Ang mga magulang ay madalas na nag-aalala kapag ang kanilang anak ay mukhang tahimik at mahiyain. Ngunit habang may ilang mga kakulangan, ang pagiging mahiyain ay mayroon ding ilang mga benepisyo. Ano ang mga benepisyo ng batang mahiyain, at paano mo sila matutulungang malampasan ito?
Mahiyain kumpara sa Introversion: Pareho ba Sila?
Ang mga salitang “shy” at “introvert” ay ginagamit na magkapareho ng ilang tao. Ngunit ayon sa mga eksperto, may malaking pagkakaiba sa pagitan nila.
Ang mga introvert na bata ay gustong gumugol ng oras mag-isa. Masaya silang naglalaro ng mga laruan o nagbabasa ng libro nang walang kasama.
Magkaiba ang batang mahiyain o behaviorally inhibited na mga bata. Kapag tiningnan mo sila at nakita ang kanilang trademark na mahiyaing ngiti, madaling malaman na gusto nilang makipag-ugnayan sa iba. Gayunpaman, ang atensyon at pakikipag-ugnayan sa mga tao ay maaaring maging stress para sa kanila.
Sinasabi ng mga eksperto na ang pagkamahiyain ay maaaring nang makita sa mga sanggol na 4 na buwan. Ang ilang mga sanggol ay tumitingin sa mga bagong laruan o nakikinig sa mga bagong himig nang may pagkamangha at pananabik. Sa kabilang banda, ang ilang mga sanggol ay tumutugon nang may pagkabalisa: pag-arko ng kanilang likod at pag-iyak.
Ang mga sanggol na ganito ang pag-respond ay maaaring lumaki nang may behavioral inhibition o pagkamahiyain. Ito ay dahil ang kanilang pagiging sensitibo sa mga bagong bagay ay maaaring isalin sa pagiging sensitibo sa mga bagong social interactions.
Ang Pagiging Mahiyain ay Hindi Nagdudulot ng Language Delays
Bago natin simulan ang pagtalakay sa mga benepisyo ng batang mahiyain, may isang bagay na dapat nating malaman: ang pagkamahiyain ay hindi nagiging sanhi ng anumang uri ng language delay.
Ayon sa mga eksperto, ang mga mahiyaing bata ay maaaring makaranas ng mga problema sa pagsasalita, ngunit walang mga isyu sa kanilang kakayahang magsalita. Bukod pa rito, natuklasan ng mga mananaliksik na ang mga batang behaviorally inhibited ay maaari pa ring maunawaan kung ano ang sinasabi mo sa kanila.
Sinasabi ng mga eksperto na para sa mga mahiyaing bata, ang kaso ay higit pa sa senaryo na “Alam ko, ngunit hindi ko sasabihin” kaysa sa sitwasyong “Hindi ko alam at hindi ko kaya”.
Ang mga benepisyo ng batang mahiyain
Ang behavioral inhibition ay may ilang mga hadlang, tulad ng nababawasan ang socialization time at pagtaas ng panganib na magkaroon ng social anxiety. Ngunit ayon sa mga eksperto, mayroon din itong ilang mga benepisyo tulad ng sumusunod:
-
Ang mga mahiyaing bata ay mahusay na tagapakinig
Dahil ang pakikipag-usap ay napakabigat para sa mahiyaing bata, likas sa kanila na makinig muna. Sa katagalan, sila ay nagiging mabubuting tagapakinig. Sa hinaharap, maaaring silang maging mahusay sa pakikipag-usap.
-
Maingat ang mga batang mahiyain
Ang mga batang mahiyain, na natural sa kanila, ay maingat at mas nakaayon sa mga banta sa kapaligiran. Mas nagiging mahusay silang team player dahil sa kanilang maingat na kilos. Sinasabi ng mga eksperto na ang anumang grupo ay makikinabang sa pagkakaroon ng mga taong may iba’t ibang level ng vitality o enthusiasm.
-
Ang mga mahiyaing bata ay may mas masiglang inner thoughts
Panghuli, ang isa sa mga pinakamahusay na benepisyo ng batang mahiyain ay maaaring magkaroon sila ng mas masiglang inner thoughts. Maraming bagay ang naglalaro sa kanilang isipan, at kasabay nito, maaari nilang tanggapin ang mga nangyayari sa kanilang paligid nang walang problema.
Paano sila himukin na maging sociable
Kailangan mo bang mag-alala sa pagiging mahiyain ng iyong anak? Sa pangkalahatan, hindi dapat.
Maraming mahiyain na bata ang lumalaking capable adults na higit pa sa pagsasalita sa harap ng tao ang magagawa. Marami sa kanila ay naging mahusay na mga pinuno. Ngunit bilang mga kabataan, kailangan nilang maging sociable.
Paano mo matutulungan ang isang bata na malampasan ang pagkamahiyain? Ayon sa mga eksperto, ang susi ay nakasalalay sa social experience. Pahintulutan at hikayatin ang iyong anak na lumahok sa mga party, laro, at iba pang social activities.
Tandaan na ang isang batang mahiyain ay maaaring sumali at magsaya sa social activities. Kailangan lang nilang mag-warm up.
Kaya naman kapag ipinakilala mo sila sa mga tao, iwasang sabihin na nahihiya sila dahil baka isipin ng mga tao na ayaw makisali ng iyong anak.
Sa halip, bakit hindi sabihin sa kanila na ang iyong anak ay medyo matagal mag-adjust? Sa ganitong paraan, malalaman ng ibang mga bata na maaari silang makipaglaro sa iyong anak. At hindi nila mapagkakamalan ang pagiging tahimik ng iyong anak na ayaw makipagkaibigan.
Kapag Iba Na ang Pagkamahiyain
Kahit na may mga benepisyo ang pagkamahiyain, tandaan na bantayang mabuti ang ilang red flags. Ito ay dahil ang pagkamahiyain o pagiging masyadong tahimik o pag-iwas ay maaaring isang senyales ng developmental concern.
Halimbawa, ang pag-ayaw sa eye contact ay maaaring isang tanda ng autism. Gayundin, ang pagpapakita ng pagkadismaya dahil hindi nila maipahayag ang gusto nilang sabihin sa iyo ay maaaring nagpapahiwatig ng language delay.
Kung sakaling ang pagkamahiyain ng iyong anak ay nakakasagabal sa kanyang paglaki at pag-unlad, ang pinakamagandang hakbang ay dalhin siya sa doktor.
Matuto pa tungkol sa Pagiging Magulang dito.
[embed-health-tool-bmi]