backup og meta

Ano ang Intersex? Alamin Dito ang Ibig Sabihin Kung Intersex ang Isang Tao?

Ano ang Intersex? Alamin Dito ang Ibig Sabihin Kung Intersex ang Isang Tao?

Isang araw, ang isang malusog na lalaki tinedyer ay nagreklamo tungkol sa pagdurugo ng kanyang ari (penis). Ibinunyag ng doktor sa pamamagitan ng isang ultrasound na ang lalaki  ay may undetected uterus sa katawan. Ito rin ang dahil kung bakit nararanasan niya ang kanyang unang regla. Matapos ng konsultasyon, kinilala siyang bilang isang intersex ng doktor. Ano ang intersex?

Ang intersex ay tumutukoy sa iba’t ibang mga kondisyon kung saan mayroong anumang hindi pagkakatugma sa pagitan ng panlabas at panloob na sex organs ng isang indibidwal, katulad ng mga testes at mga ovary.

Ang terminong “hermaphroditism” ay ginamit upang mailarawan ang kondisyong ito. Ngunit, itinuturing itong lipas na kung kaya pinalitan na ito ngayon ng maraming eksperto, pasyente, at pamilya. Tandaan na ang sanhi ng intersex sa maraming bata ay nananatiling hindi matukoy, kahit na sa mga modernong teknolohiya.

Ano ang Intersex at ang Iba’t ibang Uri Nito? 

Matapos malaman kung ano ang intersex, dumako naman tayo sa apat na kategorya nito: 

46, XX intersex

Ang isang 46, XX intersex ay maaaring magmukhang lalaki sa panlabas at nagtataglay ng external genitals. Subalit, may mga chromosome o mga ovary ng isang babae. Madalas itong nangyayari kapag ang isang babaeng fetus ay na-expose sa labis na male hormones bago ipanganak. Ang labia, o ang mga tupi ng external female genitals ay nagsasama. Lumalaki at nag-iiba ang inaakalang klitoris na parang ari ng lalaki. Maaari pa ring mapanatili ng isang tao ang kanyang matres at ang fallopian tubes sa kapanganakan.

46, XY intersex

A 46, XY intersex ay maaaring mayroong mga chromosome ng isang lalaki, ngunit nagtataglay ng panlabas na ari ng babae, malinaw man to o hindi.  Sa loob, ang mga testes ay maaaring magmukhang normal, malformed, o ganap na wala. Ang pagbuo ng panlabas na ari ng lalaki ay nakasalalay sa balanse sa pagitan ng mga hormone ng lalaki at babae.

True gonadal intersex

Ang true gonadal intersex ay may parehong ovarian at testicular tissues. Maaaring mayroon silang isang ovary at isang testis, o bumubuo sila ng isang parehong gonad na tinatawag na “ovotestis.” Maaaring mayroon silang XX chromosome, XY chromosome, o pareho. Samantala, ang panlabas na ari ay maaaring hindi maliwanag kung panlalaki ba ito, pambabae o mukhang pareho.

Complex o undetermined intersex

Ang ilang intersex na indibidwal ay maaaring magkaroon ng ilang chromosome maliban sa simpleng 46, XX o 46, XY. Ilan sa mga ito ay kinabibilangan ng 45, XO; 47, XXY; 47, XXX; at iba pa. Sa mga kasong ito, ang mga indibidwal ay maaaring magkaroon ng dagdag na sex chromosome, alinman sa dalawa, isang X man o Y.

Bagama’t hindi ito maaaring magresulta sa isang pagkakaiba sa pagitan ng panloob at panlabas ng ari, maaaring maobserbahan ang imbalance sa mga antas ng sex hormone at sekswal na pag-unlad.

Ano ang Intersex at Gaano Kadalas ang mga Intersex Birth?

