Napakahalaga para sa mga bata na pangalagaan ang kanilang dental health. Sa katunayan, ang first visit nila sa dentista ay dapat kapag 1 year old o sa loob ng 6 buwan pagkatapos ng pagtubo ng unang ngipin. Ang unang pagtubo ng ngipin ay pahiwatig na kailangan na nila ng toothbrush. Sa una, hindi nila kailangan ng toothpaste. Ngunit kapag umabot na sila sa 18 buwang gulang (o ayon sa tagubilin ng kanilang dentista), magsisimula silang mangailangan ng toothpaste. Maaari ba ang adult toothpaste para sa bata? Anong ang mga dapat tandaan ng mga magulang tungkol sa kalusugan ng ngipin ng kanilang anak? Alamin dito.
Pwede ba ang adult toothpaste para sa bata?
Ang tanong ay kung pwede ba ang adult toothpaste para sa bata? Kailangan muna nating pag-usapan ang pagkakaiba ng toothpaste para sa mga bata at matatanda.
Ang pangunahing pagkakaiba ay ang dami ng fluoride. Ito ay mas mataas sa adult toothpaste, kaya mahalaga na dapat isaalang-alang sa pagpili ng brand ng toothpaste para sa iyong anak.
Ang iba pang mga pagkakaiba ay nasa nilalaman nito. Bukod sa panlinis ng ngipin, maraming brands ng adult toothpaste ang may ibang purpose (pampaputi, sensitibong lunas, atbp.) Hindi kailangan ng mga bata ang mga partikular na laman para sa pampaputi o sensitibong ngipin.
Tandaan din na ang mga bata ay hindi pa kayang iluwa nang maayos ang toothpaste; baka lunukin pa nga nila minsan. Kasama itong isinaalang-alang sa paggawa ng toothpaste ng bata.
Panghuli, maroon tayong dental fluorosis, na maaaring magresulta mula sa paggamit ng adult toothpaste (dahil sa mataas na nilalaman ng fluoride nito). Gayunpaman, maaari rin itong mangyari mula sa fluoridated water ingestion.
Iba Pang Mga Panganib na Kaugnay ng Paglunok ng Maraming Fluoride
Tulad ng nabanggit sa itaas, ang nilalaman ng fluoride ay mahalagang kadahilanan sa pagpili ng brand ng toothpaste ng iyong anak. Pwede ba ang adult toothpaste para sa bata? Ang paglunok ng sobrang fluoride ay maaaring magresulta sa mga sumusunod:
- Skeletal Fluorosis – Nagiging sanhi ng mas mahinang buto, nauugnay/may kasamang pananakit at paninigas
- Sumasakit ang tiyan – Nakakairita sa gastric lining
Mga Palatandaan ng Dental Fluorosis
Nag-aalala ka ba tungkol sa paggamit ng iyong anak ng toothpaste na may mataas na fluoride content? Nababahala ka ba tungkol sa fluorosis ng ngipin? Nasa ibaba ang mga palatandaan na dapat bantayan:
- Faint, white lines sa ngipin
- Dark brown o madilaw na mantsa
- Pitted o magaspang na enamel
- Chalky appearance
Paano Inaalagaan ng Mga Magulang ang Kalusugan ng Ngipin ng Kanilang Anak
Narito ang ilang tip para sa mga magulang upang makatulong na itaguyod at protektahan ang kalusugan ng ngipin ng kanilang anak:
- Pumili ng angkop na toothpaste para sa mga bata. Pumili ng kiddie (training) toothpaste na may zero o mababang fluoride na nilalaman at may mas banayad na abrasive particles at walang paraben.
- Gabayan at pangasiwaan ang pagsisipilyo ng ngipin sa ng bata. Sa ganoong paraan matuturuan mo silang huwag lunukin ang toothpaste. Gayundin, gumamit lang ng pea-size para sa mga bata.
- Kumunsulta sa dentista kapag napansin ang red flags, tulad ng mga senyales ng dental fluorosis.
Tips sa Pangangalaga sa Ngipin ng Bata
Narito ang mga karagdagang tip para sa pangangalaga sa kalusugan ng ngipin ng isang bata:
- Magsipilyo ng dalawang beses araw-araw. Siguruhin na ang toothpaste at toothbrush ng iyong anak ay angkop para sa kanila.
- Turuan silang magsipilyo gamit ang mga tamang stroke (pataas pababa o maliliit na bilog). Huwag ding kalimutang i-brush ang kanilang dila.
- Kailangan ding mag-floss ng ngipin ang mga bata. Tulungan ang iyong anak na mag-floss nang ligtas at mabisa.
- Dalhin sila sa dentista tuwing 6 na buwan. Maaaring hilingin sa iyo ng dentista na dalhin ang iyong anak nang mas madalas kung kinakailangan.
Key Takeaways
Maaari ba ang adult toothpaste para sa bata? Malamang na hindi ito magandang ideya. Dahil sa mga sumusunod na dahilan: - Ang adult toothpaste ay may mas mataas na fluoride content na maaaring humantong sa dental fluorosis, skeletal fluorosis, at pananakit ng tiyan.
- Hindi tulad ng kiddie toothpaste, ang adult toothpaste ay maaaring may mga karagdagang sangkap para sa pagpaputi at sensitivity relief na hindi kailangan ng mga bata.
- Ang brands ng kiddie toothpaste ay ginawa sa pag-iisip na ang mga bata ay hindi pa mailuluwa nang maayos o maaari pang lunukin ang toothpaste.
- Ang kiddie toothpaste ay may hindi gaanong abrasive articles.
Kung may mga katanungan ka, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa dentista ng iyong anak. Matuto nang higit pa tungkol sa Pagiging Magulang dito.
[embed-health-tool-bmi]