backup og meta

Ano Ang Tsikinini, At Maaari Ba Itong Makasama Sa Kalusugan?

Ano Ang Tsikinini, At Maaari Ba Itong Makasama Sa Kalusugan?

Ang tsikinini ay marka sa balat na dahilan ng matinding paghigop. Karaniwan itong bunga ng mga sandali ng pag-ibig, at madalas na makikita sa leeg. Subalit ang tsikinini sa dibdib ay karaniwan din. Ano ang tsikinini? Maaari ka bang makasakit ng iba sa pamamagitan nito? Basahin upang malaman ang mga kasagutan sa mga katanungang ito. Matuto tungkol sa tsikinini.

Ano ang tsikinini?

Ang tsikinini, na tinatawag ding love bite sa Ingles, ay isang uri ng pasa. Sa tuwing sobrang hinihigop ng tao ang balat, ang ugat na daluyan ng dugo malapit sa balat ay maaaring pumutok. Kapag nangyari ito, ang lumabas na dugo mula sa pumutok na ugat ay mananatili sa ilalim ng balat. Dahil dito, magkakaroon ng marka ng tsikinini. Kadalasan itong kulay pula o lila.

Madalas na nagkakaroon ng tsikinini ang tao bunga ng mga sandali ng pag-ibig kasama ang kanilang karelasyon. Madalas itong makikita sa leeg, balikat, at dibdib. Ngunit saanmang bahagi ng balat ng katawan ay maaaring maglagay ng tsikinini.

May mga taong nasisiyahan sa paglalagay ng tsikinini, maging ang pagkakaroon nito mula sa kanilang karelasyon. Subalit may mga taong ayaw nito at nasasaktan dahil dito. May iba ring ayaw na nakikita ang tsikinini, lalo na kung gusto nila gawing pribado ang mga bagay-bagay.

Bagama’t minsan ay sumasakit ang tsikinini, sa kabuoan ay ligtas ang pagkakaroon nito. Ngunit posible bang maglagay ng tsikinini nang sobrang tindi na maaaring maging dahilan upang makasakit?

Dapat ka bang mabahala sa tsikinini?

May isang pangyayaring kinasangkutan ng isang babaeng 33 taong gulang. Nakaranas siya ng embolic stroke (mula sa pamumuo ng dugo). Sa kaniyang sitwasyon, ito ay isang tsikinini sa leeg.

Batay sa mga ulat, nakaranas siya ng biglang panghihina sa kaliwang bahagi ng kaniyang katawan. Ito ay labindalawang oras matapos niyang magkaroon ng tsikinini at ito ay sanhi ng left middle cerebral artery stroke.

Bagama’t ang kaniyang stroke ay hindi tuwirang sanhi ng tsikinini, hindi nito ibig sabihin na ang tsikinini ay likas na mapanganib. Upang maging mapanganib ang tsikinini, kailangan ang sobrang tinding pangyayari. Karamihan sa mga tao ay madalas na nagkakaroon nito nang walang anomang masamang epekto. 

Kaya kahit na ang tsikinini ay maaaring maging dahilan ng pasa, malabong ito ay maging mapanganib.

Paano tanggalin ang tsikinini?

Karaniwang nagtatagal ang tsikinini sa loob ng ilang araw hanggang ilang linggo. Gumagaling ito nang mag-isa. Dahil ang tsikinini sa dibdib ay isang pasa, walang kailangang gawin upang ito ay gumaling. Hindi ka dapat masyadong mabahala dahil ito ay iba-iba ang paggaling depende sa tao. Ngunit narito ang ilang mga bagay na maaari mong gawin upang gumaling ito nang mas mabilis:

Gumamit ng tuwalyang binasa ng maligamgam na tubig

Isa sa mga mabubuting paraan ay ang paggamit ng tuwalyang binasa ng maligamgam na tubig. Maaari mo itong gawin sa pamamagitan ng pagpapainit ng tubig (siguraduhing hindi sobrang init). Basain nito ang tuwalya, pigaan, at ilagay sa bahagi ng katawan na may tsikinini.

Sa pamamagitan nito, nagbubukas ang mga malalapit na ugat na daluyan ng dugo at mabilis na napapawi ang mga dugong nanatili sa ilalim ng balat.

Gumamit ng tuwalyang binasa ng malamig na tubig kung masakit ang tsikinini

Kung masakit ang tsikinini, ang paggamit ng tuwalyang binasa ng malamig na tubig ay makatutulong upang maibsan ang sakit. Sa pamamagitan nito, bumabagal ang daloy ng dugo sa bahagi ng katawan at napamamanhid ang kirot.

Maaaring ibalot ang yelo sa tuwalya, o gumamit ng malamig na kutsara.

Kung hindi gumagaling, magpakonsulta sa doktor

Bagama’t ang tsikinini ay hindi kadalasang sanhi ng problema, magpakonsulta sa doktor kung hindi pa gumagaling ang tsikinini matapos ang ilang linggo. May posibilidad na kung hindi ito gumagaling, maaaring may namuong dugo. Kaya mainam ang magpatingin sa doktor.

Matuto  pa tungkol sa Sekswal na Kalusugan dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

1 Can you get cancer from hickeys?, https://www.plannedparenthood.org/learn/teens/ask-experts/someone-told-me-that-you-can-get-cancer-from-hikees-is-that-true, Accessed December 13, 2021

2 [Love bite on the neck resulted in an embolic stroke] – PubMed, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/25498180/, Accessed December 13, 2021

3 How to Get Rid of a Hickey – Cleveland Clinic, https://health.clevelandclinic.org/how-to-get-rid-of-a-hickey/, Accessed December 13, 2021

4 Bruises: Types, Causes, Diagnosis, Treatment & Prevention, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15235-bruises, Accessed December 13, 2021

5 Bruise: First aid – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/first-aid/first-aid-bruise/basics/art-20056663, Accessed December 13, 2021

Kasalukuyang Version

08/26/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Bukol Sa Ari Ng Babae, Anu-Ano Ang Posibleng Maging Sanhi?

Bukol Sa Katawan: Alamin Kung Anu-Ano Ang Mga Ito!


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement