Magkaugnay na mga kondisyon ang Human papilloma virus (HPV) infections at cancer sa cervix (puwerta). Ano ang koneksyon ng HPV at cervical cancer?
Ano Ang HPV?
Ang HPV o human papillomavirus ay isang napakakaraniwang pangkat ng mga virus na nakahahawa ng parehong babae at lalaki. Karaniwan na rin sa mga tao na magkaroon ng isang klase ng HPV infection minsan sa kanilang buhay.
Kadalasan, wala itong ibinibigay na anumang panganib, maliban sa ilang uri nito na kayang magdulot ng genital warts at cancer.
May mga taong nag-aakalang makakukuha ka lang ng HPV sa pamamagitan ng penetrative sex (pagpapasok ng ari), ngunit batay sa mga doktor, hindi ganoon ang kaso.
Dahil nakaaapekto ang HPV sa lalamunan, bibig, at genital area, maaari kang magkaroon nito sa pamamagitan ng:
- pagpapahiram ng sex toys
- skin to skin contact ng genital area
- vaginal, oral (gamit ang bibig), at anal (gamit ang puwet) sex
Dagdag pa, maaari kang mahawaan nito kahit na mayroon ka lamang iisang sexual partner sa tanan ng iyong buhay. Mangyayari ito kung may nakaraang sexual activities ang iyong partner. Sa oras na maging sexually active ka, nasa panganib ka na ng pagkakaroon ng virus na ito.
Ngunit Anong Koneksyon Ng HPV At Cervical Cancer?
Ano Ang Cervical Cancer?
Ang cervical cancer ay isang cancer na nagsisimula sa cervix — isang bahaging nag-uugnay sa vagina at itaas na bahagi ng uterus. Karaniwang naaapektuhan ng cervical cancer ang mga sexually active na babaeng nasa edad 30-45. Gayunpaman, sa ilang mga pagkakataon, nakikita rin ito sa mga babaeng nasa 20s.
Dahil ito ay cancer, maraming risk factors ang dapat ikonsidera. Ilan sa mga ito ang:
- Pagkakaroon ng HIV
- Pagkakaroon ng kondisyong dahilan upang maging mahirap para sa iyong katawan na labanan ang mga problemang pangkalusugan
- Pagiging sexually active kasama ng iba’t ibang partner
- Panganganak nang tatlo o higit pang beses
- Paggamit ng birth control pills sa loob ng lima o higit pang taon
Ngunit ang pinakakaraniwang risk factor sa pagkakaroon ng cervical cancer ay ang HPV.
Ang Koneksyon Ng HPV At Cervical Cancer
Nakabatay talaga sa incidence rates ang koneksyon ng HPV at cervical cancer. Ayon sa cancer.gov, “Ang totoo, lahat ng cervical cancers ay dulot ng HPV.” Ito rin ang salaysay na sinuportahan ng CDC o ang Centers for Disease Control.
Naglabas pa nga ng data ang WHO na nagsasabing na may dalawang uri ng HPV na sanhi ng 70% ng cervical cancers at pre-cancerous lesions sa cervix. Ang mapaminsalang HPV ay ang type 16 at 18.
Ang magandang balita, karamihan sa mga babaeng nadapuan ng HPV ay hindi magkakaroon ng cervical cancer dahil marami dito ay low risk types. Gayunpaman, hinihikayat ng mga doktor ang mga babae na magkaroon ng regular na cervical screening tests.
Gaano Katagal Bago Mauwi Sa Cervical Cancer Ang HPV?
Ngayong malinaw na sa iyo ang kaugnayan ng HPV sa cervical cancer, pag-usapan naman natin ngayon ang isang mahalagang tanong: Gaano katagal bago mauwi sa cervical cancer ang HPV infection?
Ayon sa WHO, karamihan sa HPV infections ay kusang nawawala, at ang majority ng pre-cancerous lesions ay iigi rin kalaunan.
Gayunpaman, hindi dapat magpakakampante ang mga babae. Ito ay dahil palaging may tsansang mahawa ang babae ng high-risk type ng HPV na sanhi ng cancer sa cervix. Kadalasang nagsisimula ito sa abdominal findings ng pap smear. Nakadepende sa immune system ng isang babae at tindi ng HPV ang pag-develop ng cervical cancer.
Maaaring magkaroon ng cervical cancer in 15-20 years ang babaeng may malakas na immune system, habang 5-10 years naman para sa may mahihinang immunity.
Mga Panganib Ng Patuloy Na Pagkakaroon Ng HPV Infections
Ang mga sumusunod na risk factors ay nakaaapekto sa koneksyon ng HPV at cervical cancer. Nakaaapekto ang risk factors na ito sa patuloy na pagkakaroon ng HPV at pag-develop ng cancer sa cervix:
- Paninigarilyo. Kilala rin bilang “cancer sticks” ang sigarilyo dahil maaari itong makapagpataas ng panganib ng pagkakaroon ng maraming klase ng cancer.
- Parity. Ito ang bilang kung ilang beses nang nanganak ang isang babae. Dagdag pa, factor din ang edad ng ina noong nanganak siya sa kanyang panganay.
- Immunity status. Ang mga taong may HIV o anumang kondisyong naglalagay sa kanilang immunity sa panganib ay mas mabilis ang pagkakaroon ng pre-cancer o cancer.
- Co-infection. Nakapagpapataas ng posibilidad ng HPV infection at cervical cancer ang pagkakaroon ng dalawa o higit pang sexually transmitted infections nang sabay.
- HPV types. Hindi lahat ng klase ng HPV ay nakapagdudulot ng cancer. May ilan lamang uri nito ang nakapagpapataas ng panganib.
Paraan Ng Pag-iwas
Ngayong nasa isip mo na ang kaugnayan ng HPV at cervical cancer, ano naman ang mga posibleng paraan upang maiwasan ang parehong impeksyon at cancer? Ipinapayo ng mga eksperto ang mga sumusunod:
- Tumigil sa paninigarilyo.
- Manatiling isa lamang ang sexual partner.
- Gumamit ng latex condom para sa penetrative sex. Tandaang pinabababa lamang nito ang panganib ngunit maaari ka pa ring makakuha ng virus sa iba pang paraan.
- Magpabakuna laban sa HPV.
- Regular na magpatingin sa doktor para sa cervical cancer.
Tungkol Sa HPV Vaccine
Ang pinakamainam na paraan upang maiwasan ang HPV at cervical cancer ay sa pamamagitan ng pagpapabakuna. Binigyang diin ng CDC ang ilang mga bagay tungkol sa HPV vaccine:
Tungkol Sa Cervical Screening
Regular na dapat magpatingin ang isang babaeng nasa edad 21-65 para sa cervical cancer.
May dalawang paraan upang gawin ito:
- Pap smear. Sinusuri ng test na ito ang pre-cancers o pagbabago sa cervical cells na maaaring indikasyon ng pagkakaroon ng cancerous condition.
- HPV test. Sinusuri ng test na ito ang cervical cells upang malaman kung may presensya ng HPV.
Hindi mo kailangang magpantingin gamit ang dalawang test na binanggit. Kung nasa edad kang 21-29, puwede kang kumuha lang ng pap smear test. Kapag normal lang ang resulta, gawin ito isang beses sa isang taon, o isang beses sa isang taon para sa liquid-based cytology. Kung ikaw naman ay nasa edad 30-65, puwedeng magpatingin isang beses sa loob ng isang taon kung normal naman ang resulta ng pap smear. Hanggang 5 taon naman ang HPV screening bago ka muling pabalikin ng doktor upang magpatingin muli. Maaari ka ring magdesisyong magpakuha ng parehong screening tests.
Alamin kung ikaw ay nasa panganib para sa cervical cancer. Sagutin ang screener na ito:
Key Takeaways
Maraming eksperto ang nagbibigay ng malaking pansin sa koneksyon ng HPV at cervical cancer sa isa’t isa. Kung nais mong maiwasan ang cervical cancer, mahalagang iwasan mo rin ang pagkakaroon ng HPV infection.
Matuto pa tungkol sa Sekswal na Kalusugan dito.
[embed-health-tool-bmi]