backup og meta

Ano Ang Sexual Disorders, At Ano Ang Maaaring Gawin Tungkol Dito?

Ano Ang Sexual Disorders, At Ano Ang Maaaring Gawin Tungkol Dito?

Ang sexual disorder ay nakaaapekto sa milyon-milyong tao sa buong mundo. Gayunpaman, hindi lahat ng mga tao ay kamalayan dito, kahit na alam ang mga kondisyon na ito. Sa artikulo na ito, tayo ay mag focus sa kung ano ang sexual disorders na katulad ng hypoactive sexual desire disorder at sexual aversion disorder.

Ano Ang Sexual Disorders? HSSD At SAD

Ano ang sexual disorders at mga uri nito? Ang hypoactive sexual desire disorder (HSDD) at sexual aversion disorder (SAD) ay ilan sa pinaka underdiagnosed na uri ng sexual disorders. Ang posibleng paliwanag dito ay dahil ang mga tao ay takot na pag-usapan sa kanilang doktor ang tungkol sa kanilang sex life. Nakararamdam sila ng kahihiyan, o hindi sila komportable na ibahagi ang mga personal na bagay sa ibang tao.

Hindi rin nakatutulong na ang Pilipinas ay isang konserbatibong bansa, at marami sa mga tao ay hindi komportableng pinag-uusapan ang pakikipagtalik, kahit pa na sa kanilang mga doktor.

Gayunpaman, ang sexual disorder ay hindi simpleng umaalis o nawawala kung hindi pag-uusapan. Kaya’t mahalaga na maging maalam at mag ka malay sa mga kondisyon na ito at mga epekto sa mga tao at sa kanilang karelasyon.

Hypoactive Sexual Desire Disorder

Normal sa maraming mga tao na magkaroon ng ibang nais sa pakikipagtalik. Sa ibang mga araw, maaaring maigiting ang iyong pagnanasang sekswal, habang sa ibang mga araw, hindi mo naiisip ang pakikipagtalik o kahit na anong ideyang sekswal.

Ngunit ang isang tao na may hypoactive sexual desire disorder or HSDD ay hindi nakararanas ng kahit na anong pagnanasa o anu pa man. Ito ang malaking problema, lalo na sa mga taong nasa relasyon–dahil bigla na lang nilang mararamdaman na wala silang pagnanasang sekswal para sa kanilang kapareha o kahit na sino.

Ano Ang Mga Criteria Para Sa Disorder Na Ito?

Ang pagdi-diagnose ng HSDD ay kadalasang mahirap, dahil ang mga tao ay may iba’t ibang level ng pagnanasang sekswal. Ito ay tunay lalo na sa mga matatanda o sa mga babaeng nakararanas ng menopause dahil ang kanilang pagnanasang sekswal ay nababawasan sa pagtanda.

Ang kadalasang ginagawa ng doktor ay magtanong at mag siyasat kung anong level ang nararamdaman ng kanilang pagnanasang sekswal. Ito ay nakatutulong sa doktor na magtalaga ng baseline, at magbigay ng ideya kung ang isang tao ay may mas mababang libido, o kung sila talaga ay nakararanas ng HSDD.

Ano Ang Mga Sanhi?

Ang mga sanhi ng HSDD ay iba-iba sa mga tao. Ang mga problema tulad ng diabetes, breast cancer, o hindi balanse na kemikal sa utak ay maaaring direktang responsable sa HSDD. Minsan, maaari rin itong side effect ng isang partikular na gamot.

Ang depression, anxiety, at mababang self-esteem ay maaari ring mga rason para sa isang tao na magkaroon ng HSDD. Sa ibang mga kaso, ang problema sa relasyon ay maaari ring rason bakit nararanasan ng mga tao ang HSDD.

Ang mga menopausal na babae ay mas prone sa HSDD, dahil sa pagbabago ng hormones ng kanilang katawan.

ano ang sexual disorders

Ano Ang Maaaring Gawin Tungkol Dito?

Ang lunas sa HSDD ay kadalasang kabilang ang therapy at couples counselling. Ang pinagbabatayan na sanhi ng HSDD ay kinakailangan ding malaman, at maraming mga uri ng gamutan na mayroon upang malunasan ang kondisyon na ito.

Ano Ang Mga Rason Sa Pagkawala ng Sex Drive?

Sexual Aversion Disorder

Ang sexual aversion disorder o SAD ay pareho ng HSDD. Gayunpaman, ang pinaka pagkakaiba ng isang taong may SAD ay ang tukoy na pag-ayaw o takot sa sekswal na contact.

Ang sintomas na ito ay minsan ay pinalawak sa mga aksyon na hindi naman kabilang ang pakikipagtalik, kundi maging ang physical contact. Ang tao na may SAD ay maaaring ayawan ang pakikipag hawak-kamay sa kanilang kapareha, o kahit na ang paghalik dahil ito ay hahantong sa pakikipagtalik.

Ito ang rason bakit marami ang naniniwalang ang SAD ay malapit sa anxiety disorder kaysa sa sexual disorder.

Ano Ang Mga Criteria Para Sa Disorder Na Ito?

Ang mga tao na may SAD ay tipikal na iniiwasan o takot sa kahit na anong sekswal na contact. Ang isipin pa lang ang pakikipagtalik ay nagdudulot na sa kanila ng distress at anxiety, at mahirap sa kanila na magkaroon ng matagal na karelasyon.

Ano Ang Mga Sanhi?

Ang mga eksperto ay naniniwala na ang traumatic na karanasan noon, tulad ng sekswal na pang-aabuso ay isa sa pinaka rason ng SAD.

Posible rin na ang pagkakaroon ng mataas na level ng anxiety ay isa sa mga salik, ngunit hindi sapat ang mga pag-aaral na isinagawa sa kondisyon na ito upang malaman ang eksaktong mga sanhi.

Ano Ang Maaaring Gawin Tungkol Dito?

Ang lunas sa SAD ay mahirap, ngunit nakahanap ang mga doktor ng behavioral therapy na epektibo. Isa sa mga mahalagang bagay tungkol sa SAD ay mas mahirap itong gamutin sa paglipas ng panahon. At posible sa isang taong may SAD na hindi na malunasan kahit matapos ang gamutan.

Key Takeaways

Para sa maayos na diagnosis ng sexual disorders, kumonsulta sa iyong doktor. Maayos nilang matutukoy, madi-diagnose, at mabibigyan ng planong lunas upang matulungan ka sa iyong kondisyon.

Higit pang alamin ang tungkol sa sekswal na kalusugan dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Hypoactive Sexual Desire Disorder: Understanding the Impact on Midlife Women, https://www.menopause.org/docs/default-document-library/hsddkingsberg.pdf?sfvrsn=2, Accessed December 21, 2020

Hypoactive Sexual Desire Disorder – an overview | ScienceDirect Topics, https://www.sciencedirect.com/topics/pharmacology-toxicology-and-pharmaceutical-science/hypoactive-sexual-desire-disorder, Accessed December 21, 2020

Sexual Desire Disorders, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2695750/, Accessed December 21, 2020

The DSM diagnostic criteria for sexual aversion disorder – PubMed, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/19784769/#:~:text=Sexual%20Aversion%20Disorder%20(SAD)%20is,partner%22%20which%20causes%20distress%20or, Accessed December 21, 2020

Sexual Aversion Disorder, https://labs.la.utexas.edu/mestonlab/sexual-aversion-disorder/, Accessed December 21, 2020

Hypoactive Sexual Desire Disorder, https://www.ashasexualhealth.org/hypoactive-sexual-desire-disorder/, Accessed December 21, 2020

Kasalukuyang Version

06/28/2023

Isinulat ni Bianchi Mendoza, R.N.

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

7 Katanungan Sa Sex Na Madalas Itanong Sa Eksperto!

Maling Paniniwala ng Lalaki sa Sex, Anu-Ano Ba Ito?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Bianchi Mendoza, R.N. · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement