Mahiwagang bagay ang pagiging magulang at ang isang kasabihan na pwedeng marinig na angkop dito; sa pagkakaroon ng kapangyarihan, kakambal nito ang malaking responsibilidad. Dahil ang pagiging isang magulang ang nagbibigay sa isang tao ng pagkakataon na patnubayan ang isang bata. Partikular sa tamang direksyon at pagtuturo ng wastong ugali sa kalusugan.
Maaaring gamitin ang 5 healthy habits sa kalusugan upang mas magpatibay mo pa ang malusog na habits sa ngayon at sa hinaharap. Pwede mo ring ibahagi sa’yong anak para sa mas malusog na pamumuhay.
7 Ugali sa Kalusugan na Maaaring Ituro sa Anak
1. Gawing masaya ang pagkain
Ang pagkain ng isang malawak na hanay ng colorful foods ay mahusay na pag-uugali para sa’yo at sa iyong mga anak. Sapagkat, marami itong benepisyong pangkalusugan pagdating sa nutrisyon, Ibig sabihin, pwedeng maiwasan ang pagsisimula ng mga sakit at kondisyon na may kaugnayan sa hindi magandang pagpili ng pagkain.
Nag-aalok ang British Heart Foundation ng isang magandang breakdown ng iba’t ibang colored foods na maaari isama sa mga pagkain. Kung saan, tumutulong ito upang palawakin ang mga batang panlasa.
Hindi rin dapat mag-alala kung hindi ikaw ang pinakamahusay na tagapagluto. Dahil hindi mo naman kailangan na laging magbigay ng “rainbow of foods” sa mga plato ng iyong anak. Sapagkat, ang pagpapakain ay tungkol sa pagmo-moderate ng foods at magagawa ito sa pamamagitan ng pagsasama ng mga prutas at gulay. Ang ganitong klaseng paraan ay makakatulong para mapunta ka sa tamang direksyon ng pagkain.
2. Maghapunan bilang isang pamilya
Maaaring madalas na hindi nagaganap ang paghahapunan bilang isang pamilya. Dahil sa iba’t ibang mga kadahilanan. Tulad ng may trabaho ang magulang o iba ang schedule ng iba pang miyembro ng pamilya. Gayunpaman, huwag hayaang pigilan ka nito sa pagsisikap na maging masaya sa isang family dinner. Lalo na kung may pagkakataon na magkasama-sama kayo bilang pamilya. Sapagkat, lubhang mahalaga ito para sa pagpapalaki ng isang bata.
Ang pag-upo para kumain sa family dinner nang magkakasama ay nagdudulot ng mas mahigpit na pagbubuklod ng pamilya. Tumutulong ito sa mga bata na maging mas maayos — at binibigyan ka nito ng pagkakataong matiyak na ang iyong anak ay kumakain ng masustansyang pagkain. Malaki rin ang nagiging ambag nito para sa pagbawas ng posibilidad ng labis na katabaan.
Huwag kalimutan ang bagay na ito bilang isang malusog na ugali sa kalusugan!
3. Maging aktibo
Hindi lahat ng bata ay gusto ang sports at pisikal na aktibidad — at isa itong katotohanan. Gayunpaman, malamang na mayroong ilang uri ng aktibidad na pwedeng makakuha ng kanilang atensyon.
Bilang isang magulang, kapag nalaman mong nag-e-enjoy sila sa anumang aktibidad/sport na ito, hikayatin silang manatili dito; makakatulong ito sa kanila na mas madaling manatiling malusog at aktibo.
Nakakatulong ang pagiging regular na aktibo sa pagtulog at pagdebelop ng bata sa kanilang pisikal at mental na kalusugan. Kung saan, bumubuo ito ng isang healthy trifecta na dapat isama sa buhay ng bawat anak habang lumalaki sila.
Ngunit, dapat din tandaan na iba-iba ang bata. Maaaring hindi sila maging aktibo hanggang sa huli ng kanilang pagkabata. Kaya huwag silang pilitin sa ayaw nila. Subalit, bilang magulang nariyan ka upang mag-alok ng suporta at payo sa anak. Gawin ang lahat ng magagawa mo para i-expose ang iyong anak. Dahil baka dumating din ang araw na sila na mismo ang humingi ng payo kaugnay sa mga bagay na ito.
4. Huwag manindigan para sa laging nakaupo na pamumuhay o sedentary lifestyle
Hindi dapat laging nakaupo ang bata. Ito ang isang bagay na mahalagang ituro sa kanila. Dahil ayon sa pananaliksik ng Mayo Clinic, nasa mataas na risk na magkaroon ng iba’t ibang isyu sa kalusugan ang batang laging nakaupo at nanonood ng higit sa dalawang oras ng TV bawat araw. Narito ang mga sumusunod na problemang pangkalusugan na pwede nilang harapin:
- Obesity
- Nababawasan ang pagganap sa edukasyon
- Mga problema sa pagharap sa emosyonal at panlipunang mga sitwasyon, pati na rin ang mga attention disorder
- Disturbed sleep
- Nabawasan ang oras na ginugol sa paglalaro
5. Hikayatin ang pagbabasa araw-araw
Ang pagbuo ng malakas na mga kasanayan sa pagbabasa nang maaga hangga’t maaari ay mahusay para sa hinaharap ng iyong anak. Napakahalagang kasanayan nito, sapagkat dadalhin nila ito sa kanilang buong buhay. Sa kabila rin ng lahat ng teknolohiya sa panahong ito, ang isang classic paper book ay ang pinakamahusay na paraan upang matuto.
Nakakatulong ang pagbabasa sa paghikayat sa pagpapahalaga sa sarili, mga relasyon sa pamilya at mga kaibigan — at kapaki-pakinabang para sa overall success habang lumalaki ang iyong anak.
Dalhin ang pagbabasa bilang bahagi ng isang mahalagang gawain sa oras ng pagtulog. Kung saan, isa ito sa tutulong sa kanila na paunlarin ang kanilang mga kasanayan — at makapagbigay-daan din para masiyahan sa kalidad ng kanilang pagtulog.
Heto Ang Dalawa Pang Mahahalagang Tips!
6. Ugali sa kalusugan: Makihalubilo sa kanilang mga kaibigan
Sa pangangalaga at pagtuturo ng wastong ugali sa kalusugan. Mahalaga rin na malaman ang mga sumusunod na iba pang tips. Dahil kinakailangan din na mapangalagaan ang mental at emotional health ng isang tao, ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ng Clinical Child and Family Psychology Review, ang pagkakaroon ng mga kaibigan at pakikipagkaibigan ay parehong mahahalagang elemento ng pagiging bata — at sa pagkakaroon ng malusog na pag-unlad sa yugto ng school-age ng anak.
Tandaan na ang pastime ng pakikipaglaro sa mga kaibigan ay nagbibigay sa mga bata ng pagkakataong turuan ang kanilang sarili sa kung paano kumilos at bumuo ng mga kasanayang panlipunan kabilang ang komunikasyon, pakikipagtulungan, at paglutas ng problema.
Dapat mong hikayatin ang iyong anak na makipagkaibigan at makipaglaro rin sa kanilang mga kaibigan. Ang mga kasanayang na kanilang mabubuo ay maaari nilang gamitin, paunlarin at magamit habang sila’y tumatanda.
7. Ugali sa kalusugan: Manatiling positibo
Maaaring maaalala ng marami sa’tin ang mahahalagang bahagi ng kanilang buhay. Sa dami na pwedeng pagdaanan ng tao, malalaman mong lubos kung gaano kadaling masiraan ng loob sa mga bagay-bagay sa buhay. Lalo na kung hindi sumasang-ayon ang lahat sa iyong plano.
Gayunpaman, bilang isang magulang, maipapakita mo sa’yong mga anak kung gaano kabisa ang pagiging “resilient” — at kung paano mananatiling positibo. Kung saan, pwede itong makatulong sa pagharap ng mga problema sa buhay.
Ang pagkakaroon ng isang malakas na pakiramdam ng pagpapahalaga sa sarili — at isang optimistikong balangkas ng pag-iisip ay nagmumula sa pagtuturo sa’yong mga anak na sila ay may kakayahan, kamahal-mahal at unique.
Sa pamamagitan ng 5 malusog na ugali sa kalusugan. Kasama ang dalawang additional tips na ito. Ipagpatuloy ang iyong tungkulin bilang isang magulang, Gawin itong masaya at memorable para sa inyong pamilya at sarili!
Matuto pa tungkol sa Pagiging Magulang dito.
Orihinal na lumabas ang kuwentong ito sa Edamama at muling ginamit nang may pahintulot:
https://www.edamama.ph/discover/play-learn/7-healthy-habits-every-child-should-learn
[embed-health-tool-vaccination-tool]