Safety ng bata ang ating priyoridad bilang mga magulang. Ngunit gaano man natin sinusubukang protektahan ang ating mga anak, darating ang oras na sila ay lalaki at mag-e-explore sa mundo. Kapag sila ay nasa labas, mahirap silang bantayan. Kaya mas mahirap silang protektahan mula sa panganib at potential hazards. Bilang magulang, kailangan natin silang turuan ng safety rules ng bata.
Safety Rules ng Bata
Gawin silang ligtas sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila ng safety rules.
-
Isaulo ang mahahalagang detalye
Alamin ang kumpletong pangalan at contact information ng kanilang mga magulang. Ito ay makakatulong sa kanila sa oras ng anumang emergency. Ipaisaulo sa kanila ang mga detalyeng ito.
-
Huwag buksan ang pinto para sa mga estranghero
Kung nasa hustong gulang na ang iyong mga anak para mag-isa sa bahay (bagaman hindi pa rin hinihikayat), turuan silang panatilihing naka-lock ang mga pinto sa lahat ng oras. Mahalagang malaman palagi kung sino ang nasa pintuan bago sila papasukin. Kung hindi sila pamilyar na mukha, panatilihing nakasara ang pinto.
-
Mag-ingat sa pagtawid sa kalsada
Ang younger kids ay dapat may kasamang matanda kapag tumatawid sila sa kalye. Isa pa itong mahalagang safety rules ng bata. Para sa mga matatanda, turuan silang gumamit ng pedestrian at tumingin sa magkabilang direksyon bago tumawid. Higit sa lahat, huwag gamitin ang gadgets kapag ginagawa ito dahil distractions ang mga ito.
-
Safety rules ng bata: Good touch vs bad touch
Walang sinuman ang pinapayagang hawakan ang iyong katawan nang walang pahintulot mo. Turuan sila nang malinaw tungkol sa bawat bahagi ng katawan. Ito ay upang maipaalam nila sa iyo kung hindi sila komportable sa sinumang humipo sa alinman sa mga bahaging ito. Ipaalala sa kanila na mayroon silang ganap na kontrol sa kanilang katawan, at ipakita sa kanila ang pagkakaiba sa good touch at bad touch.
-
Huwag kailanman maglihim sa iyong mga magulang
Sanayin ang iyong anak sa murang edad na huwag maglihim sa iyo at hindi kailanman okay kapag ang ibang tao — maging ito ay isang kamag-anak o isang kaibigan — na hilingin sa kanila na gawin ito. Patunayan sa kanila na maaari ka nilang lapitan para sa anumang bagay.
-
Huwag lumusong sa tubig nang walang matanda
Nasasabik ang mga bata kapag nakakita sila ng pool o bathtub. Ibig sabihin, dapat laging may adult na naka-monitor sa kanila sa lahat ng oras dahil ang mga bata ay maaaring malunod sa ilang talampakan lamang ng tubig.
-
Hindi dapat maglaro ng apoy
Ang mga maliliit na batang ito ay likas na mausisa ngunit hindi alam ang panganib na naghihintay sa kanila kapag nag-eksperimento sila sa apoy. Kaya sabihin sa kanila na huwag paglaruan ang posporo o gas lighter, kahit na sa harap ng isang adult. Huwag kaligtaan ang safety rules ng bata na ito.
-
Manatili sa kinaroroonan mo kapag naligaw ka o nahiwalay sa iyong mga magulang
Dapat silang manatiling kalmado at manatili sa kinaroroonan nila hanggang sa makarating ang kanilang mga magulang. Sabihin sa kanila na dapat silang humingi ng tulong; gawin ito mula sa isang babaeng may mga anak, pinakamalapit na information counter o help center, o isang pulis.
-
Bigyang-pansin ang mga allergy
Kung ang iyong anak ay may allergy sa isang partikular na pagkain o bagay, tiyaking natuturuan sila tungkol dito upang malaman nila kung ano ang dapat gawin at iwasan.
-
Umiwas sa medicine cabinet
Hindi ito dapat madaling maabot ng mga bata upang maiwasan ang aksidenteng overdose o maling pag-inom ng gamot. Ang mga gamot ay dapat lamang ibigay ng kanilang mga magulang o pinagkakatiwalaang tagapag-alaga.
-
Mag-ingat sa iyong mga online activities
Tandaan ang safety rules ng bata na ito. Bagama’t pinapayagan sila ng internet na kumonekta, matuto, at maglaro, hindi maikakaila na ang online world ay hindi ang pinakaligtas na lugar para sa kanila. Kaya pinakamainam na sabihin sa kanila na huwag magbahagi ng personal na impormasyon online.
Key Takeaway
Ang pagtuturo sa iyong anak ng ilang safety rules ng bata ay hindi lamang nagpoprotekta sa kanila ngunit nagbibigay sa kanila ng sense of autonomy at responsibilidad. Magkaroon ng bukas na pakikipag-usap sa iyong anak/mga anak nang madalas upang maging komportable silang humingi sa iyo ng tulong. Matuto nang higit pa tungkol sa Pagiging Magulang at Mga Bata sa Eskwelahan dito.
Ang kuwentong ito ay orihinal na lumabas sa Edamama at muling ginamit nang may pahintulot:
https://www.edamama.ph/discover/play-learn/safety-rules-to-teach-kids
[embed-health-tool-bmr]