Nauna ng iminungkahi ni Anne Fausto-Sterling, Propesor ng Biology at Gender Studies sa Brown University, na ang bilang ng intersex borths ay humigit-kumulang nasa 1.7%. Nakakuha ito ng malawak na atensyon mula sa scholarly press at sikat na media. Ngunit, ito ay pinabulaanan naman ng mga bagong iskolar. Kasama na raw sa numero ni Fausto-Sterling ang mga kondisyon na hindi kinikilala sa klinika bilang intersex gaya ng mga sumusunod:

  • Klinefelter syndrome
  • Turner syndrome
  • Late-onset adrenal hyperplasia

Ayon sa isang pag-aaral na inilathala sa Journal of Sex Research, ang terminong intersex ay dapat na mahigpit na ginagamit lamang sa mga kondisyon kung saan ang mga chromosome ng sex ay hindi naaayon sa mga pisikal na katangian ng kasarian tulad ng panloob at panlabas ng ari. Sa kahulugang ito, iniulat ng pananaliksik na mayroong humigit-kumulang 0.018% na intersex births, isang daang beses na mas mababa kaysa sa pagtatantya ni Fausto-Sterling.

Ano ang Intersex at Normal Ba Ito?

Ang World Health Organization (WHO) ay maingat sa paglalagay ng label sa mga kondisyon bilang normal o abnormal. Kaya naman, palagi nilang sinusuri at inaalis ang mga pangalan at code mula sa International Classification of Diseases (ICD). Maaaring magdiskrimina ang ilang partikular na termino laban sa mga minoryang sekswal at kasarian.

Gayunpaman, ang mga pagkakaiba-iba ng intersex ay inilarawan pa rin sa ICD bilang isang “disorder of sex development.” Ito ay nangangahulugan na mayroon pa ring mga hindi kinakailangang medikal na pamamaraan na nauugnay sa pagtatalaga ng kasarian upang matugunan ang mga inaasahang heteronormative o tradisyonal na pananaw kung ano ang lalaki at babae. Itinuturing ng mga tagapagtanggol ng karapatang pantao ang mga pamamaraang ito bilang nakakapinsala. Nakikita rin nila ang mga ito bilang isang paglabag sa mga karapatang pantao sa walang diskriminasyon, privacy, integridad ng katawan, at kalayaan mula sa eksperimento.

Inirerekomenda ng isang artikulo na inilathala sa journal ng Health and Human Rights na dapat baguhin ng WHO ang mga ICD code na ito. Sa halip, gumamit na lamang ng mga neutral na termino upang matiyak na walang karapatang pantao ang nalalabag.

Pagtugon sa Kalituhan

Naniniwala ang mga mananaliksik na ang mga intersex na indibidwal ay stigmatized. Ito ay dahil ang pangkalahatang pagtingin sa sex ay tradisyonal na tinitingnan bilang binary. Ito ay nangangahulugang ng dalawang magkasalungat lamang. Gayunpaman, ayon sa Gender Spectrum, ang isang sex binary ay nabigong makuha kahit ang biyolohikal na aspeto ng kasarian. Ang Gender Spectrum ay tumutulong upang lumikha ng gender-sensitive at inklusibong mga kapaligiran para sa lahat ng bata at kabataan.

Marami pa ring debate tungkol sa mga medikal na pamamaraan na may kaugnayan sa pagtatalaga ng kasarian at kung paano pinakamahusay na matugunan ang isyu ng intersex. Iminumungkahi ng mga modernong iskolar ang isang diskarte na nakabatay sa pahintulot kung saan iminumungkahi nilang hintayin ang isang bata na nasa tamang edad upang makapagbigay ng legal na pahintulot sa kung nais niyang sumailalim sa mga gender-assignment procedures. 

Alamin ang iba pa tungkol sa Sekswal na Kaayusan dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

How common is intersex? a response to Anne Fausto-Sterling, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/12476264/ Accessed September 9, 2021 

Intersex Variations, Human Rights, and the International Classification of Diseases, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6293350/ Accessed September 9, 2021 

Understanding gender diversity and the search for identity, https://bewell.stanford.edu/understanding-gender-diversity-and-the-search-for-identity/ Accessed September 9, 2021 

Intersex, https://medlineplus.gov/ency/article/001669.htm Accessed September 9, 2021 

The Body, The Self, https://hms.harvard.edu/magazine/lgbtq-health/body-self Accessed September 9, 2021 

Kasalukuyang Version

04/30/2023

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jezreel Esguerra, MD


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Iba't-ibang Uri Ng Contraception

Sex vs. Gender: Ano Ang Pagkakaiba Ng Dalawang Ito?


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement