backup og meta

Paano Nagkakaroon Ng Chlamydia, At Paano Ito Maiiwasan?

Paano Nagkakaroon Ng Chlamydia, At Paano Ito Maiiwasan?

Ang chlamydia ay isa sa pinakakaraniwang uri ng STDs o sexually transmitted diseases. Madali itong gamutin gamit ang antibiotics, ngunit madali pa ring mahawa ang mga tao ng sakit na ito. Paano nagkakaroon ng chlamydia? Paano ba naipapasa ang chlamydia, at ano ang puwedeng gawin ng mga tao upang maiwasan ito?

Ano Ang Chlamydia?

Ang bacteria na tinatawag na Chlamydia trachomatis ang nagdudulot ng impeksyon. Pangunahing naaapektuhan ng bacteria na ito ang mucus membranes ng katawan na kadalasang nasa urethra, cervix, rectum, throat (lalamunan), at maging sa mga mata.

Karamihan sa mga taong may chlamydia ay nakararanas ng mga sintomas isa hanggang tatlong linggo pagkatapos na maimpeksyon. Depende ito sa kung saan nagsimula ang impeksyon.

Narito ang ilan sa mga karaniwang sintomas nito:

  • Discharge na nagmumula sa titi o puki
  • Mahapding pakiramdam kapag umiihi
  • Pamamaga ng testicles ng mga lalaki
  • Bleeding in between periods para sa mga babae
  • Conjunctivitis o pink eye
  • Masakit at nagdurugong rectum

Sa mga lalaki, ang chlamydia ay maaaring maging sanhi ng pamamaga (inflammation) ng epididymis, o ang tubo sa testicles na nagdadala ng sperm. Nauuwi ang kondisyong ito sa tinatawag na epididymitis na nagdudulot ng pagkabaog.

Sa mga babae, isa sa mas seryosong komplikasyon ng chlamydia ay ang pelvic inflammatory disease. Nangyayari ang kondisyong ito kapag naimpeksyon ang uterus at fallopian tubes.

Bukod sa pelvic pain, maaari din itong magdulot ng pagkabaog, at magpataas ng panganib ng pagkakaroon ng ectopic pregnancy. Ang ectopic pregnancy ay isang uri ng pagbubuntis kung saan ang embryo ay nag-implant sa labas ng uterus o bahay-bata.

Sa kabila ng mga komplikasyong ito, ang chlamydia ay isang sakit na maaaring magamot. Maaaring magbigay ng antibiotics ang mga doktor upang puksain ang mga bacteria at pahintuin ang impeksyon. Gayunpaman, maaaring maimpeksyong muli, kaya mahalaga na sundin ng mga pasyente ang mga pangunahing pag-iingat upang maiwasan ang pagkakaroon ng impeksyong ito sa hinaharap.

Paano Nagkakaroon Ng Chlamydia At Paano Ito Naipapasa?

Isang STD ang chlamydia, kaya’t ang paraan kung paano nagkakaroon ng chlamydia ay sa pamamagitan ng unprotected sex. Madaling kapitan ng sakit na ito ang mga taong sexually active at hindi gumagamit ng proteksyon.

Maaari ding maikalat ang impeksyon sa pamamagitan ng semilya o vaginal fluids ng isang tao na may chlamydia. Kapag pumasok ang fluids na ito sa puki, titi, o puwit, madaling kakalat ang impeksyon. Kahit ang mga taong nalagyan ng fluids na ito sa kanilang mga mata o bibig ay maaari ding magkaroon ng chlamydia.

Importanteng alamin ang mga safe sex practices upang iwasan kung paano nagkakaroon ng chlamydia. Puwede ring makahawa sa iba ang paggamit ng sex toys. Kapag ang isang taong may chlamydia ay gumamit ng sex toys at ginamit din ito ng ibang tao nang hindi nililinis nang mabuti, maaari ding kumalat ang sakit.

At upang bigyang linaw ang mga haka-haka tungkol sa chlamydia, ang pagpapahiram ng tuwalya, palikuran, mga gamit sa kusina, at maging ang pagyakap at paghalik ay hindi nakapanghahawa.

Paano Mo Mapoprotektahan Ang Sarili?

Narito ang ilan sa mga bagay na maaari mong gawin upang maprotektahan ang sarili laban sa chlamydia:

  • Ugaliin ang safe sex. Ibig sabihin nito, kailangan mong gumamit o ang iyong partner ng condom sa penetrative sex, vaginal man ito o anal. Kung kayo ay mag-o-oral sex, gumamit ng dental dam o condom upang maiwasan ang impeksyon.
  • Hanggat maaari, iwasan ang pagkakaroon ng maraming sex partners upang mapababa ang panganib ng pagkakaroon ng STDs.
  • Sa paggamit ng sex toys, tiyaking linisin ito nang mabuti, at i-disinfect batay sa instructions ng manufacturer.
  • Magandang ideya rin ang paggamit ng condom sa inyong sex toys upang maiwasan ang impeksyon.
  • Huwag matakot na kausapin ang iyong partner tungkol sa pagkuha ng STD test, lalo na kung nagkaroon sila ng unprotected sex kamakailan lang.
  • Kung ikaw naman ang nagkaroon ng unprotected sex, tiyaking makakuha ka ng STD test upang hindi na maikalat ang impeksyon sa iba.

Key Takeaways

Paano nagkakaroon ng chlamydia?

Ang chlamydia ay isa sa pinakakaraniwang uri ng STDs. Mahalaga ang palagiang pagsasagawa ng safe sex, at regular na pagkuha ng STD test kung mayroon kang higit sa isang sex partner. Ang pagsunod sa mga paunang pag-iingat na ito ay makatutulong hindi lamang upang bumaba ang panganib na magkaroon ka na chlamydia, kundi maging sa iba pang karaniwang sexually transmitted diseases.

Matuto pa tungkol sa Chlamydia dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Chlamydia | CATIE – Canada’s source for HIV and hepatitis C information, https://www.catie.ca/en/fact-sheets/sti/chlamydia, Accessed December 28, 2020

Chlamydia symptoms & treatment | Avert, https://www.avert.org/sex-stis/sexually-transmitted-infections/chlamydia, Accessed December 28, 2020

Chlamydia (chlamydia trachomatis genital infection), https://www.health.ny.gov/diseases/communicable/chlamydia/fact_sheet.htm, Accessed December 28, 2020

STD Facts – Chlamydia, https://www.cdc.gov/std/chlamydia/stdfact-chlamydia.htm, Accessed December 28, 2020

Chlamydia – NHS, https://www.nhs.uk/conditions/chlamydia/, Accessed December 28, 2020

What is Chlamydia? | Causes of Chlamydia Infection, https://www.plannedparenthood.org/learn/stds-hiv-safer-sex/chlamydia, Accessed December 28, 2020

Kasalukuyang Version

05/30/2024

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Epekto Ng HIV Sa Katawan, Anu-Ano Nga Ba?

Sintomas ng Chlamydia: Lahat ng Dapat Malaman Tungkol sa Sakit na Ito


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement