backup og meta

Masama Ba Ang Baby Talk Sa Development Ni Baby?

Masama Ba Ang Baby Talk Sa Development Ni Baby?

Maraming tao ang hindi makatiis sa pag-“baby talk” sa isang sanggol, lalo na kapag nakikita mo ang kanilang malalaman na mga pisngi at ngiti. Gayunpaman, sinasabi ng ilan na ang paggamit ng baby talk sa mga sanggol ay nakakapinsala sa pagsasalita at lenggwahe ng isang bata. Masama ba ang “baby talk” para sa mga sanggol? Alamin dito.

Una, Ano ang Baby Talk?

Sa kahulugan, ang ibig sabihin ng “baby talk” ay ang pakikipag-usap sa isang sanggol o bata sa paraan na tinutugma ng nakatatanda ang pagsasalita ng bata o sanggol sa isang binago o hindi perpektong paraan. Gayunpaman, ang kahulugang ito ay masyadong malabo, dahil ipinahihiwatig nito na ang anumang bagay na walang kabuluhan at ang mabagal at paulit-ulit na pagsasalita ay itinuturing na baby talk.

Ito ang dahilan kung bakit nakaisip ang mga eksperto ng iba pang termino tulad ng “parentese” at “infant-directed speech.” Hindi tulad ng baby talks, ang parentese o infant-directed speech ay makakatulong sa pagsasalita at pag-unlad ng wika ng isang bata.

Parentese o Infant-Directed Speech: Hindi Pangkaraniwang  Baby Talk

Parentese ay tumutukoy sa baby talk na gumagamit ng normal na wika nang mas simple. Sa madaling salita, gumamit ka ng mga totoong salita sa tamang gramatika na paraan, ngunit dapat mo ring:

  • Magsalita ng mas mabagal
  • Gumamit ng mas maikling pangungusap
  • Sabihin ang mga salita nang paulit-ulit
  • Palakihin ang tono ng iyong boses
  • Gumawa ng mas malaking ekspresyon ng mukha

Dahil kahit sino, kabilang ang mga estranghero at maliliit na bata, ay maaaring gumawa ng parentese, mas gusto na ngayon ng mga eksperto ang terminong infant-directed speech.

Masama ba ang Baby Talking para sa mga Sanggol?

Wala kaming sapat na data upang kumpirmahin kung ang baby talking ay masama para sa mga sanggol. Ngunit ayon sa mga mananaliksik mula sa France at Japan, ang mga magulang ay mas nahihirapan makipag-usap ng malinaw sa kanilang anak tuwing sila ay sumusubok makipag-usap ng maayos sa kanilang anak.

Gayunpaman, maraming mga eksperto ang naniniwala na ito ay nakasalalay parin sa uri ng pag-baby talk.

Halimbawa: isang pag-aaral ang nagsiwalat na ang mga anak ng mga magulang na gumamit ng parentese ay gumawa ng mga tunay na salita, gaya ng “saging” at “gatas” ng dalawang beses nang mas madalas kaysa sa mga bata na ang mga magulang ay hindi gumagamit ng parentese.

Higit pa rito, sinabi ng isang pananaliksik na ang mga salitang nagtatapos sa “y,” gaya ng “tummy” at “mommy,” gayundin ang mga salitang umuulit ng mga tunog, gaya ng “choo choo,” ay maaaring makatulong sa mga sanggol na matukoy ang mga salita sa pagsasalita.

Natuklasan nila na ang mga sanggol na nalantad sa mga maliliit at paulit-ulit na salita na ito ay nagkakaroon ng kanilang wika nang mas mabilis sa pagitan ng 9 at 21 buwan⁴.

Isawsaw ang Iyong Baby sa Mga Pag-uusap

Ayon sa isang Mini Parenting Class tungkol sa baby talk, sinabi ni Dr. Marina Kalashnikova na gusto ng mga sanggol ang infant-directed speech dahil ito ay nagsisilbing isang spotlight—ibig sabihin sa kabila ng maraming tunog sa kanilang paligid, nabibigyang pansin nila ang taong kumakausap sa kanila ng masigla.

Kaya, ano pa ang maaari mong gawin upang matulungan ang pagsasalita at pag-unlad ng wika ng iyong sanggol? Sinasabi ng mga eksperto na dapat mo silang isali sa mga usapan.

Kausapin ang iyong sanggol tuwing sila ay naglalaro o naliligo. Maaari ring makipag-usap sa kanila habang gumagawa ng mga gawaing pambahay, tulad ng pagwawalis sa sahig o paghuhugas ng mga plato.

Tandaan na gawin itong isang two-way na pag-uusap. Kung magsasabi sila ng isang salita, maaari mo itong ulitin o magdagdag ng iba pa. Halimbawa: kung sasabihin nilang “mama,” maaari mong sabihin sa kanila, “Oo, nagluluto si mama.”

Panghuli, huwag kalimutang kausapin sila tungkol sa mga bagay na interesado sila. Ilarawan ang kanilang mga laruan, kantahin ang kanilang mga paboritong kanta, at purihin ang kanilang pagsisikap na makipag-usap.

[embed-health-tool-child-growth-chart]

Pangunahing Konklusyon

Masama ba ang baby talk para sa mga sanggol? Kailangan pa natin ng higit pang pag-aaral para masagot ang tanong na ito. Sinasabi ng ilang mananaliksik na ang mga nasa hustong gulang ay madalas na magsalita nang hindi gaanong malinaw kapag nakikipag-usap sa mga sanggol, ngunit ang ibang mga papel ay nagsasabi naman na nakakatulong ang baby talk.

Sa pangkalahatan, sumasang-ayon ang mga eksperto na ang pagsali ng  mga sanggol sa mga usapan ay nakatutulong sa kanilang pagsasalita at pag-unlad ng wika.

Matuto pa tungkol sa Toddler and Preschool Development dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Mothers’ “Baby Talk” Is Less Clear Than Their Adult Speech
http://www.psychologicalscience.org/news/releases/mothers-baby-talk-is-less-clear-than-their-adult-speech.html
Accessed July 23, 2021

Not just ‘baby talk’: Parentese helps parents, babies make ‘conversation’ and boosts language development
https://www.washington.edu/news/2020/02/03/not-just-baby-talk-parentese-helps-parents-babies-make-conversation-and-boosts-language-development/
Accessed July 23, 2021

Baby talk: Mini Parenting Master Class
https://www.unicef.org/parenting/child-development/baby-talk-class
Accessed July 23, 2021

Baby talk words build infants’ language skills
https://www.sciencedaily.com/releases/2018/08/180801102605.htm
Accessed July 23, 2021

Talking and play: babies
https://raisingchildren.net.au/babies/play-learning/play-baby-development/talking-play-babies#what-to-expect-from-baby-talking-and-language-nav-title
Accessed July 23, 2021

Kasalukuyang Version

04/13/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Pumili ng Preschool? Heto ang mga Bagay na Dapat Ikonsidera

Paano Tulungan ang Visually Impaired na Bata? Alamin Dito


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement