backup og meta

Ligtas na Bahay para sa Preschooler, Paano Masisigurado?

Ligtas na Bahay para sa Preschooler, Paano Masisigurado?

Sa simulang gumapang ang iyong baby — at lalo na kung nagsimula na silang maglakad – mayroon ka nang maliit na explorer sa bahay. Gamit ang kanilang bagong abilidad, maghahanap ang iyong baby sa bawat sulok ng bagong adventure. Dahil dito, kailangan na gawin ng mga magulang na ligtas na bahay para sa preschooler ang kanilang bahay. Narito ang ilang tips upang mapanatili ang bahay na ligtas para sa mga preschoolers.

Sa pisikal, anong magagawa ng mga toddler?

Bago natin isa-isahin ang mga praktikal na tips sa pagpapanatili na ligtas ang bahay para sa mga preschoolers, tingnan muna natin kung ano ang mga nagagawa ng baby sa stage na ito. Mas makatutulong sa iyo ang pag-unawa sa kanilang abilidad sa pagkilos upang malayo sila sa panganib.

Ayon sa mga eksperto, karamihan ng mga toddlers (1-3 taon) ay maaari nang:

  • Pakainin ang kanilang mga sarili, na may kaunting tapon
  • Mahusay sa paglalakad
  • Tumakbo, umikot, o maglakad pabalik
  • Umakyat ng hagdan (at maglakad pabalik)
  • Magsimulang mag pedal ng bisikleta o mag maniobra ng tricycle
  • Magsuot ng damit na may tulong ng iba

Gamit ang mga pangkabuoang milestones na ito, makikita na ng mga magulang kung anong bahagi ng bahay ang magiging mapanganib para sa kanilang baby. Halimbawa, ang pag-akyat sa hagdan ay indikasyon din na kaya nilang kumuha ng stool, tumuntong dito at kumuha ng kung ano sa lamesa o counter.

5 Tips sa pagpapanatiling ligtas ang bahay para sa toddlers

Narito ang ilang direktang mga praktikal na paraan upang maging ligtas ang bahay para sa toddler:

1. Linisin ang counter at gumamit ng safety latches at lock

Tanggalin ang maliliit na gamit mula sa counters na maaaring maabot, tulad ng butones, coins, matatalim na gamit tulad ng kutsilyo. At mga maaaring nakalalasong substances tulad ng panlinis, at maging ang mga gamot.

Itago ang mga gamit na ito sa cabinet at gumamit ng latches at locks na hindi kayang mabuksan ng isang toddler.

2. Maglagay ng safety gates o bakod

Sa lalong madaling panahon, ang iyong baby ay aakyat-baba na sa hagdan. Upang maiwasan ang aksidenteng pagkahulog, lagyan ng mga safety gates o bakod. Gayunpaman, pumili ng maayos na produkto. Hangga’t maaari huwag gumamit ng mga may gap na malaki na kakasya ang ulo ng baby.

Tandaan

Maaari ka ring maglagay ng safety gates sa mga kwarto kung saan ayaw mong pumasok ang bata, tulad ng banyo (na maaari silang madulas o mahulog sa tub), sa kusina (upang hindi sila lumapit kung ikaw ay nagluluto o nagpapakulo ng tubig), at sa basurahan.

3. Maglagay ng corner bumper at outlet covers

Isa pang mahalagang tip upang mapanatiling ligtas ang bahay para sa mga toddlers ay gumamit ng mga corner bumpers at outlet plates.

Ang mga corner bumper ay pangharang sa mga kanto ng cabinet, drawers, at lamesa upang maging malambot. Hindi natin maiiwasan ang pagkauntog ng mga bata ngunit mababawasan nito ang sakit. Siguraduhin na pumili ng bumper na nananatili sa mga furniture.

Ang paglalagay ng outlet covers ay pag-iwas na makuryente ang baby. Pumili ng outlet plates at covers na hindi agad matatanggal ng mga bata. Mahalaga rin na pumili ng malaki upang hindi isubo ng mga bata.

ligtas na bahay

4. Inspeksyunin ang matataas at malalaking furniture

Upang maging ligtas na bahay para sa preschooler ang iyong bahay, kailangan mong siguraduhin na ang mga matataas at malalaking furniture ay matitibay at hindi matutumbahan ang iyong baby. 

Ang tipikal na senaryo ay kung ang bata ay umakyat upang abutin ang kung ano, at ang kanilang bigat ay naging dahilan para matumbahan sila ng furniture. Upang maiwasan itong mangyari, inspeksyunin ang mga furniture.

Mayroong mga mabibiling devices na maaaring ilapat ang mga furniture sa lapag at sa wall para sa karagdagang seguridad.

5. Itali nang maayos ang mga cords at ropes 

Maaaring mangyari ang pagkasakal kung ang toddler ay naglalaro ng cords at ropes. Dahil dito, kailangan na ikutin ang mga ribbons at ropes. Itali ito nang maayos at ilagay ito malayo sa mga baby. Itali ang mga mahahabang strings tulad ng curtain cords, at siguraduhin na hindi nila ito maaabot at hindi madaling matatanggal ang pagkakatali.

Huling paalala

Maliban sa mga tips na ito, ang ligtas na bahay para sa preschoolers ay pag-alala sa golden rule: huwag ilayo ang iyong baby sa iyong paningin habang naglalaro. Kung kailangan mong gumawa ng mga gawaing bahay, ilagay sila sa ligtas na bahagi ng bahay tulad ng playpen kung saan hindi sila makakalabas.

Matuto pa tungkol sa Toddler Milestones dito.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Childproofing Your Home- 12 Safety Devices To Protect Your Children
https://www.cpsc.gov/safety-education/safety-guides/kids-and-babies/childproofing-your-home-12-safety-devices-protect
Accessed January 25, 2021

Toddlers (1-2 years of age)
https://www.cdc.gov/ncbddd/childdevelopment/positiveparenting/toddlers.html#:~:text=Developmental%20milestones%20are%20things%20most,of%20themselves%20and%20their%20surroundings.
Accessed January 25, 2021

Toddlers (2-3 years of age)
https://www.cdc.gov/ncbddd/childdevelopment/positiveparenting/toddlers2.html
Accessed January 25, 2021

Toddler/Preschooler Safety Tips
https://www.urmc.rochester.edu/childrens-hospital/safety/age-tips/toddler-safety.aspx
Accessed January 25, 2021

Child safety at home
https://raisingchildren.net.au/toddlers/safety/home-pets/home-safety
Accessed January 25, 2021

Developmental milestones record
https://medlineplus.gov/ency/article/002002.htm#:~:text=Rolling%20over%2C%20crawling%2C%20walking%2C,8%20months%20in%20some%20children.
Accessed January 25, 2021

Kasalukuyang Version

12/02/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jezreel Esguerra, MD


Mga Kaugnay na Post

Pisikal Na Milestones Ng Preschooler: Mga Dapat Tandaan Ng Magulang

Hindi Pa Naglalakad Ang Iyong Anak? Heto Ang Posibleng Dahilan


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement