backup og meta

Ano Ang Reggio Emilia, At Paano Ito Makatutulong Sa Iyong Anak?

Ano Ang Reggio Emilia, At Paano Ito Makatutulong Sa Iyong Anak?

Ang preschool at primary education ay dalawa sa pinakamahalagang taon sa paaralan ng isang bata. Maraming available na paraan ng pagtuturo na makakatulong sa development ng bata, gaya ng Reggio Emilia Approach.

Reggio Emilia Approach: Child-led Learning

Ang Reggio Emilia approach ay binuo ng pedagogist at psychologist na si Loris Malaguzzi pagkatapos ng World War II. Ito ay nilikha sa pakikipagtulungan sa mga magulang mula sa Reggio Emilia sa Italy. Kalaynan, ito na rin ang ang naging tawag sa approach na ito.

Ang early education method na ito ay nilikha, upang ang mga bata ay matuto ayon sa kanilang mga interes, kakayahan, at karanasan. Kung ano ang Reggio Emilia approach ay nakabatay sa karanasan, nakabatay sa laro, at child-led learning.

Tungkol saan ang approach ng Reggio Emilia?

Ang Reggio Emilia ay naniniwala na ang mga bata ay magpapatuloy at masisiyahan sa pag-aaral kapag mayroon silang kalayaan na pumili kung ano at paano matututo sa halip na sabihan kung ano ang gagawin.

Ang approach ay gumagamit ng mga sumusunod na learning methods:

Play-based learning

Ito ay tungkol sa pag-set up ng isang kapaligiran kung saan ang mga bata ay maaaring matuto at bumuo ng iba’t ibang mga kasanayan. Pero ang kaibahan ay ginagawa nila ito sa pamamagitan ng paglalaro.

Nakabatay sa karanasan na pag-aaral

Ito ay tumutulong sa mga bata na matuto at mahasa ang kanilang mga kakayahan sa pamamagitan ng first-hand experience. Ang pamamaraang ito ay mas epektibo kaysa sa pagtuturo sa mga bata na ipilit sa kanila na makinig sa pananaw ng ibang tao.

Child-led learning

Ito ay isang mahalagang aspeto ng ano ang Reggio Emilia Approach. Ito ay dahil ang ganitong uri ng pag-aaral ay tungkol sa kalayaan ng mga bata na pumili kung ano ang matututunan kung kailan ito matututuhan, at kung gaano nila katagal mananatili ang kanilang atensyon sa isang partikular na paksa.

Mga pangunahing prinsipyo ng Reggio Emilia Approach

Ngayong may kaalaman na tayo kung ano ang Reggio Emilia approach, heto ang mga prinsipyo nito:

Ang bata

Ang approach ay naniniwala na ang mga bata ay maaaring matuto nang mag-isa sa pamamagitan ng pure curiosity, pag-explore, at pagkamalikhain.

Tulad ng konsepto ng “100 Languages of Children”, iginiit ng approach na maraming paraan ang mga bata na epektibong maipahayag ang kanilang sarili.

Hinihikayat nito ang mga bata na gamitin ang bawat materyal na magagamit upang epektibong maipakita ang kanilang mga kakayahan at uniqueness.

Ang mga guro at magulang

Ang mga guro at magulang ay nariyan lamang upang makinig at magmasid. Mahalagang hayaan nila na ang mga bata na magbigay daan sa kanilang sariling pag-aaral.

Gayunpaman, ipinapayong makipag-ugnayan ang mga magulang at guro sa mga bata kung kailangan nila ng tulong. Halimbawa na rito ay kung gusto nilang idokumento ang progress ng mga bata. Pati na rin kung gusto nilang hikayatin ang mga bata na ituloy ang kanilang mga interes.

Dapat ding magtulungan ang mga guro at magulang sa pagpapaliwanag ng mga kumplikadong paksa ng mga aktibidad sa mga bata.

Ang kapaligiran bilang ikatlong guro

Nagbibigay ang ano ang Reggio Emilia sa mga bata ng isang learning environment kung saan malaya silang matututo at mapapaunlad ang kanilang mga kakayahan.

Dapat na malawak, bukas at kumpleto sa iba’t ibang uri ng mga tool at materyales ang isang indoor setting. Ang pagkakaroon ng mga materyal na ito ay maaaring makatulong na mapalakas ang pagkamausisa at pagkamalikhain ng mga bata.

Kasinghalaga rin ng isang indoor setting ang mga outdoor setting. Dahil maraming likas na yaman ang makukuha sa labas, magagamit ng mga bata ang mga ito upang higit na pasiglahin ang kanilang pag-unlad.

Dokumentasyon

Ang dokumentasyon ay ang paraan ng tagapagturo upang ipakita kung paano gumagawa ang mga bata.

Isang paraan ng pagpapakita sa mga bata na mahalaga ang kanilang trabaho ay sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga larawan ng kanilang mga proyekto at pagpapakita sa kanila ng mga video ng kanilang mga nakaraang aktibidad.

Sa pamamagitan ng mga ito, makikita ng mga bata ang resulta ng kanilang trabaho, at magkakaroon din sila ng ideya kung saan pa sila mapapabuti.

Gumagamit ang mga guro ng dokumentasyon para malaman ang mga kahinaan, kalakasan, ideya ng mga bata, at gamitin ito para suportahan ang kanilang pag-aaral sa hinaharap.

Mga benepisyo ng Reggio Emilia Approach

Narito ang mga pagkatuto na ibinibigay ng Reggio Emilia approach sa mga bata:

  • Nagiging competent ang mga bata sa paglutas ng mga problema.
  • Mas nakikibahagi sila sa kanilang kapaligiran at komunidad.
  • Nagiging mas bukas ang mga bata sa mga bagong karanasan at ideya.
  • Nagagawa nilang pagbutihin ang mga social skills.
  • Nasisiyahan ang mga bata sa pag-aaral at nagiging mas sabik na matuto.
  • Naipapahayag nila ang kanilang mga damdamin, mga kaisipan, at pagiging natatangi nang may kumpiyansa at tikas.

Ang Reggio Emilia ay nakatuon sa kakayahan ng mga bata na matuto nang mag-isa. Gayunpaman, magiging epektibo lamang ito kung ang mga magulang at guro ay aalamin kung kailan dapat makikipag-ugnayan sa mga bata.

Key takeaways

Ang Reggio Emilia approach ay isang mahusay na paraan ng pag-aaral para sa mga bata. Lalong lalo na kung nagsisimula pa lang silang matuto ng mga bagong bagay na hindi sila pamilyar. Ito ay makakatulong sa mga bata na matuto nang higit pa tungkol sa kanilang sarili. Bukod dito, sila pa ay natuturuan na maging mas may alam sa kanilang kapaligiran.

Ito rin ay makatutulong sa mga bata na bumuo ng kanilang mga kasanayan at kakayahan. Makakatulong rin ito sa mga magulang na malaman ang halaga ng pagpayag sa kanilang mga anak na mag-explore nang mag-isa habang ginagabayan sila sa bawat hakbang ng paraan.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Reggio Emilia Approach https://study.com/academy/lesson/reggio-emilia-approach-theory-method-examples.html Accessed September 30, 2020

What is the Reggio Emilia Philosophy https://www.tsc.nsw.edu.au/tscnews/what-is-the-reggio-emilia-philosophy Accessed September 30, 2020

An Introduction to the Reggio Emilia Approach https://www.invitationstoplay.org/post/2018/04/09/an-introduction-to-the-reggio-emilia-approach Accessed September 30, 2020

What is the Reggio Emilia Approach? https://childdiscoverycenter.org/non-traditional-classroom/what-is-the-reggio-emilia-approach/ Accessed September 30, 2020

Kasalukuyang Version

01/23/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyu ng Eksperto Danielle Joanne Villanueva Munji, OTRP

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Paano Pumili ng Preschool? Heto ang mga Bagay na Dapat Ikonsidera

Paano Tulungan ang Visually Impaired na Bata? Alamin Dito


Narebyu ng Eksperto

Danielle Joanne Villanueva Munji, OTRP

Occupational Therapy · Kids' S.P.O.T. Learning and Therapy Center, Inc.


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement