backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

Masakit na Leeg at Balikat, Ano ang Maaaring Dahilan?

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD · Internal or General Medicine


Isinulat ni Fiel Tugade · a

Masakit na Leeg at Balikat, Ano ang Maaaring Dahilan?

Kabilang ka rin ba sa populasyon ngayon na madalas na nakararanas ng iba’t ibang klase ng sakit ng katawan? Ating alamin kung bakit laganap ang pagkakaroon ng masakit na leeg at balikat sa panahon ngayon. 

Pag-unawa sa Masakit na Leeg at Balikat

Ang pananakit na nararamdaman sa bahagi ng balikat ay maaaring nagmumula sa iyong leeg. Ito ay dahil ang mga ugat at muscles mula sa iyong leeg ay dumadaan sa iyong balikat pababa sa iyong braso. Naglalakbay din pababa sa iyong braso ang mga ugat mula sa iyong leeg (nerve roots) sa pamamagitan ng brachial plexus. Kung kaya, ang pananakit ng leeg ay maaaring magpatuloy papunta sa iyong mga braso.

Ano ang Maaaring Dahilan ng Pagkakaroon ng Masakit na Leeg at Balikat?

Karaniwang karanasan ang pagkakaroon ng masakit na leeg at balikat. Sa katunayan, marami ang maaaring maapektuhan nito sa isang punto ng kanilang buhay. 

Mayroong iba’t ibang posibleng dahilan ng naturang pananakit, at iminumungkahi ng mga pag-aaral na ang parehong pisikal at psychosocial na mga kadahilanan ang maaaring magdulot nito. 

Pagtulog

May mga pagkakataon kung saan maaari kang makatulog sa pinaka-awkward na posisyon.Kapag ang mga muscles sa paligid ng leeg ay nairita dahil sa iyong posisyon sa pagtulog, maaari mahirapan ikutin ang iyong ulo. Ito ay isang kondisyon na kinikilala bilang torticollis. 

Paggawa ng mga gawaing bahay

Ang mga gawaing bahay, panloob man yan o panlabas, ay kadalasang nagsasangkot ng paulit-ulit na paggalaw. Higit pa rito, ang labis na paggamit muscles, tendons, at nerves ay maaaring magdulot ng masakit na leeg at balikat. 

Kabilang ang mga sumusunod sa mga gawaing bahay na tila hindi nakakapinsala sa una ngunit  kalaunan ay mararamdaman ang pagsakit ng katawan:

  • Paglalaba
  • Pagwawalis
  • Pag-vacuum
  • Paghuhugas ng mga pinggan 
  • Pag-aayos ng higaan 

Sa paggawa ng mga ito araw-araw, maaaring magkaroon ng awkward stretches at mabigat na pag-angat na maaaring magpahirap sa iyong leeg at balikat. Sa paglipas ng panahon, ang pag-twist, pagyuko at pag-abot ay maaaring humantong sa iba’t ibang mga isyu mula sa maliliit na pananakit hanggang sa mga pangmatagalang kondisyon.

Pakikipaglaro sa mga bata

Bilang magulang, kabilang sa pangaraw-araw mong gawain ang makipaglaro sa iyong anak. Ngunit alam mo ba na ang pakikipaglaro ay maaaring magdulot ng pananakit ng leeg at balikat? Ang isang hapon ng paulit-ulit na pagyuko ay maaaring magdulot ng muscle tension at joint strain. Ito rin ay maaaring humantong sa paninikip at pananakit ng iyong leeg at balikat. 

Ano ang Koneksyon ng Pandemya at Masakit na Leeg at Balikat?

Ayon sa mga testimonya mula sa iba’t ibang tao, nagsimula ang kani-kanilang mga reklamo tungkol sa masakit na leeg at balikat 2 taon na ang nakalilipas. 

Kung iisipin, hindi nga naman maitatanggi ito marahil noong lumipat ang buong mundo sa WFH set-up (work-from-home set-up) ay marami sa atin ang gumugugol ng ating mga araw ng trabaho na:

  • Nakayuko sa mga computer desk
  • Nakaupo nang matagal
  • Nakayuko ang mga leeg upang magbasa sa mga gadgets

Dahil dito, naging laganap ang pagtawag sa naturang kondisyon bilang text neck syndrome o tech neck. Ito ay karaniwang natutukoy at naiuugnay buhat ng hindi angkop na paggamit ng mga gadgets. 

Higit pa rito, ang mga tao ay maaari ring magreklamo na masakit ang leeg at balikat buhat ng mental stress. Ang mga high-strain na trabaho ngunit mababa ang awtoridad ay may kaugnayan sa pananakit ng leeg at balikat ng ilang tao. Kapansin-pansin din na ang isang katulad na kaugnayan ay natuklasan sa mga manggagawang may mga trabahong nagtatampok ng mataas na pangangailangan at mataas na kontrol.

Key Takeaways

Karamihan sa mga taong nakararanas ng pananakit ng leeg at balikat ay maaaring buhat ng maling pustura sa paggawa ng maraming bagay. Malaki ang maitutulong ng pagkakaroon ng breaks upang makapagpahinga. Habang nagpapahinga, maaaring gumalaw-galaw at mag-unat ng mga buto. Dagdag pa rito, maaari mong ayusin ang iyong mesa, upuan, at kompyuter habang nagtatrabaho. 

Alamin ang iba pa tungkol sa orthopedics dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Fiel Tugade · a

advertisement iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

advertisement iconadvertisement
advertisement iconadvertisement