Tumutukoy ang gender identity sa personal na palagay sa pagiging lalaki, babae, o iba pang gender. Ang gender expression naman sa kabilang banda ay tumutukoy sa kung paano ipahahayag ng isang tao ang kanyang identidad pagdating sa panlabas na katangian tulad ng pananamit, kilos, pagsasalita, at marami pang iba. Ang terminong “transgender” ay ang pangkalahatang katawagang tumutukoy sa mga taong ang gender identity at expression ay hindi kapareho ng kanilang kasarian pagkapanganak. Ano ang female to male transition? Maraming transgender ang sumasailalim sa prosesong tinatawag na “transitioning”, kung saan nagiging babae ang lalaki, o nagiging lalaki ang babae. Tingnan pa nating maigi ang proseso ng transition mula sa pagiging babae patungo sa pagiging lalaki.
Ano ang Transitioning?
Tumutukoy ang transitioning sa proseso ng pag-adopt ng pisikal na katangian ng kabaliktarang kasarian upang mabago ang iyong hitsura at nararamdaman, at maging miyembro ng gender identity mo. Maaaring gawin ang transitioning sa medikal, sosyal, at legal na paraan. Maaari din itong tumukoy sa proseso ng female to male transition, o vice versa.
Isang komplikadong proseso ang transitioning at nagkakaiba-iba ang mga karanasan ng mga transgender depende sa tao. Kadalasang nagsisimula ang transitioning ng mga transgender sa pamamagitan ng “paglalantad” o ang pag-amin o pagsasabi ng kanilang gustong gender sa mga taong panatag silang kasama. Saka sila magsisimulang gumawa ng maliliit na pagbabago sa kanilang gawi o kilos at ipagpapatuloy ito hanggang sa sila ay makapagmedikal na transition. May ilang transgender na hindi nagpapamedikal na transition, habang ginagawa naman ito ng iba. Walang tama o maling paraan ng transitioning.
Ano ang iba’t ibang uri ng Transitioning?
Maaaring gawin ang transitioning sa medikal, sosyal, at legal na paraan.
Tumutukoy ang Medical transitioning sa paggamit ng hormone therapy at gender-affirming surgical procedures. Halimbawa, ang mga babaeng nais na makilala bilang lalaki ay maaaring tumanggap ng testosterone therapy at mga surgical treatment tulad ng mastectomy upang tanggalin ang kanilang mga suso.
Ang terminong social transitioning ay tumutukoy sa isang pagbabago sa panlabas na katangiang pisikal at paggamit ng nais nilang gender pronoun. Ilan sa mga halimbawa ng social transitioning ang cross-dressing, pagbabago ng estilo ng buhok, paggamit ng mga gender pronoun na kadalasang tinatawag sa kabaliktarang kasarian upang tukuyin ang kanilang sarili. Kabilang din sa social transitioning ang paglalantad sa mga kaibigan at kapamilya, at pagbabago ng kanilang pangalan.
Panghuli, kabilang sa legal transitioning ang proseso ng pagbabago ng iyong gender sa mga government at identity document. Kabilang dito ang iyong birth certificate o pasaporte upang makita roon ang gender na nais mo.
Ano ang mga mapagpipilian para sa medical transitioning?
Maaaring kabilang sa male to female transition process ang:
- Estrogen therapy upang magbigay ng mga katangian ng pagiging babae tulad ng mas kaunting pagtubo ng buhok sa mukha, at redistribution ng taba sa balakang at mga suso
- Breast augmentation surgery upang magkaroon ng mga suso
- Facial feminization surgery upang magkaroon ng mas babaeng mukha
- Laser hair removal
- Tracheal shave upang mas mapaliit ang Adam’s apple
Ano ang female to male transition? Maaaring kabilang sa female to male transition process ang:
- Testosterone therapy upang magbigay ng katangian ng pagiging lalaki tulad ng paglaki ng muscle at pagtubo ng buhok sa mukha
- Chest reconstruction, “top surgery,” o mastectomy (pagtatanggal ng breast tissue)
- Hysterectomy at salpingo-oophorectomy o ang pagtatanggal ng mga pangunahing reproductive organ tulad ng matris, fallopian tubes, at mga obaryo.
- Phalloplasty o ang surgical construction ng penis
- Bagaman may mga taong nakapagtatransisyon sa sosyal at medikal na paraan, pinipili lang ng ibang magtransisyon sa sosyal na paraan ngunit hindi sa medikal na paraan. May mga tao ring nagtatransisyon sa medikal na paraan na gumagamit lamang ng mga hormonal therapy. At may mga taong pinipiling sumailalim lamang sa tiyak na mga surgical procedure. Sa dulo nito, nakadepende pa rin sa tao ang lahat.
Key Takeaways
Matuto pa tungkol sa Seksuwal na Kaayusan dito.