backup og meta

Magandang Asal Ng Bata: Paano Ito Masisigurado Ng Mga Magulang?

Magandang Asal Ng Bata: Paano Ito Masisigurado Ng Mga Magulang?

Isa sa pinakamahirap na parte ng pagiging magulang ay ang pagdidisiplina sa anak. Sa isang banda, maaaring napakahirap humindi sa iyong anak, o pagsabihan sila. Sa kabilang banda, ang pagtatakda ng mga limitasyon at mga alituntunin para sa magandang asal ng bata ay nagtuturo sa kanila kung ano ang ligtas na gawin at hindi ligtas na gawin sa iba’t ibang mga lugar tulad ng bahay, paaralan at publikong lugar.

Paano gumawa ng mga limitasyon at alituntunin para sa magandang asal ng bata?

Narito ang ilang mahahalagang bagay na dapat tandaan kapag nagtatakda ng mga limitasyon at alituntunin para sa iyong anak.

Magpakatotoo

Una, huwag kalimutan na ang iyong anak ay bata pa. Marami silang mga dapat matutunan, at likas sa kanila na alamin at gawin ang mga bagay na gumigising sa kanilang pagkamausisa. Ibig sabihin, natural para sa kanila na hindi agad sumunod sa ilan sa mga panuntunan at alituntunin mo. Bilang karagdagan, puede silang mag-explore ng kanilang paligid habang sumusunod sa ng limitasyon.

Maging makatotohanan, at alamin na kung minsan ang iyong anak ay medyo makulit, o sumuway sa iyo. At iyon ay okay lang! Hindi ito ginagawa ng iyong anak dahil sa kabaliwan, likas lang sa kanila na sumubok at subukan ang kanilang mga hangganan para makita kung hanggang saan sila makakarating.

Purihin ang iyong anak

Kung ang iyong anak ay gumawa ng isang mabuting bagay, o sinusunod ng mabuti ang iyong mga tagubilin, ipaalam sa kanila at purihin ang magandang asal ng bata. Palaging kilalanin ang magagandang ginagawa bilang isang halimbawa ng isang positive reinforcer o isang motivation na nagpapatibay sa pag-uugali. Pinaparamdam nito sa kanila na mahal sila, at nagbibigay din ito sa kanila ng fulfillment at satisfaction na nagawa nila ang isang bagay nang maayos.

Habang lumalaki ang iyong anak, tiyak na maa-appreciate niya na pinupuri mo siya sa magagandang bagay na ginagawa niya. Ito ay nagtuturo na maging mapagpasalamat at mapagpahalaga sa lahat.

Huwag silang sigawan

Isang mahalagang bagay na dapat iwasan ay ang pagsigaw sa anak. Kung minsan ang mga bata ay maaaring magkaroon ng tantrums, o mga sandali kung saan talagang ayaw nilang huminahon o madisiplina.

Bilang isang magulang, ito ay maaaring maging lubhang nakakabigo, lalo na kung ikaw ay pagod dahil sa trabaho o dahil ikaw ay nag-aalaga sa iyong pamilya. Gayunpaman, dapat mong tandaan na ang iyong anak ay hindi pa ganap na kontrol sa kanilang mga damdamin.

Ang mga bata ay madaling sumpungin dahil hindi nila alam ang pinakamaayos na paraan para ipahayag ang kanilang mga damdamin. Kaya’t para harapin ito, dapat mong subukan at iwasan ang pagsigaw, dahil ito ay nagpapalala lamang ng mga bagay, at puedeng maging sanhi ng pagkabalisa ng anak.

Kung nakakaramdam ka ng galit o frustration, maglaan ng ilang sandali para huminahon bago bumalik sa iyong anak. Palaging kausapin sila ng mahinahon, matatag, at magalang sa tuwing sinusubukan mong disiplinahin sila. Tinutulungan nito ang mga bata na huminahon at sumunod sa mga utos, at maging modelo ng tamang pagtuturo ng emosyon mula sa mga magulang.

Maging maunawain

Panghuli, mahalagang maging maunawain. Hindi laging alam ng mga bata ang mga kahihinatnan ng kanilang mga aksyon. Bukod pa rito, ang mga bata ay hindi sumusuway sa kanilang mga magulang dahil ayaw lang nila, o dahil sila ay “masama” lamang.

Subukang tumingin ng mas malalim at alamin ang kung bakit hindi sinusunod ng iyong anak ang mga rules mo. Marahil ang mga ito ay kailangang ayusin batay sa kanilang paglaki o emotional needs. Anuman ito, subukan ang iyong makakaya para mas na maintindihan ang kanilang mga pangangailangan at kagustuhan.

Ano ang mga benepisyo ng disiplina?

Ang pagtatakda ng mga limitasyon para sa iyong anak ay maaaring magkaroon ng maraming benepisyo.

  • Ito ay nagtuturo sa kanila na maging mas responsable at maingat sa kanilang mga aksyon.
  • Maaari silang matutong sumunod sa mga patakaran at regulasyon sa iba’t ibang mga setting.
  • Ito ay nagtuturo sa kanila na maging magalang sa iba.
  • Tinutulungan sila na maging mas malaya.
  • Nakakatulong ang disiplina sa pagtatakda ng layunin, at pinapanatili nitong nakatuon ang iyong anak sa kanilang mga layunin.
  • Tinutulungan din nito ang mga bata na maging mas matatag ang damdamin.
  • Nakakatulong ang disiplina na mapabuti ang motivation.
  • Naiiwasan nila ang mga distraction.

Sa pamamagitan ng pagtuturo ng magandang asal ng bata sa murang edad, matutulungan mo silang makuha ang mga benepisyong ito habang sila ay tumatanda.

Key Takeaways

Napakahalaga ng disiplina pagdating sa mga bata. Kailangang bigyan ng mga magulang ang kanilang anak ng istraktura, at turuan sila ng tamang paraan para gawin ang mga bagay, pati na rin ang mga tamang uri ng pag-uugali at magandang asal ng bata. Hinahayaan nito na lumaki silang responsable, magalang, at motivated na matatanda.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Discipline for Young Children: Setting LimitsThe Center for Parenting Education, https://centerforparentingeducation.org/library-of-articles/baby-through-preschool-articles/limit-setting/, Accessed November 24, 2020

Discipline and Limit Setting • ZERO TO THREE, https://www.zerotothree.org/resources/199-coping-with-defiance-birth-to-three-years, Accessed November 24, 2020

Setting Boundaries For Your Toddler – 14 Helpful Tips | BellyBelly, https://www.bellybelly.com.au/toddler/setting-limits-toddler/, Accessed November 24, 2020

4 Types of Limits That Children Need – Hand in Hand Parenting, https://www.handinhandparenting.org/2017/03/types-of-limits-kids-need/, Accessed November 24, 2020

Stop! 5 Easy Steps To Effective Limit Setting With Toddlers – Regarding Baby, https://www.regardingbaby.org/2011/10/11/stop-5-easy-steps-to-effective-limit-setting-with-toddlers/, Accessed November 24, 2020

Guidelines for Setting Limits With Your Toddler – Center for Children and Youth, https://ccy.jfcs.org/guidelines-for-setting-limits-with-your-toddler/, Accessed November 24, 2020

Kasalukuyang Version

01/24/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyu ng Eksperto Jessica Espanto, LPT, MA, RPsy

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Babyproofing ng bahay, paano ba ito ginagawa?

Batang maagang nabuntis at nanganak sa edad na 5 taon! Kilalanin!


Narebyu ng Eksperto

Jessica Espanto, LPT, MA, RPsy

Psychology · In Touch Community Services


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement