Ang Chlamydia ay isang bacterial infection na kumakalat sa pamamagitan ng sexual contact. Isa rin ito sa mga pinaka karaniwang sexually transmitted disease (STD) sa mundo. Ngunit nagagamot ba ang chlamydia? At anong mga treatment para sa chlamydia ang available?
Ano ang chlamydia?
Ang gram-negative bacterium na Chlamydia trachomatis ang nagiging sanhi ng chlamydia. Ang pangunahing paraan ng transmission nito ay sa pamamagitan ng sexual contact, kaya ang mga taong nakikipagtalik na hindi protektado o may multiple partners ay madaling kapitan ng sakit na ito.
Dapat seryosohin ang Chlamydia. Maaari itong magdala ng malubhang problema sa kalusugan kung hindi magagamot. Ang mga taong may chlamydia ay madaling makapanghawa ng sakit sa ibang tao.
Ang Chlamydia ay may dalang malaking panganib para sa mga buntis, dahil maaaring mahawa ng mga ina ang kanilang mga sanggol.
Mahalagang mag-practice ang safe sex, kasama ang paggamit ng proteksyon sa panahon ng pakikipagtalik. Makakatulong ang mga ito na maiwasan ang pagkalat ng chlamydia.
Pero ano ang pwede mong gawin kung ikaw ay nahawa na? Nagagamot ba ang chlamydia?
Paano ginagamot ang Chlamydia?
Kumpara sa iba pang malubhang STD tulad ng HIV, ang paggamot sa chlamydia ay straightforward. Para patayin ang bacteria at pigilan ang pagkalat ng impeksyon, nagrereseta ang mga doktor ng antibiotic.
Ang pinakakaraniwang antibiotic na inirereseta ay alinman sa azithromycin at doxycycline. Ang mga pasyente na niresetahan ng azithromycin ay kailangang uminom ng 2 o 4 na tablet nang sabay-sabay. Ito ay depende sa rekomendasyon ng doktor. Para sa doxycycline, ang pasyente ay umiinom ng 2 kapsula bawat araw sa loob ng isang linggo.
Epektibo at may napakataas na mga success rate ang parehong mga paraan ng treatment.
Ang mga pasyente ay karaniwang disease-free pagkatapos ng 7 araw ng paggamot. Kung nagagamot ba ang chlamydia, tandaan, huwag mag self-medicate; kumunsulta sa iyong doktor para sa tamang diagnosis at paggamot.
Pagkatapos ng treatment, inirerekumenda na sumailalim ka muli sa STD testing. Nakakatulong ito na matiyak na ikaw ay talagang wala ng sakit at hindi makakahawa sa iba.
Mahahalagang Paalala sa Panahon ng Treatment
Sa panahon ng paggamot, ang mga pasyente ay kailangang umiwas sa anumang pakikipagtalik upang hindi magkalat ng impeksyon.
Mahalaga rin na uminom ng gamot sa tamang dosage at sa tamang oras. Mahalaga ito para masiguro na talagang nagagamot ba ang chlamydia at mapapatay ng mga antibiotic ang lahat ng mapaminsalang bakterya. Ito rin ay para maiwasan ang muling impeksyon.
Ang dapat tandaan tungkol sa chlamydia ay maaari kang makakuha ng mga paulit-ulit na impeksyon. Ang pagiging reinfected ay nagdaragdag din ng risk ng mga komplikasyon at mga problema sa reproductive.
Prevention pa rin ang susi
Ang pinaka okay na paraan upang harapin ang mga STD ay iwasan ang mga ito na mangyari. Narito kung paano nagagamot ba ang chlamydia at pigilan o bawasan ang risk ng pagkakaroon ng mga STD:
- Hangga’t maaari, iwasan ang pagkakaroon ng maraming sexual partners dahil pinapataas nito ang panganib ng mga STD. Kung marami kang partner, regular na magpasuri.
- Mahalaga rin na gumamit ng proteksyon gaya ng condom o dental dam.
- Kapag gumagamit ng sex toys, subukang gumamit ng condom o iwasang magbahagi ng mga laruan upang mabawasan ang risk ng pagkahawa.
- Kung ikaw o ang iyong partner ay nagkaroon ng maraming sex partners, siguraduhing magpasuri para sa mga STD.
- Iwasan ang pakikipagtalik sa isang taong nagkaroon ng multiple partners at hindi pa nasusuri para sa mga STD.
Key Takeaways
Upang maiwasan ang chlamydia, i-practice ang safe sex, palaging gumamit ng proteksyon, at regular na magpasuri para sa mga STD kung marami kang sexual partners. Nakakatulong ito na mapababa ang panganib ng hindi lamang chlamydia, kundi pati na rin ang iba pang mga STD tulad ng gonorrhea at HIV.