniineksyon sa puwit. Para sa urethral at cervical gonorrhea, ito ay iniineksyon sa pigi. Ang Ceftriaxone Injections ay ginagamit din para sa pharyngeal gonorrhea, o gonorrheal infection ay sa bibig.

Ang mga alternatibong gamot sa gonorrhea para sa hindi kumplikadong mga impeksyon ng gonorrheal ng urethra, cervix, at tumbong ay kinabibilangan ng:

  • Gentamicin
  • Cefixime

Ang isang tao na nahawaan ng gonorrhea ay malamang na nahawaan din ng chlamydia. Para sa mga pasyente na nahawaan ng parehong gonorrhea at chlamydia, ang doxycycline ay iminungkahi.

Gayunpaman, ang Doxycycline ay hindi maaari sa panahon ng pagbubuntis. Kung ang isang buntis o nagpapasuso ay ginagamot para sa Chlamydia, ang Azithromycin ay ginagamit para sa paggamot.

Kumonsulta sa iyong doktor para sa pangkalahatang panahon ng paggamot.

Antibiotic Resistance Ng Gonorrhea

Ang antibiotics ay ang tanging gamot para sa gonorrhea ngunit habang ang bacteria ay nagtatayo ng panlaban (resistance), kung paano gamutin ang gonorrhea ay nagbago na gayundin mas naging mahirap din itong gamutin. 

Ang antibiotic resistance ay ang pagdebelop ng bacteria na may kakayahang lumaban at protektahan ito laban sa mga gamot. 

Ito ay dahil nagkakaroon ng resistance ang gonorrhea sa lahat maliban sa isang klase ng antibiotics na dinisenyo upang gamutin ito. Kalahati ng lahat ng mga impeksiyon ng gonorrhea ay lumalaban sa hindi bababa sa isang antibiotics.

Ang antibiotics na hindi na inirerekomendang gamot sa gonorrhea ay kinabibilangan ng penicillin, tetracycline, ciprofloxacin, at cefixime.

Sa isang surveillance na isinagawa ng World Health Organization, ang gonorrhea ay nagpapakita rin ng pagtaas ng paglaban sa azithromycin.

Mga Bagay Na Dapat Tandaan Sa Panahon Ng Paggamot 

Kahit na ikaw ay umiinom ng gamot sa gonorrhea, at ang mga sintomas ay humupa, hindi ito nangangahulugan na ikaw ay immune na. Ang isang tao ay hindi maaaring magdebelop ng resistance laban sa gonorrhea. Siguraduhing magsanay ng ligtas na sex kahit na pagkatapos ng paggamot.

Kapag ginagamot ang gonorrhea

  • Iwasan ang sekswal na pakikipag-ugnayan. 
  • Maghintay para sa pitong araw pagkatapos ng paggamot bago makipag-sex muli. 
  • Magsagawa muli ng test sa loob ng 3 buwan upang matiyak na ang gonorrhea ay wala na sa iyong sistema.
  • Gumamit ng dental dams at condom kapag may oral at penetrative sex hanggang sa makakuha ka ng test muli para sa gonorrhea upang kumpirmahin na ito ay wala na sa iyong sistema. 
  •  Kung ang mga sintomas ay hindi nawala pagkatapos ng paggamot, bisitahin ang iyong doktor para sa karagdagang pagtataya (assessment). 

Key Takeaways

Ang antibiotics ay ang siguradong pamamaraan upang gamutin ang gonorrhea. Ang gonorrhea ay ginagamit ng may kombinasyon ng mga antibiotic drug. Gayunpaman, ang gonorrhea ay nagdedebelop ng resistance sa ilang mga antibiotics. Kumonsulta sa iyong doktor at mahigpit na sundin ang iniresetang paraan.

Matuto nang higit pa tungkol sa gonorrhea dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Antimicrobial Resistance in Neisseria gonorrhoeae in the 21st Century: Past, Evolution, and Future, https://cmr.asm.org/content/27/3/587, Accessed January 11, 2021

DRUG-RESISTANT NEISSERIA GONORRHOEAE, https://www.cdc.gov/drugresistance/pdf/threats-report/gonorrhea-508.pdf, Accessed January 11, 2021

Gonorrhea, https://www.teensource.org/std/gonorrhea, Accessed January 11, 2021

Gonorrhea, https://www.bphc.org/whatwedo/sexual-health/gonorrhea/Pages/gonorrhea.aspx, Accessed January 11, 2021

Gonococcal Infections, https://www.cdc.gov/std/tg2015/gonorrhea.htm, Accessed January 11, 2021

Gonorrhea Treatment and Care, https://www.cdc.gov/std/gonorrhea/treatment.htm, Accessed January 11, 2021

Gonorrhea, https://www.uofmhealth.org/health-library/hw188975, Accessed January 11, 2021

Gonorrhea Treatments, https://www.news-medical.net/health/Gonorrhea-Treatments.aspx, Accessed January 11, 2021

Treatments for Gonorrhea, https://stanfordhealthcare.org/medical-conditions/sexual-and-reproductive-health/gonorrhea/treatments.html, Accessed January 11, 2021

Kasalukuyang Version

05/22/2024

Isinulat ni Jan Alwyn Batara

Narebyung medikal ni John Paul Abrina, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Komplikasyon Ng Gonorrhea: Maari Ba Itong Humantong Sa Cancer?

Anu-Ano Ang Mga Sintomas Ng Tulo o Gonorrhea? Alamin Dito


Narebyung medikal ni

John Paul Abrina, MD

Oncology · Davao Doctors Hospital


Isinulat ni Jan Alwyn Batara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement