backup og meta

Spoiled ba ang Iyong Anak? Heto ang mga Tips na Maaaring Makatulong

Spoiled ba ang Iyong Anak? Heto ang mga Tips na Maaaring Makatulong

Ang maliliit na bagay na ginagawa ng iyong anak ang nakakapagpa-isip sa’yo kung “Nagpapalaki ba ako ng “spoiled na bata”. Sa artikulong ito, pag-uusapan natin ang mga tips kung paano magpalaki ng mabait, at responsableng anak.

Ano ang mga Senyales na ang Spoiled na Bata? 

Ang pagmamahal sa anak ay bahagi ng pagiging isang magulang. Walang ibang nais na ibigay ang isang magulang sa anak kundi ang pinaka mabuti lamang, protektahan sila mula sa mga nakakasama at ipaalam na lagi silang nasa likod ng mga ito. 

Ngunit, minsan, ang labis  na pagpapalayaw at pagprotekta sa mga anak ay maaaring humantong sa labis din na paghingi ng mga kagustuhan na ito at pakiramdam na may karapatan ito sa maraming bagay. Kung kaya, ang “overparenting” ay nagpapataas sa tyansa ng pagpapalaki ng isang batang nais maging sentro at inaasa ang halos lahat sa’yo. 

Ano ang mga senyales na ikaw ay nagpapalaki ng “spoiled na bata” ay: 

  • Hindi nakikinig sa mga utos at pagpapatigil
  • Hindi alam ang kanilang pangangailangan at kagustuhan
  • Labis na paghingi ng pangangailangan
  • May kaunting pakialam lamang (o walang pakialam) sa karapatan ng iba.
  • Hindi nakikiisa kung may mga mungkahi ka (nangangahulugan na ginagawa nila ang bagay sa kanilang pamamaraan)
  • Hindi maayos na matanggap ang kabiguan
  • May pagkakataon na umaangal, nagrereklamo, o tantrums 

“Parang nagpapalaki ako ng Spoiled na Bata, Paano ito Baguhin?” 

Bago pa man ang lahat, huwag maging masyadong masama sa sarili. 

Maaaring napapansin na ang iyong anak ay spoiled na bata, ngunit hindi ito nangangahulugan na ikaw ay nagba-“bad” parenting. Ang iyong pamamaraan ay mula sa pagmamahal.

Bukod dito, walang malinaw na paliwanag na naghihiwalay sa pagpapalayaw at pag-aaruga, gaya lamang sa walang tiyak na manwal sa pagiging magulang.

Ang maganda rito ay maraming bagay ang maaaring gawin sa pagpapalaki ng mabuti at mabait na bata. Maaaring subukan ang mga tips na sumusunod:

Maging kanilang External Control habang nade-develop ang kanilang Self-Control 

Isa sa mga bagay sa pagpigil na maging spoiled ang bata ay ang pagdidisiplina sa mga ito. 

Ayon sa mga eksperto dapat itong magsimula pa lamang sa paggapang pa lamang ng bata. Mainam para sa mga ito marinig ang “hindi” nang madalas. Huwag mag-alala, mamahalin ka pa rin ng iyong anak disiplinahin mo man ang nga ito. 

Iwasan ding magpatalo sa tantrums. Hanggan’t sila ay ligtas habang umiiyak, maaari mo itong hindi pansinin, ayon sa mga eksperto. Hindi rin iminumungkahi na makipag negosasyon sa mga ito. Hanggang sila ay may disiplina na sa sarili at kontrol sa sarili, maging kanilang external na kontrol.

Italaga sila sa mga Gawaing-bahay 

Mayroong mga benepisyo ang mga gawain na naaayon sa edad. Halimbawa, ang mga gawaing-bahay ay nakatutulong upang matuto ang mga bata maging independent at maging responsable. 

Maaaring hindi agad magawa nang maayos ang mga gawaing-bahay sa ilang subok at maaaring magresulta sa mas mahirap na gawain para sa’yo. Maging maunawain at ipagpatuloy ang pagpapagawa ng mga gawain sa kanila.

Magtalaga ng mga Tuntunin at Kagawian

Ang mga tuntunin at kagawian ay bahagi ng pagtulong na mabuo ang disiplina. Bigyang kahihinatnan ang mga ito kung hindi susundin ang mga mabibigat na tuntunin (tulad ng hindi pamamalo sa ibang bata, pananatili sa upuan ng sasakyan, etc.) 

Ipatupad ang mga tuntunin at disiplina maging sa masasayang aktibidad. Kung wala sa bahay, humanap ng tahimik at pribadong lugar upang ipaalam sa kanila kung ano ang nagawa nila at kahihinatnan na maaari nilang harapin.

Turuan silang Magpasalamat 

Ang pagtuturo sa bata ng pagpapasalamat ay maaaring makapigil sa kanila maging spoiled na bata. Ang pasasalamat ay may kaugnayan sa kabuuang pagkatao. Bukod dito, ang pagpapakita ng pasasalamat ay nakakatulong sa bata na magpahalaga sa mga bagay na ginagawa ng iba para sa kanila.

Turuan sila ng Mabuting Asal 

Kung nag-aalala na nagpapalaki ng spoiled na bata, mainam na turuan silang isaisip ang kanilang asal. Bukod sa pagsasabi ng pasasalamat, alamin na ang maliliit na bagay tulad ng magalang na pagsasalita, pagkakaroon ng magandang asal sa hapagkainan, at pagpapakita ng sportsmanship ay malaking tulong.

Huwag Tulungan ang Bata sa mga Simpleng Problema 

Maging suportado, ngunit ayon sa eksperto mainam na hayaan ang bata na resolbahin ang kanilang maliit na problema at pangasiwaan ang mga normal na stress sa buhay. Sa ganitong paraan, matututo sila ng pagsasarili at mabubuo ang kakayahan sa problem-solving.

Ipaalam sa kanila ang Kahalagahan ng Pera 

Ang pagpapakita sa bata ng kahalagahan ng pera ay makakapigil sa kanila maging spoiled na bata. Ipaalam sa kanila ang presyo ng mga bagay at kung bakit ang pamilya ay nagba-budget. Kung sila ay may allowance na, turuan din silang pangasiwaan ito. 

Mayroon ka bang iba pang tips para sa mga magulang na hindi nais maging spoiled ang kanilang anak? Ibahagi ito sa amin sa comment section. Maaari ring umpisahan ang usapan sa parenting community

Matuto pa tungkol sa Parenting dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Spoiled Children: Prevention, https://hhma.org/healthadvisor/pa-prevspo-hhg/, Accessed March 3, 2022

10 Signs You Are Raising A Spoilt Child, https://blog.kingscollege.qld.edu.au/10-signs-you-are-raising-a-spoilt-child, Accessed March 3, 2022

Spoiling vs Nurturing – How to Ensure that Your Child has it all, http://www.urbanchildinstitute.org/articles/editorials/spoiling-vs-nurturing, Accessed March 3, 2022

Chores and Children, https://www.aacap.org/AACAP/Families_and_Youth/Facts_for_Families/FFF-Guide/Chores_and_Children-125.aspx, Accessed March 3, 2022

Gratitude and Well Being, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3010965/, Accessed March 3, 2022

Kasalukuyang Version

10/25/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Tulungan Ang Mga Bata Sa Muling Pagpasok Sa Paaralan?

Paano Makipaglaro Sa Bata? At Bakit May Benepisyo Ang Roughhousing?


Narebyung medikal ni

Dexter Macalintal, MD

Lifestyle Medicine, Registered Nutritionist Dietitian


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement