backup og meta

Socio-Emotional Development Ng Bata: Heto Ang Dapat Mong Malaman

Socio-Emotional Development Ng Bata: Heto Ang Dapat Mong Malaman

Preschooler, sila ang mga bata na nagsisimulang makakilala at magkaroon ng kamalayan sa mga damdamin at emosyon ng iba. Sa puntong ito, ang mga magulang ay dapat maghanap ng mga paraan para mas pagyamanin ang socio-emotional development ng bata.

Ano Ang Socio-Emotional Development?

Ang socio-emotional development ay isang proseso na nauugnay sa pag-unlad ng isang bata. Ito ay tungkol sa kung paano ipinapahayag, nauunawaan, at pinamamahalaan ng mga bata ang kanilang mga damdamin at emosyon pati na rin ang pagkontrol sa kanilang pag-uugali.

Ang prosesong ito ay tungkol din sa kakayahan ng mga bata na kilalanin ang damdamin at emosyon ng ibang tao. Bahagi ng socio-emotional development ng mga preschooler ang pagbuo at pagpapanatili ng mga relasyon sa ibang mga bata at matatanda.

Ang Kahalagahan Ng Socio-Emotional Development

Mahalaga ang socio-emotional development ng bata sapagkat:

  • Nakakatulong ito sa kanila na bumuo ng mga relasyon sa murang edad.
  • Nakakatulong ito sa kanilang brain development.
  • Tinutulungan silang gumalaw nang maayos kahit na sila ay nasa bahay, sa paaralan, o saan pa man.
  • Ang mga bata ay binibigyang kapangyarihan at lumalaking may kumpiyansa sa kanilang sariling kakayahan na harapin at lutasin ang mga problema. 
  • Nakakatulong ito sa kanila na maging matagumpay sa paaralan gayundin sa pagbuo at pagpapanatili ng malusog na relasyon sa iba.
  • Natututo silang magtiwala, magmalasakit, at magbigay ng importansya at pagpapahalaga sa mga nakapaligid sa kanila.
  • Natututo ang mga bata na maging responsable sa mga desisyong kanilang gagawin.
  • Ito ay nagtutulak sa kanila na magtakda at makamit ang mga layunin na lubos na makakaapekto sa kanilang pag-unlad.
  • Nakakatulong ito na tukuyin kung paano sila gaganap at tutulong sa lipunan.

Mga Milestone Ng Socio-Emotional Development Ng Preschooler

Narito ang mga milestone sa socio-emotional development ng bata, edad 3 hanggang 5:

  • Naglalarawan ng mga pangunahing damdamin (kalungkutan, kaligayahan, pananabik, galit) sa pamamagitan ng mga salita. 
  • Nauunawaan ang ideya ng pagsasabi ng “sorry” at alam kung kailan ito sasabihin. Kailangang patuloy na magbigay ng mga paalala ang mga magulang dahil ang mga preschooler ay nag-a-adjust pa rin sa mga pagbabago.
  • Alam kung ano ang generosity. Posible na magbibigay sila ng mga bagay sa kanilang sariling kalooban kaya huwag asahan na madalas silang magbibigay. 
  • Kinikilala ang feeling of guilt at kahihiyan. Ang mga bata sa edad na ito ay nagsisimulang itago ang totoo kapag naramdaman nilang may nagawa silang mali.

Ang pagsisinungaling (white lies) ay bahagi ng proseso ng development ng bawat bata. Madalas na nangyayari ang white lie-telling sa mga preschooler dahil hindi pa rin nila alam na nagsisinungaling sila. Ginagamit din nila ito para subukan at makita ang mga reaksyon ng mga matatanda o ng kapwa bata.

  • Alam kung paano ipahayag sa salita ang kanilang pagkabigo at inis sa kanilang mga magulang o kanilang mga kaibigan. 
  • Nagiging mas mulat sa kanilang mga kilos at pag-uugali at kung paano pamahalaan ang mga ito. 
  • Naiintindihan at sinusunod ang mga rules para maiwasan ang mga parusa. 
  • Kinikilala at nagpapakita ng pag-unawa sa damdamin ng ibang tao.

Pag-Aalaga Ng Socio-Emotional Development Ng Bata

Bilang mga magulang, tungkulin ninyong magbigay ng patnubay sa inyong mga anak. Ang iyong guidance ay isang pangunahing factor para mahasa nila ang kanilang socio-emotional skills. Narito ang ilang mga tip sa kung paano pagyamanin ang socio-emotional development ng mga preschooler:

1. Maging mabuting halimbawa

Ang karakter ng isang bata ay nakasalalay sa pag-uugali ng magulang at sa paraan ng kanilang pakikitungo sa mga emosyon. Ang pagiging mabuting role model ay isang paraan para matulungan ng mga magulang ang kanilang mga anak na magkaroon ng mabubuting gawi at pag-uugali.

2. Ipakita ang iyong emosyon

Huwag matakot na ipakita ang mga emosyon at kahinaan sa mga bata. Makakatulong ito sa kanila na maging malugod at ligtas na ibahagi din ang kanilang mga emosyon. Mas malalaman din nila na ang kanilang mga ginagawa ay magkakaroon ng emosyonal na epekto sa kanilang mga magulang.

3. Pagiging responsive

Ang pagtugon sa pag-uugali at emosyon ng iyong anak ay may malaking impluwensya sa kanilang paglaki. Ang mga preschooler ay matututo ng pakiramdam ng pagmamalasakit, pangangalaga, at pag-unawa mula sa pagtugon ng kanilang mga magulang.

4. Maging mapagmahal

Nakakatulong ang pagpapakita ng pagmamahal at affection sa mga bata sa pagbuo ng kanilang kumpiyansa at pagpapahalaga sa sarili. Ito rin ang magtuturo sa kanila kung paano maging mapagmahal sa iba. Ang pagiging mapagmahal ay nakakatulong  sa socio-emotional development ng bata.

5. Hikayatin ang iyong anak na makipagkaibigan

Hayaang maranasan nila ang saya ng pagkabata sa pamamagitan ng pagpayag sa kanila na bumuo ng mga relasyon sa ibang mga bata. Ang pakikipagkaibigan ay makakatulong sa mga preschooler na matuto ng ilang mga kasanayan tulad ng pagbabahagi, pakikipagtulungan, at pamamahala sa mga damdamin at pag-uugali ng ibang bata. 

Iwasang pilitin ang mga preschooler na makipagkaibigan dahil ang iba’t ibang mga bata ay may iba’t ibang diskarte pagdating sa pakikipagkilala sa mga bagong tao.

6. Makipaglaro sa iyong anak

Ang paglalaro ay hindi lamang para sa kasiyahan. Isa rin itong paraan para mapangalagaan ng mga magulang ang sosyo-emosyonal na pagsulong ng mga preschooler. Makipaglaro sa iyong anak nang madalas hangga’t maaari. Para matutunan ang ideya ng panalo at pagkatalo, pakikipagnegosasyon, at pagbabahagi. 

7. Pag-usapan ang tungkol sa emosyon ng iyong anak

Makipag-usap sa iyong anak tungkol sa mga damdaming nararamdaman niya. Ito ay mag-iiwan ng positibong impresyon sa iyong anak. Malalaman nila na nariyan ka para magmalasakit at handang makinig sa kanilang mga iniisip. Magbibigay-inspirasyon din sa iyong preschooler na gawin din ito sa ibang mga tao.

8. Mag-alok ng tulong kapag kailangan

Masarap hayaan ang mga preschooler na mag-explore at mag-isip ng mga bagay-bagay nang mag-isa. Bagama’t mangangailangan pa rin sila ng tulong kapag sila ay nasa mahirap na mga kalagayan. 

Hindi kailangang abalahin ng mga magulang ang oras ng paglalaro ng mga bata kung sa tingin nila ay nahihirapan sila. Sa halip, makabubuti kung hintayin na lamang ng mga magulang na humingi ng tulong ang mga anak.

Key Takeaways

Hanggang sa makuha ang lahat ng kinakailangang kasanayan na kailangan, ang mga preschooler ay patuloy na lalago at uunlad. Ang mga kasanayang makukuha nila sa kanilang kabataan ay tutulong sa kanila na maging mas malusog at mas maayos na mga indibidwal sa hinaharap.
Ang socio-emotional development ng bata ay kasing halaga ng iba pang mga pag-unlad tulad ng mental at pisikal.

Matuto pa tungkol sa Pagiging Magulang dito.

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Research Findings About the Importance of Social and Emotional Health, https://www.ecmhc.org/tutorials/social-emotional/mod1_1.html, Accessed July 1, 2020

Social-:Emotional, https://pathways.org/topics-of-development/social-emotional/, Accessed July 1, 2020

What is Social and Emotional Development, http://helpmegrowmn.org/HMG/HelpfulRes/Articles/WhatSocialDev/index.html, Accessed July 1, 2020

What is Social and Emotional Development? https://dmh.mo.gov/healthykids/parents/social-emotional-development, Accessed July 1, 2020

Social-Emotional Development Domain, https://www.cde.ca.gov/sp/cd/re/itf09socemodev.asp, Accessed July 1, 2020

Social-Emotional Development: Preschool Children, https://www.virtuallabschool.org/fcc/social-emotional/lesson-3, Accessed July 1, 2020

Social and Emotional Development for Preschoolers, https://www.education.vic.gov.au/parents/child-development/Pages/preschoolers-social-emotional.aspx, Accessed July 1, 2020

Lying in Early Childhood, https://www.gracepointwellness.org/462-child-development-parenting-early-3-7/article/14336-lying-in-early-childhood, Accessed July 1, 2020

Kasalukuyang Version

01/20/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Mga Hindi Dapat Gawin Sa Harap Ng Bata Bilang Magulang?

5 Sakit Na Maaari Makuha Ng Iyong Anak Kapag Naulanan Sila!


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement