backup og meta

Development At Paglaki Ng Toddler: Alamin Dito Ang Wastong Development

Development At Paglaki Ng Toddler: Alamin Dito Ang Wastong Development

Ang toddler ay isang bata na nasa edad 12 buwang gulang hanggang 36 buwang gulang. Sa ganitong edad, ang development at paglaki ng toddler ay napakahalaga upang matiyak na walang magiging problema sa paglaki ng iyong anak.

Sa bahaging ito, inirerekomenda na mabisita ng iyong anak ang kanilang pediatrician nang hindi bababa sa isang beses sa isang taon para sa kanilang regular na check-up at upang subaybayan ang kanilang bakuna.

Sa yugto ng sanggol, ang pisikal na development at paglaki ng toddler ay bumabagal ngunit ang kanilang kasanayan sa kognitibo, wika, at motor ay uunlad nang mabilisan at tuloy-tuloy.

Ang pagbibigay sa kanila ng suporta at masiglang kapaligiran ay lubos na makatutulong sa iyong anak na makamit ang lahat ng katagumpayan sa kanyang mga pagdadaanan sa pagdebelop ng kanyang paglaki. Maaari itong gawing posible sa pamamagitan ng positibong pakikipag-ugnayan ng mga taong nakapaligid sa kanya.

Wastong Development at Paglaki ng Toddler: Tips para sa mga magulang 

May ilang milestones sa 5 area ng paglaki ng bata na kailangan mong tingnan habang ang iyong sanggol ay lumalaki sa bawat taon. Ito ay pisikal, emosyonal at sosyal, wika, kognitibo, at pandama at motor skills

Ang 5 Bahagi ng Development at Paglaki ng Toddler

Narito ang maikling listahan ng mga pangunahing bagay na dapat gawin ng iyong anak sa kanyang mga taon bilang isang toddler.

Tandaan na ang bawat kagustuhan ng bata ay may kanya-kanyang panahon. Ang pagtataya sa development at paglaki ng toddler ay maaaring makatulong na matukoy kung nasaan na ang estado ng iyong anak, walang dapat ipag-alala kung wala pa sila sa inaasahan.

Kaya kung hindi pa nila nagagawa ang ilang mga bagay sa panahon na susukatin na ang pag-unlad at paglaki ng bata, ay hindi ka dapat mabahala. 

Kung sa pagtatapos ng kanilang mga taon bilang isang toddler, at hindi pa rin nila nakakamit ang mga kasanayang ito, maaari kang sumangguni sa kanilang pediatrician tungkol sa posibleng pagkaantala sa kanilang pag-unlad.

1. Kasanayang Pampisikal na Pag-unlad (Physical Skills Development) 

 Ang pisikal na pagbabago sa iyong anak ay babagal sa yugtong ito. Kung siya ay lumaki 3 hanggang 5 inches noong siya ay isang sanggol pa lamang patungo sa pagkabata, sa pagkakataong ito, ang kanilang pisikal na pag-unlad ay nakatuon sa pagdaragdag ng lakas at koordinasyon. 

2. Kasanayang Pang -emosyonal na Pag-unlad (Emotional at Social Skills Development )

 Ang kakayahan ng iyong anak na ipahayag ang kanyang damdamin, partikular na ang kanyang kasiyahan, pagkabigo, galit, at pagmamahal ay nabubuo sa yugtong ito. Matututuhan niyang magsanay ng pagpipigil sa sarili (self-control). Nauunawaan na niya ang konsepto ng pagyayakapan, pagsasabi ng paalam, at iba pang emosyon. At huli, sa edad na ito niya matututuhang magbahagi sa iba at maghintay para sa kanyang pagkakataon. 

3. Kasanayang Pangwika na Pag-unlad (Language Skills Development)

 Ang mga panahon sa pagkabata ay ang oras na maunawaan ng iyong anak ang kabuuang gamit ng wika. Kapag siya ay natuto nang magsabi ng pakiusap at salamat. Napagkukumpara na rin niya tamang gamit ng salita sa pagitan ng pagtawag lamang sa isang bagay sa ngalan nito. 

4. Kasanayang Kognitibo na Pag-unlad (Cognitive Development Skills)

 Sa bahaging ito umuunlad ang kakayahan ng iyong anak upang malutas ang mga problema. Ito rin ang oras na magsisimula na ang iyong anak na makilala ang mga pamilyar na tao, bagay, at mga lugar. Matututuhan niyang gamitin ang kanyang imahinasyon at magsisimula na siyang mag-isip at maunawaan ang mga titik, simbolo, kulay, at mga bilang.

5. Kasanayang Pandama na Pag-unlad (Sensory at Motor Skills Development )

Bahagi ng Pagtataya sa Development at Paglaki ng Toddler ang pagsusuri ng mga kasanayan ng iyong anak. Ito’y tumutukoy sa kakayahan ng iyong anak na abutin at hawakan ang maliit na bagay, ilipat ang mga pahina ng isang libro, hawakan ang krayola at doodle. Ito ay tungkol sa paggamit ng mga maliliit na muscle sa kanyang mga kamay at mga daliri.

Mga paraan upang matulungan ang paglaki ng iyong sanggol 

Bilang isang magulang, may ilang mga bagay na maaari mong gawin upang matulungan ang iyong anak sa pagtataya ng development at paglaki ng toddler . Ang una ay tiyakin na sila ay nananatiling malusog.

Sa halip na bigyan sila ng matatamis na kendi, ay bigyan sila ng purong gatas at tubig sa lahat ng pagkakataon. Samahan ang mga ito ng gulay at prutas upang makuha nila ang kanilang pang-araw-araw na dosage ng go, grow, at glow foods.

Pahintulutan siyang maging aktibo at bawasan ang oras ng tv o gadget. Kung nais ng iyong anak na na magkaroon ng gawain na may kinalaman sa pagtakbo, pag-akyat, pagtalon, o pagsipa, bigyan siya ng ligtas na espasyo upang gawin ang lahat ng ito nang sa gayon ay maaari niyang gugulin ang kanyang lakas habang umuunlad ang kanyang koordinasyon at lakas ng kalamnan.

Ang pagtitiyak na ang isang bata ay nakakakuha ng tamang oras ng pagtulog sa gabi, ay makatutulong sa kanilang mood at napalakakas ang kanilang enerhiya upang tuklasin ang mundo sa paligid niya.

Ang iba pang mga bagay na maaari mong gawin para sa pagtataya ng development at paglaki ng Toddler ay ang sumusunod:

  • Basahan sila ng mga libro araw-araw. 
  •  Ang mga board games na angkop na sa edad ng iyong anak ay magbibigay puwang sa iyo na maka-bonding sila habang itinuturo sa kanya ang mga bagay-bagay. Maglaro ng mga “matching games” o “name me that color or body part”
  • Higit na tumugon sa kanilang mabubuting pag-uugali, kaysa sa mga asal na hindi mo nais linangin niya. 
  •  Hikayatin siya na tumuklas.

Mga paraan upang mapanatiling ligtas ang iyong toddler 

Dahil ang iyong toddler ay higit na makatutuklas ng kanyang paligid, kailangan mong tiyaking magkakaroon siya ng ligtas na espasyo.

Makatutulong din ito sa kanya na maramdamang siya ay ligtas habang tumutuklas at napalalakas ang kanyang development assessment. Narito ang ilang mga tips upang panatilihing ligtas ang iyong anak:

  • Maglagay ng socket protector sa lahat ng inyong sockets sa bahay. Dahil ang mga bata ay laging namamangha, maaari nilang ipasok ang kanilang mga daliri sa loob ng socket at makuryente. 
  •  Humiga sa sahig na para kang magpu-push up. Itaas ang iyong ulo at tumingala ngunit ang iyong mga balikat ay nasa nakababa pa rin sa lapag. Makikita mo ang mga bagay sa pananaw o perspektiba ng iyong anak at makikita mo ang posibleng panganib na hindi mo makikita mula sa iyong karaniwang pagtingin.
  • Ilayo at itago ang lahat ng mga gamit panlinis ng bahay, mga bagay na may lason, at mga gamot. Maaaring magkamali ang iyong anak at ituring ito bilang kendi o bagay na pwedeng kainin. 
  • Kailanman ay huwag iwanan ang iyong anak na mag-isa kahit na sandali at kahit na sa tingin mo ay ligtas siya. Maaaring maaksidente ang iyong anak sa isang iglap lamang. 
  • Gawing ligtas sa bata ang inyong lugar sa pamamagitan ng pagkandado ng mga pinto na maaaring humantong sa kanila patungo sa mapanganib na lugar gaya ng garahe o gate. Kung mayroon kang hagdanan, siguraduhin na ito ay may harang at hindi maaaring mapuntahan ng iyong anak.
  • Huwag iwanan ang iyong anak malapit sa tubig Ang pagkalunod ay ang pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga bata sa ganitong edad.

Key Takeaways

Tandaan na ang bawat bata ay maaabot ang kani-kanilang milestones sa kanilang tamang panahon at maaari itong maiba mula sa iba pang mga bata. Mayroon din namang mga milestones kung saan siya ay mauuna sa kanyang mga kaedad, ang ilan ay sa tamang oras, at ang ilan nama’y maaaring mahuli. Kaya naman mahalaga na regular na dumaan sa pagtataya sa development at paglaki ng toddler. 
Kung may mga pagkaantala sa pagdebelop o may mga alalahanin, laging kumonsulta sa iyong pediatrician dahil ang pagtataya sa development at paglaki ng toddler. ay isang mahalagang bahagi ng kanilang pangkalahatang kalusugan.
Ang iyong anak ay natututo nang mag-isa o maging malaya at tuklasin ang mundo sa paligid niya. Hikayatin siya at panatilihing ligtas sa lahat ng oras. Sa pagtatapos ng araw, ikaw at ang iyong pag-ibig na higit na kailangan ng iyong anak upang makatulong sa kanyang paglaki at pangangailangan sa pag-unlad.

Matuto ng higit pa tungkol sa Toddler and Preschooler Growth and Development dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Toddler (2-4 years) https://www.northshore.org/pediatrics/ages-and-milestones/toddler–2—4-years/ Accessed July 7, 2020

Toddler (1-2 years of age) https://www.cdc.gov/ncbddd/childdevelopment/positiveparenting/toddlers.html Accessed July 7, 2020

What is child development and what skills do children develop at different ages http://www.howkidsdevelop.com/developSkills.html Accessed July 7, 2020

Toddler https://www.healthychildren.org/English/ages-stages/toddler/Pages/default.aspx Accessed July 7, 2020

Toddler development https://medlineplus.gov/toddlerdevelopment.html Accessed July 7, 2020

Toddler (1-2 years of age) https://www.cdc.gov/ncbddd/childdevelopment/positiveparenting/toddlers.html Accessed July 7, 2020

Toddler Growth and Development https://www.verywellfamily.com/toddler-growth-and-development-4157378 Accessed July 7, 2020

Growth and Development of Toddlers https://www.drugs.com/cg/normal-growth-and-development-of-toddlers.html Accessed July 7, 2020

Growth and your 1-2 year old https://kidshealth.org/en/parents/grow12yr.html Accessed July 7, 2020

Water Safety factsheet https://www.cdc.gov/homeandrecreationalsafety/water-safety/waterinjuries-factsheet.html Accessed July 7, 2020

 

Kasalukuyang Version

03/15/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Pumili ng Preschool? Heto ang mga Bagay na Dapat Ikonsidera

Paano Tulungan ang Visually Impaired na Bata? Alamin Dito


Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement