Ang Chlamydia ay isa sa mga pangkaraniwang sakit na nakukuha sa pakikipag-sex (STDs). Sa kabila nito, hindi alam ng maraming tao kung ano ang sanhi ng chlamydia. Kung paano ito kumakalat, at paano ito maiiwasan?
Ang Chlamydia ay isa sa mga pangkaraniwang sakit na nakukuha sa pakikipag-sex (STDs). Sa kabila nito, hindi alam ng maraming tao kung ano ang sanhi ng chlamydia. Kung paano ito kumakalat, at paano ito maiiwasan?
Ang Chlamydia trachomatis – ang bakteryang nagdudulot ng chlamydia. Kapansin-pansin, ang bakterya na ito ay unang natuklasan sa mga taong may impeksyon sa mata. Hindi sa mga taong may STD. Ang bakteryang ito ay responsable sa mga impeksyon sa mata. Partikular na nakikita sa mga newborn. Gayunpaman, tumagal pa ng ilang taon. Bago napagtanto ng mga doktor na ang bakterya na ito ay kapareho ng mga natagpuang discharge sa ilang tao na may penile o vaginal discharge.
Sa paglipas ng panahon, natuklasan ng mga doktor na ang chlamydia ay nakahahawa hindi lamang sa mga mata o sexual organs. Maging sa karamihan ng mucus membranes ng katawan, kabilang ang anus at bibig.
Kapag ang isang tao ay naging infected ng chlamydia, ang bakterya ay mabilis na dadami. Sa yugtong ito, ang mga pasyente ay wala pa ring ideya na sila ay nahawaan; nangangahulugan ito na wala silang nararanasan na anumang sintomas.
Habang lumalaki at dumarami ang bakterya, maaari itong magsimulang kumalat sa ibang mga organ sa reproductive at urinary tract ng tao. Sa paglipas ng panahon, ang mga pasyente ay maaaring magsimulang makapansin ng mga sintomas tulad ng hypogastric pain. Pakiramdam ng pamamaga, at malakas na amoy ng discharge na nagmumula sa penis o vagina. Ang mga sintomas na ito ay nangangahulugan na ang pasyente ay dumaranas na ng pamamaga.
Sa mga kababaihan, ang vagina, cervix, matris, at fallopian tubes ang mga organ na unang nahahawahan. Habang sa mga lalaki, karaniwang ang urethra o ang epididymis, na isang tube sa testicles.
Kung ang kondisyon ay hindi magagamot, ang impeksyon ay maaaring tumagal ng maraming taon. Maaari ring mangyari ang reinfection, lalo na para sa mga pasyenteng hindi nagsasagawa ng ligtas na pakikipag-sex. Ito’y maaaring maging problema dahil, sa paglipas ng panahon, ang matagal na pamamaga ay maaaring makapinsala sa reproductive tract at maaaring humantong sa pagkabaog.
Ang pangunahing paraan ng transmission ng Chlamydia ay sa pamamagitan ng hindi protektadong pakikipag-sex, kabilang ang oral, anal, o vaginal sex. Bukod pa rito, ang infected semen o vaginal fluid na pumapasok sa mata o bibig ng isang tao ay maaari ring maging sanhi ng chlamydia.
Ang chlamydia ay maaari ding kumalat nang madali dahil ang mga sintomas nito ay hindi agad lumilitaw. Maaaring may sakit na ang isang tao at kumalat na ito sa iba nang hindi nila nalalaman o ng kanilang mga kapareha.
Ito ang dahilan kung bakit ang paggamit ng condom o dental dam sa panahon ng pakikipag-sex ay napakahalaga sa pagpigil sa pagkalat ng STDs. Ang mga taong maraming sexual partners ay kailangan ding magpa-test nang madalas para sa STDs.
Bilang karagdagan, ang mga buntis na kababaihan ay kailangan ding magpasuri para sa chlamydia. Ito ay dahil baka maipasa nila ang impeksyon sa kanilang bagong silang na sanggol. Sa agarang pagsusuri, maaari silang sumailalim sa tritment bago sila manganak.
Ang pinakamahalagang bagay na dapat gawin para maiwasan ang chlamydia at iba pang mga STD ay ang paggamit ng proteksyon. Ang paggamit ng condom o dental dam sa panahon ng pakikipag-sex ay maaaring makabuluhang mapababa ang risk na magkaroon ng mga STD.
Mahalaga rin ang pagkuha ng STD test, lalo na para sa mga pasyenteng may maraming partner. Ito’y dahil ang pagkakaroon ng maraming sexual partner ay maaaring lubos na magpataas ng risk ng isang tao para sa mga STD.
Kung sa tingin mo ay mayroon kang STD, o kung nakipag-sex ka nang hindi protektado kamakailan. Siguraduhing umiwas sa pakikipag-sex hanggang sa matest ka. Sa ganitong paraan, mababawasan mo ang pagkakataong kumalat ang STD.
Siguraduhing magpagamot kung nagpositibo ka sa chlamydia o iba pang mga sakit na nakukuha sa pakikipag-sex. Ang mga sakit tulad ng gonorrhea at chlamydia ay madaling magamot sa mga modernong paraan ng tritment. Ang HIV, sa kabilang banda, ay maaaring i-manage sa pamamagitan ng gamot; at ang prognosis ay mabuti para sa mga pasyente na naghahanap ng tritment sa pinakamaagang posibleng oras.
Matuto pa tungkol sa Chlamydia dito.
Disclaimer
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
Chlamydia trachomatis and Genital Mycoplasms | GLOWM, https://www.glowm.com/section_view/heading/chlamydia-trachomatis-and-genital-mycoplasms/item/185, Accessed January 04, 2021
Chlamydia Infections | Chlamydia | Chlamydia Symptoms | MedlinePlus, https://medlineplus.gov/chlamydiainfections.html#:~:text=Chlamydia%20is%20a%20common%20sexually,cervix%2C%20rectum%2C%20or%20throat., Accessed January 04, 2021
Chlamydia Infections | Chlamydia | Chlamydia Symptoms | MedlinePlus, https://medlineplus.gov/chlamydiainfections.html, Accessed January 04, 2021
Chlamydia Trachomatis | British Society for Immunology, https://www.immunology.org/public-information/bitesized-immunology/pathogens-and-disease/chlamydia-trachomatis, Accessed January 04, 2021
Chlamydia trachomatis and Genital Mycoplasmas: Pathogens with an Impact on Human Reproductive Health, https://www.hindawi.com/journals/jpath/2014/183167/, Accessed January 04, 2021
Kasalukuyang Version
03/23/2022
Isinulat ni Lornalyn Austria
Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD
In-update ni: Jan Alwyn Batara