Karaniwan sa ina at ama na gustuhin ang mabuti para sa anak. Ngunit, paano kung hindi nila namalayan na sila ay toxic na magulang na? Sa totoo lang, mahirap sagutin ang tanong na ito. Lalo na kung wala namang intensyon ang magulang na mapahirapan ang kanilang supling. Subalit, sa mga ilang pagkakataon, maaaring ginugusto pa rin ng anak ang kanilang magulang — nang hindi nila namamalayan na may toxic parents na pala sila.
Ang pagkilala sa toxic na magulang — at pag-alam kung ginagaya na ba ang kanilang pag-uugali – ay pwedeng maging mahirap. Sapagkat, anuma’t anuman ang mangyari, magulang mo pa rin sila. Kung nabuhay ka nang may hindi malusog o mapang-abusong pag-uugali sa buong buhay mo. Maaaring mahirap sabihin kung mayroon kang toxic na magulang o wala. Tingnan natin ang hindi malusog na pag-uugali ng magulang.
Hindi malusog na mga pattern ng pag-uugali sa pamilya
Pwedeng negatibong makaapekto sa buhay ng isang tao ang unhealthy pattern ng pag-uugali nito sa loob ng pamilya. Mayroong tendensiya na maulit ito kapag nagkaroon ng sariling pamilya ang taong iyon. Minsan, hindi nauunawaan ng mga magulang at tagapag-alaga ang konsepto ng “unhealthy” at ilang family dynamics. Kung minsan pa, hindi rin nila alam kung paano baguhin ang mga ito. Sa totoo lang, mahalagang tandaan ang mga pattern na ito upang magkaroon ng kamalayan sa bagay na ito. Para maiwasan din ang pag-uulit nito sa hinaharap.
Ang dysfunctional families ay madalas nagpapakita ng mga sumusunod na pattern:
Mga adiksyon
Hindi maitatanggi na may mga magulang na dumaranas ng adiksyon. Mga pagkagumon na malakas makaimpluwensya sa iba pang miyembro ng pamilya. Ang mga ito ay pwedeng magpakita sa anyo ng adiksyon sa droga, alkohol, kahalayan, pagsusugal, labis na pagtatrabaho, o labis na pagkain.
Karahasan
Ang pisikal na karahasan ay isang paraan ng pagkontrol na pwedeng gamitin ng isa o parehong magulang. Maaaring violent punishment ito sa mga bata. Kung saan, itinuturing din na isang uri ng karahasan ang takot sa galit na pagsabog ng mga miyembro ng pamilya.
Pagsasamantala o Exploitation
Sa hindi malusog na pag-uugali na ito. Ang bata ay pinagsamantalahan ng isa o parehong mga magulang. Itinuturing sila bilang pag-aari na ang layunin ay upang matugunan ang kanilang mga pisyolohikal at/o emosyonal na pangangailangan. Isa sa karaniwang halimbawa nito ay ang paggamit ng mga magulang sa kanilang anak bilang retirement plan.
Kakulangan ng Suporta
Gusto mo ba ng magulang na tinutulungan ka sa’yong mga problema?
Mayroong mga pagkakataon na hindi maiiwasan na magkulang sa suporta ang magulang. Dahil sa iba’t ibang factors. Subalit, sa oras na nagbabanta at sadyang ipinagkait na ang suporta at pangangalaga sa anak — pisikal, pinansyal o emosyonal man. Dito na pumapasok ang malaking problema at pagiging toxic na magulang.
Pagiging Controlling
Ang mga bata ay pwedeng makaranas ng labis at malakas na kontrol ng awtoritaryan. Mula sa alinman sa isa o parehong mga magulang. Sa maraming kaso, ang mga pamilyang ito ay mahigpit na sumusunod sa isang partikular na paniniwala — relihiyon, pulitika o personal. Makikita sa ganitong mga pamilya, ang pagsunod ng bata sa lahat ng mga patakaran — at pagtugon sa lahat ng inaasahan.
Halimbawa: Dapat na sumailalim ang mga batang babae sa fixed marriage, kahit labag sa loob nila.
Mahalagang tandaan, na hindi dahil umiiral ang mga pattern na ito sa loob ng isang pamilya — ay dysfunctional na sila. Ngunit, malaki ang papel nito sa pagtukoy kung ang pamilya ba’y toxic o dysfunctional. Partikular sa lawak at antas ng mga pattern.
Dysfunctional na Pamilya
Mayroong dysfunction sa pamilya kapag ang unhealthy patterns ay humahadlang sa isang bata na maramdaman niyang ligtas siya — minamahal at inaalagaan. Kapag ang unhealthy pattern na ito ay nagresulta sa pinsala, mental burden at emosyonal na kaguluhan. Ito ay nakakaapekto sa child’s choices ng isang bata sa buhay. Maging sa kung paano sila makikipag-ugnayan sa ibang tao. Narito ang ilan sa mga malinaw na senyales at pag-uugali ng dysfunctional families.
Pangongontrol
Ang parental control ay kadalasang pinakakaraniwang tanda ng dysfunctional family structures. Maaaring patuloy na ikumpara ng magulang ang mga bata sa isa’t isa at paglabanin sila — partikular sa aspeto ng pag-ibig. Bilang karagdagan na rin sa dependency, ang kawalan ng privacy ay isang mahalagang element of control.
Ayon sa mga nag-ulat sa pag-aaral, ang mga nagsabi na sinalakay ang kanilang privacy noong bata pa sila — at hinihikayat ang dependency — ay mas malamang na magkaproblema sa kanilang pag-aaral, kaligayahan at kagalingan.
Pwedeng maging dahilan ng kawalan o kakulangan ng kumpiyansa sa sarili ang bata na hindi pinalaki para gumawa ng sarili nilang desisyon. Lalo’t kailangan nila ang lakas ng loob para sa kanilang trabaho at pag-aaral.
Substance Abuse
Ang mga pamilyang apektado ng pag-abuso sa droga at/o paggamit ng droga ay may posibilidad na magtatag ng panuntunan, tungkulin — at relasyon na nakasentro sa pag-abuso sa alkohol at/o iba pang mga sangkap.
Kung saan, may partikular na tungkulin din na madalas gampanan ang mga miyembro ng pamilya. Tulad ng pagiging enabler at scapegoats.
Ginagawa ng mga enabler ang lahat ng kanilang makakaya. Para makapagbigay ng maayos na takbo sa tahanan. Kahit nagaganap na ang pag-abuso sa droga. Ang scapegoat, sa kabilang banda naman ay isang miyembro ng pamilya — na kumikilos upang ilihis ang atensyon sa mga problema sa bahay.
Perfectionism
Mayroong mga ilang toxic na magulang na perfectionist. Sinasabi na pwede silang makalikha ng magulong buhay. Napakahirap para sa kanila na tanggapin ang kabiguan, pagdating sa kanilang mga anak at pamilya.
Pwedeng magresulta ng kabawasan ng pagiging mapaglaro at asimilasyon ng kaalaman sa mga bata. Ang pagiging masyadong concern tungkol sa pagiging perpekto. Ito’y maaaring maging sanhi ng isang pangmatagalang negatibong epekto.
Sa pagiging perfectionist, pwede ito na magparamdam sa tao ng pagiging hindi sapat. Dahil sa constant source ng mga negatibong emosyon.
Masyadong Kritikal
Ito ay lalong mahirap para sa mga bata na makayanan ang pamumuna at verbal abuse. Lalo na kung hindi angkop at sobra ang pagsasagawa nito sa anak. Pwedeng lumaki ang bata na krini-criticize ang itsura, katalinuhan, halaga, o kanilang kakayahan. Mayroong iba’t ibang anyo ng kritisismo. Ang ilan sa mga ito ay direkta, habang ang iba naman ay mild tulad ng panunukso.
Anuman ang paraan ng paghahatid nito, pwede itong magkaroon ng negatibong epekto sa pagpapahalaga sa sarili at pag-unlad. Lalo’t mali ang paraan at sobra ang pamumuna.
Kawalang-interes
Ang mga miyembro ng dysfunctional family ay nagpapakita ng kawalan ng empatiya sa isa’t isa. Minsan nagiging mapanghusga ang mga magulang, sa halip na mahalin ang kanilang mga anak.
Ang isang dysfunctional parent ay pwedeng gumamit ng galit o panunuya. Nawawala ang pang-unawa sa damdamin ng anak. Dahilan para mapadama sa bata ang pagkakasala o pagkapahiya. Naiisip ng mga bata ang mga negatibong damdamin. Kapag ang kanilang mga magulang ay hindi nagpapakita sa kanila ng emosyonal na empatiya.
Key Takeaways
Mapapansin na ang ilang mga magulang ay maaaring magpakita ng unhealthy pattern, tulad ng mga adiksyon, karahasan, pagsasamantala, kawalan ng suporta — at pagkontrol. Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang pamilya ay hindi gumagana o dysfunctional.
Mapapansin na ang mga pattern na ito ay humahadlang para maramdaman ng bata ang kaligtasan, pagmamahal at pag-aalaga. Ang impact ng unhealthy patterns na ito ay makakaapekto sa kanilang pamumuhay — at kung paano sila makikipag-ugnayan sa iba.
Matuto pa tungkol sa Pagiging Magulang dito.
[embed-health-tool-vaccination-tool]