backup og meta

Sintomas ng Chlamydia: Lahat ng Dapat Malaman Tungkol sa Sakit na Ito

Sintomas ng Chlamydia: Lahat ng Dapat Malaman Tungkol sa Sakit na Ito

Ang Chlamydia ay isang common sexually transmitted disease (STD), na sanhi ng bakteryang tinatawag na Chlamydia trachomatis. Ito ang pinakakaraniwang bacterial STD sa mundo at mahalagang gamutin kaagad ang sakit. Dahil maaaring magkaroon ng mga komplikasyon kung ang impeksyon ay hindi ginagamot. 

Hindi laging lumalabas ang mga sintomas ng chlamydia dahil karamihan sa mga nahawahan ay asymptomatic, o hindi nagpapakita ng anumang mga sintomas. Kaya marami ang maaaring maging carrier, kung saan hindi nila namamalayang nakapagpapasa na pala sila ng impeksyon.

Mga sanhi ng Chlamydia

Ang Chlamydia ay isang nakahahawang sakit at naipapasa ito sa pamamagitan ng hindi protektadong sekswal na aktibidad sa isang taong nagdadala ng impeksyon. Ang impeksiyon ay maaaring kumalat sa pamamagitan ng ari ng lalaki o babae, anus, o bibig.

Sinasabi rin na ang transmission ay nangyayari kapag ang mga mucous membrane ay nagka-contact sa infected secretions, tulad ng semilya, vaginal o anal fluid, kabilang sa mga mucous membrane na ito ang bibig, ari, ari ng lalaki, at anus.

Karamihan sa mga transmission ay nangyayari sa pamamagitan ng pakikipag-sex, ngunit may key exceptions, at ang mga buntis na kababaihan na nahawaan ng chlamydia ay maaaring maipasa ito sa kanilang mga sanggol sa panahon ng panganganak. Higit pa rito, maaaring mapataas ng chlamydia ang risk ng pre-term birth, deadbirth, o miscarriage.

Ang isa pang exception ay conjunctivitis (impeksyon sa mata), na nangyayari kapag ang mata ay nagka-contact sa mga infected body liquids.

Sintomas ng Chlamydia

Ang mga sintomas ng cglamydia para sa mga lalaki at babae ay maaaring magkaiba dahil sa mga pagkakaiba ng kanilang reproductive system.

Sintomas ng Chlamydia sa mga lalaki

  • Hindi pangkaraniwang, mabahong discharge mula sa ari ng lalaki
  • Pananakit sa panahon ng pag-ihi, sanhi ng impeksyon sa daanan ng ihi
  • Madalas na pag-ihi
  • Testicular pain, na nagpapahiwatig na ang bakterya ay umabot na sa scrotum

Sintomas ng Chlamydia sa kababaihan

  • Pananakit tuwing nakikipag-sex
  • Pagdurugo in between period
  • Hindi pangkaraniwan, mabahong discharge mula sa ari
  • Sakit sa tiyan
  • Burning sensation Nasusunog kapag umiihi
  • Low back pain

Para sa ilang kababaihan, ang bakterya ay maaaring umabot sa fallopian tubes. Ito’y maaaring magdulot ng pelvic inflammatory disease (PID), na isang medical emergency at paminsan-minsan ay maaaring humantong sa pagkabaog.

Ang ilang mga sintomas ng PID ay:

  • Lagnat
  • Pagduduwal
  • Abnormal na pagdurugo ng ari sa in between periods
  • Matinding pelvic pain

Ang mga kalalakihan at kababaihan ay maaari ring ma-contract ang bakterya nang orally na nagdadala ng impeksyon sa kanilang lalamunan. Maaaring hindi ito magpakita ng anumang sintomas, ngunit kapag nangyari ito, ito’y nailalarawan sa pamamagitan ng:

  • Ubo
  • Lagnat
  • Sakit sa lalamunan

Ang mga lalaki at babae ay mayroon ring mga sintomas sa kaso ng impeksyon sa anal. Kabilang dito ang:

  • Sakit
  • Bleeding
  • Discharge mula sa anus

Ang mga kalalakihan at kababaihan ay maaari ring makakuha ng conjunctivitis, o impeksyon sa mata, mula sa bakterya.

Ang ilang mga sintomas ng conjunctivitis ay:

  • Pamumula ng mata
  • Pagkairita
  • Pamamaga
  • Sakit o Pain
  • Discharge

Ano ang hitsura ng chlamydia discharge?

Karamihan sa mga taong may chlamydia ay hindi nagpapakita ng anumang mga sintomas, ngunit ang mga taong ito ay maaaring magkaroon ng hindi discharge.

Madali din itong makita dahil hindi karaniwan sa katawan ang mag-produce ng ganitong uri ng discharge. Mahalagang itanong “kung ano ang hitsura ng paglabas ng chlamydia” para madaling matukoy at magamot ang sakit.

Ano ang hitsura ng chlamydia discharge sa mga lalaki?

Ano ang hitsura ng chlamydia discharge sa mga lalaki? Ito ay isang likido na mabaho at mukhang nana, na umaagos mula sa ulo ng ari at naninirahan sa paligid ng tip.

Ang discharge ay maaaring magmukhang makapal at maulap. Maaari rin itong maging kayumanggi, berde, o dilaw, at karaniwang napapansin ng mga lalaki ang discharge ng 1-5 araw pagkatapos ng transmission.

Ano ang hitsura ng chlamydia discharge sa mga kababaihan?

Ang chlamydia discharge sa mga kababaihan ay nailalarawan sa pamamagitan ng mabahong discharge na nagmumula sa ari.

Kadalasan na makapal at dilaw ang kulay na maaaring mapansin ng mga kababaihan ang mga sintomas na ito pagkatapos ng 1-3 linggo pagkatapos ng transmission.

Testing para sa Chlamydia

Para malaman kung ang isang tao ay may chlamydia, dapat silang masuri ng isang medikal na propesyonal. Karaniwang ginagawa ang pagsusuri kung ang isang pasyente o ang kanilang recent sexual partner ay nagpapakita ng mga sintomas. Inirerekomenda rin ang regular na pagpapatingin para sa mga taong aktibong sekswal.

Ang doktor ay kumukuha ng swab sample mula sa cervix ng isang babae, o isang pagsusuri sa ihi para sa isang lalaki. Ang rectal o throat samples ay maaari ring kunin, depende sa lugar ng impeksyon.

Maaaring magreseta kaagad ang mga doktor ng tritment para maiwasan ang anumang pangmatagalang komplikasyon.

Tritment para sa Chlamydia

Ang mga antibiotic ay maaaring inireseta para gamutin ang chlamydia. Ilan sa mga ito ay:

  • Azithromycin
  • Doxycycline
  • Erythromycin
  • Levofloxacin
  • Ofloxacin
  • Amoxicillin

Lubos na inirerekomenda na ang patient’s sexual partner ay sumailalim din sa tritment para sa chlamydia.

Habang nasa tritment, mahalagang umiwas sa anumang gawaing sekswal. Posibleng mag-transmit at mag-contract ng chlamydia ang isang tao, kahit na gumaling pa ito mula sa isang nakaraang impeksiyon. Maging maingat na kumunsulta sa isang doktor bago subukan ang alinman sa mga nakalistang gamot.

Pag-iwas sa Chlamydia

Ang pag-iwas sa anumang sekswal na aktibidad ay nananatiling pinakasigurado na paraan ng pagpigil sa kondisyong ito. Bukod dito, narito ang ilang iba pang paraan para mabawasan ang risk ng impeksyon:

  • Gumamit ng condom
  • Limitahan ang bilang ng sexual partners
  • Kumuha ng mga regular na pagsusuri para sa anumang STDs
  • Siguraduhin na ang iyong sexual partner ay walang kahit anong STDs
  • Para sa mga kababaihan, iwasan ang douching dahil maaari nitong mabawasan ang mga good bacteria sa ari, na maaaring magprotekta laban sa impeksyon

Tulad ng anumang STD, ang pagpigil sa chlamydia ay nangangahulugan ng pagsali sa ligtas na aktibidad sa pakikipag-sex. Ang pagpapanatili ng kaligtasan sa panahon ng intimacy ay hindi lamang nagpoprotekta sa’yo mula sa impeksyon, maaari rin itong positibong makaapekto sa iyong pangkabuuang kalusugan.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Chlamydia Trachomatis https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/chlamydia/symptoms-causes/syc-20355349 Accessed 15 May 2020

Chlamydia Fact Sheet (Detailed) https://www.cdc.gov/std/chlamydia/stdfact-chlamydia-detailed.htm Accessed 15 May 2020

Chlamydia Infections https://medlineplus.gov/chlamydiainfections.html Accessed 15 May 2020

Chlamydia Overview https://www.nhs.uk/conditions/chlamydia/ Accessed 15 May 2020

Chlamydia https://www.health.ny.gov/diseases/communicable/chlamydia/fact_sheet.htm Accessed 15 May 2020

Kasalukuyang Version

01/22/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni January Velasco, MD

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Nagagamot Ba Ang Chlamydia? Heto Ang Dapat Mong Malaman

Sanhi Ng Chlamydia, Anu-ano Ang Mga Ito?


Narebyung medikal ni

January Velasco, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement