backup og meta

Contraceptives Sa Pilipinas, Bakit Kakaunti Lang Ang Gumagamit?

Contraceptives Sa Pilipinas, Bakit Kakaunti Lang Ang Gumagamit?

Ang kaso ng HIV (Human Immunodeficiency Virus) at ang hindi sinasadyang pagbubuntis ay tumataas sa Pilipinas. Ano ang sanhi ng nakababahalang statistic? Mahirap sagutin ang tanong na ito, ngunit sa gitna nito ay maaaring ang sagot ay ang hindi paggamit ng contaceptives sa Pilipinas.

Paggamit ng contraceptives sa Pilipinas

Ang hindi paggamit ng contraceptives sa Pilipinas, tulad ng condom, ay nagresulta sa dalawang health issues:

  • Ang hindi sinasadya o hindi kanais-nais na pagbubuntis, lalo na sa mga kabataan.
  • Nakababahalang pagtaas sa kaso ng mga sakit na sexually transmitted diseases(STD) sa mga nakaraang taon.

Ang dalawang isyu na ito ay nagdudulot ng malaking pag-aalala sa lahat ng mga indibidwal na sangkot dito. Higit pa, maaaring magkaroon ng pababa sa pag-unlad ng bansa, kaugnay ng malaking populasyon ng bansa at kakulangan ng mga pasilidad sa paggamot ng HIV.

Ang condom conundrum

Ang paggamit ng condom at ang pagsusuot nito sa Pilipinas ay tinitingnan bilang mga social taboos sa bansa. Dagdag pa na ang bansa ay pinamunuan ng mga konserbatibo na makikita sa parehong pampubliko at pribadong institusyon.

Simbahang Katoliko 

Ang Simbahang Katoliko, halimbawa, ay nakakaimpluwensya pagdating sa mga sexual values sa Pilipinas dahil halos 80% ng mga Pilipino ay Katoliko. Ang institusyong ito ay kilala sa paninindigan laban sa paggamit ng mga contraceptives sa Pilipinas. Nagtataguyod ang simbahan ng laban sa premarital sex at kasal ng parehong kasarian habang nagpapangaral din ukol sa abstinence. 

Pamahalaan 

Ang pamahalaan ng Pilipinas, ay vocal sa pagpigil sa sekswal na gawain ng mga tinedyer at kabataan. Ang mga patakarang ito ay kinabibilangan ng pagbabawal ng pamamahagi ng condom sa mga paaralan. Bilang karagdagan, mayroong isang malinaw na kakulangan ng pagpapatupad ng sex education, na kinabibilangan ng pagsusuot ng condom sa Pilipinas. Ang mga kasalukuyang patakaran ay higit na nakatuon sa pagpaplano ng pamilya, responsableng pagpapalaki, at pangingilin (abstinence). 

Ang pinagsamang pagsisikap ng simbahan at pamahalaan upang pigilan ang mga sekswal na gawain upang maiwasan ang pagkalat ng mga sakit na nakukuha sa sex ay nabigo.Noong Enero 2019, iniulat ng Kagawaran ng Kalusugan ang 1,200 na mga bagong kaso ng HIV. Ito ay nakababahalang pagtaas ng mga kaso ng HIV sa mga nakaraang taon. Sa taong 2017, higit sa 11,000 na mga bagong kaso ng HIV ang naitala. Ito ay isang napakalaking bilang mula sa 9,000 na mga kaso na naitala noong 2016.

Ano ang dahilan para sa nakababahalang bilang na ito?

Bakit ang mga condom ay hindi ginagamit nang mas madalas?

Sa isang sarbey na isinagawa ng Health Management Organization(HMO) Philcare, napag-alaman nila na 1 lamang sa 10 Pilipino na aktibo sa gawaing sekwal ang gumagamit ng condom. Nakababahala ito na karamihan sa mga Pilipino ay madaling kapitan ng STD at maaaring magbuntis. 

Sa buong mundo, nalaman na ang paggamit ng condom ay napipigilan o nagpapahina sa  mga ganitong isyu sa kalusugan. Hindi ito ang nangyayari sa Pilipinas.

Ayon sa Social Advocate Group Human Rights Watch, ang mga dahilan ng hindi tamang pagsuot ng condom sa Pilipinas ay ang sumusunod : 

Kakulangan ng edukasyon at impormasyon 

Ang impormasyon tungkol sa condom ay kulang sa mga umuunlad na bansa. Ang mga kabataan ay maaaring magkaroon ng kamalayan ukol rito, ngunit ilan lamang ang may sapat na kaalaman upang gamitin ang mga ito.

Kahirapan

Dahil sa hindi pagkakapantay-pantay sa keonomiya sa Pilipinas, maraming mga Pilipino ang hindi kayang bumili ng mga contraceptives sa Pilipinas. Bilang resulta, maraming mga batang babae ang nagiging ina. Ang mga impeksyon sa HIV ay karaniwan din sa mga relasyon ng homosexual sa mga mahihirap na komunidad.

Access 

Maraming mga Pilipino ang walang access sa mga contraceptive sa  Pilipinas, lalo na sa mga rural na lugar. Ayon sa nakaraang pananaliksik, maraming nagsisimula sa kanilang unang mga karanasan sa sekswal na walang proteksyon. Maaaring ito ang magpaliwanag kung bakit mas mataas ang mga rate ng pagbubuntis ng tinedyer sa mga lalawigan kumpara sa mga sentro ng lunsod.

Kultura at panlipunang stigma 

May parehong stigma sa mga kontrasepsiyon at homosexual na relasyon sa Pilipinas. Kahit na ang condom ay karaniwan sa mga convenience store, ang mga kabataan ay hindi binibili ang mga ito dahil sa nasabing stigma. Ang pagsusuot ng condom sa Pilipinas ay bigo o ipinagbabawal sa mga konserbatibong komunidad.

Mga solusyon sa condom conundrum 

Ang sumusunod ay ilan sa mga pangunahing solusyon sa pagtugon sa mga problema na nagreresulta mula sa lax condom wearing sa Pilipinas. Marami sa mga pagsisikap na ito ay ipinatupad sa bansa. Ngunit dahil sa pamahalaan at relihiyosong patakaran, ito ay napigilan upang makakuha ng tiwala..

Pagdaragdag ng pampublikong kamalayan 

Ang pagtulong sa mga tao na maging mas maalam ukol sa mga panganib ng hindi protektadong pagtatalik ay isang magandang panimula. Kapag napakalat ang paggamit ng condom at contraceptives sa PIlipinas ay maaaring makabawas sa mga kaso ng HIV at hindi sinasadyang pagbubuntis ng mga kabataan. Ang mga kampanya sa pagtataguyod ng gobyerno ay nagsisilbing daluyan para sa pamamahagi ng mga condom sa komunidad.

Pamamahagi ng Condom

Ang pamamahagi ng condom sa mga paaralan ay epektibo. Isa rin ito sa ipinanukalang thrust ng UNAID upang magturo ng ligtas at responsableng sex sa mga bata. 

Sex at Sex Education 

Ang pagpapatupad ng sex education sa mga paaralan ay nagbibigay-daan para sa isang mas malawak na pag-unawa sa biology at sex. Ang pag-alam ng higit pa tungkol sa mga panganib ng hindi protektadong sex ay nagpapahinto rin sa mas maraming kabataan mula sa paggawa nito nang iresponsable

Pag-aalis ng panlipunang stigma 

Ang pag-aalis ng panlipunang stigma ukol sa pagsusuot ng condom sa Pilipinas at sa kulturang Pilipino ay isang komplikadong solusyon. Gayunpaman, ang mga benepisyo sa pagbabago ng isang personal at konserbatibong paninging pandaigdig ay isang progresibo at malaki ang maitutulong nito. 

Key Takeaways

Ang mga Pilipino,ay hindi maingat pagdating sa pagsasagawa ng ligtas na sex. Marami ang maling impormasyon o walang access sa mga contraceptives sa Pilipinas. Mahusay na sex education at isang komprehensibong programa ng contraceptives sa Pilipinas ay kinakailangan upang matugunan ang lumalaking problema. Ang mga programang nakatuon sa responsable at ligtas na mga pamamaraan sa sex para sa mga Pilipino ay kapaki-pakinabang din. Ang pamamahagi ng mga condom at iba pang mga kontrasepsiyon sa mga lugar na mababa ang kita ay maaari ring isaalang-alang.

Matuto nang higit pa tungkol sa Sexual Wellness dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Pasha-Robinson, L. “Philippines HIV cases soar 3,147% in 10 years as Duterte says condoms ‘not satisfying’.” The Independent. Web. 20 Feb 2018. Retrieved from: https://www.independent.co.uk/news/world/asia/philippines-hiv-cases-rise-duterte-condoms-unsafe-sex-increase-a8219886.html, Accessed June 30, 2020

Cabato, R. “LIST: Where to get free HIV treatment in the Philippines.” CNN Philippines. Web. 1 Dec 2017. Retrieved from: http://nine.cnnphilippines.com/incoming/2017/12/01/HIV-treatment-hubs-clinics-Philippines.html, Accessed June 30, 2020

Almendral, A. “As H.I.V. Soars in the Philippines, Conservatives Kill School Condom Plan.” New York Times. Web. 28 Feb 2017. Retrieved from: https://www.nytimes.com/2017/02/28/world/asia/as-hiv-soars-in-philippines-conservatives-kill-school-condom-plan.html, Accessed June 30, 2020

De Vera, A. “DOH reports 1,200 new cases of HIV in January.” Manila Bulletin. Web. 9 Mar 2019. Retrieved  from: https://news.mb.com.ph/2019/03/09/doh-reports-1200-new-cases-of-hiv-in-january/, Accessed June 30, 2020

Junio, L. “11K were diagnosed with HIV in 2017: DOH.” Philippine News Agency. Web. 14 Feb 2018. Retrieved from: https://www.pna.gov.ph/articles/1025075, Accessed June 30, 2020

“Many sexually active Pinoys don’t use condoms, survey says.” ABS-CBN. Web. 25 Sep 2019. Retrieved from: https://news.abs-cbn.com/spotlight/09/25/19/many-sexually-active-pinoys-dont-wear-condoms-survey-says, Accessed June 30, 2020

The global condom gap, https://www.hrw.org/reports/2004/philippines0504/5.htm, Accessed June 30, 2020

Philippines: Discrimination Against Workers with HIV, https://www.hrw.org/news/2018/02/09/philippines-discrimination-against-workers-hiv, Accessed June 30, 2020

Punongbayan, JC. “Teenage pregnancies: Untangling cause and effect.” Rappler. Web. 8 Feb 2014. Retrieved from: https://www.rappler.com/move-ph/ispeak/50002-teenage-pregnancies-cause-and-effect, Accessed June 30, 2020

Santos, T. “MSM, low condom use, gov’t policies fuel HIV/AIDS rise.” Inquirer.net. Web. 3 Dec 2017. Retrieved from: https://newsinfo.inquirer.net/949378/condom-use-msm-aids-hiv-rontgene-solante-manilamed-hospital-anal-sex-multiple-sex-partners, Accessed June 30, 2020

Balala, C. “DOH-5 to step up in condom use campaign vs HIV.” Philippine Information Agency. Web. 28 Dec 2018. Retrieved from: https://pia.gov.ph/news/articles/1016536, Accessed June 30, 2020

Condoms, https://www.unaids.org/en/resources/presscentre/featurestories/2016/october/20161002_condoms, Accessed June 30, 2020

 

Kasalukuyang Version

03/07/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Mike Kenneth Go Doratan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Kailangan Gawin Kapag Nabutas Ang Condom?

Sex vs. Gender: Ano Ang Pagkakaiba Ng Dalawang Ito?


Narebyung medikal ni

Mike Kenneth Go Doratan, MD

General Surgery · The Medical City Ortigas


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement