Masaya ang mga magulang kung ang kanilang mga anak ay ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya sa pag-abot ng nais nila. Ngunit minsan, ang “pagsasagawa ng lahat ng makakaya” ay nagmumula sa pagiging perfectionist ng bata. At sinasabi ng mga eksperto na ito ay may dulot sa mental na kalusugan. Paano mo malalaman kung ang iyong anak ay perfectionist, at ano ang ugnayan sa pagitan ng perfectionism at anxiety? Alamin dito.
Perfectionism, Alamin
Bago tayo magtungo sa mas malalim na talakayan tungkol sa perfectionism at anxiety, una muna nating bigyan ng kahulugan ang perfectionism.
Sa kabuuan, ang perfectionism ay binigyan ng kahulugan bilang tendensiya na magtiyaga patungong pagiging mahusay. Ito rin ay pagtatakda ng mataas na standard sa sarili. Sinasabi rin ng mga eksperto na ito ay “multidimensional phenomenon” na may dalawang pangunahing mas mataas na salik, ang una ay tungkol sa perfectionistic concerns, at ikalawa ang perfectionistic striving.
Ang perfectionistic concerns ay nakatuon sa pag-iisip na ang mahahalagang tao ay nagtatakda ng mataas na standards para sa kanila. Ito rin ay kaugnay ng lubos na alalahanin tungkol sa mga pagkakamali na nagawa nila at ang tendensiya na magdalawang isip sa kanilang kakayahan. Ang perfectionistic striving ay nakatuon sa tendensiya na magtakda ng mataas na expectations at standard sa sarili at pansariling gawain.
Bagaman ang perfectionism ay hindi kinokonsidera na mental disorder, ito ay labis na may kaugnay sa ibang mental na kondisyon sa kalusugan, tulad ng Autism Spectrum Disorder, anxiety, depression, obsessive-compulsive disorder, at bipolar disorder.
Healthy vs Unhealthy Perfectionism
Kahit na inuugnay ang perfectionism sa anxiety (at iba pang mental na isyu sa kalusugan), kailangan na malaman ng mga magulang na ang perfectionism ay healthy rin.
Ang healthy perfectionism ay may kahulugan na ang bata ay ginagawa ang lahat ng makakaya nila sa oras at kagamitan na mayroon sila, at nagpapatuloy kung nagtagumpay man sila o hindi sa kanilang nais. Ang mga batang may healthy perfectionism ay maaaring magtakda ng mataas na standards, ngunit mayroon din silang unti-unting pagtanggap sa kanilang sarili. Karagdagan, maaari din nilang i-manage ang kanilang ugali upang hindi makasagabal sa kanilang buhay.
Ngayon, ang unhealthy perfectionism — ang iniuugnay sa mental na isyu sa kalusugan, ay nangyayari kung ang mga tao ay nagtakda ng imposibleng mataas na expectation para sa kanilang mga sarili. Sa karamihan ng mga kaso, iniisip nila na ang kanilang tagumpay ay kulang sa kanilang walang bahid at hanagganan na pamantayan. Ang mga batang may unhealthy perfectionism ay kadalasang iniisip na “all or nothing”. Kailangan nilang makuha lahat ng bagay, kung hindi ay nakikita nila itong kabiguan. At kung hindi ito perpekto ay nagiging balisa sila.
Ang mga magulang na may anak na mayroong unhealthy perfectionism ay maaaring mapansin na ang kanilang mga anak ay mas pinahahalagahan ang kanilang performance kaysa sa ibang aspeto sa kanilang buhay.
Ugali ng Perfectionist na Bata
Ang mga batang mahusay sa akademya ay mapapansin na walang problema. Ngunit sinasabi ng isang pag-aaral na ang mataas na performance sa akademya ay maaaring magsimula ng hindi magandang cycle sa tagumpay at perfectionism. Habang mas marami silang napagtatagumpayan, mas marami ang kanilang ninanais ng higit pa.
Ito ang rason bakit ang perfectionism at anxiety ay sobrang magkaugnay. Para sa rason na ito, kailangan na tignan ng mga magulang ang mga sumusunod na senyales na ang kanilang mga anak ay may unhealthy perfectionism:
- Pagiging self-critical o ayaw mapahiya
- Pag-iisip na ang kanilang ginagawa ay hindi sapat
- Pagkakaroon ng anxiety kahit na sa kaunting pagkakamali
- Pagiging sensitibo sa kritisismo
- Pagkakaroon ng pakiramdam na hindi sapat
Ang mga batang may unhealthy perfectionism ay maaaring maging labis na maingat pagdating sa pakikisalamuha at sa emosyon. Maaaring maging kritikal din sila sa ibang bata o tao.
Paano Makatutulong ang mga Magulang
Ang unang bagay na maaaring gawin ng mga magulang ay tignan ang mga senyales ng unhealthy perfectionism at makialam kung kinakailangan. Maaari kang makialam sa pamamagitan ng:
- Pagiging mabuting role model sa pagdadala ng tagumpay and bigyang pansin ang mga anak sa harap ng pag tamasa nito
- Tulungan sila sa pagtakda ng realistic goals at reasonable standards
- Bigyan ng pansin ang proseso kaysa sa resulta ng kanilang gawain
- Patuloy na magbigay ng suporta, affection, at pagmamahal kahit na hindi nila napagtatagumpayan ang nais.
- Iwasan ang pagkukumpara sa ibang mga kapatid o bata
- Turuan sila na matuto mula sa pagkakamali, baguhin, at magsimula muli.
- Gabayan sila sa pamamagitan ng pagbibigay at pagtanggap ng komento.
Syempre, huwag kalimutan na makipag-ugnayan sa kanilang mga guro. Kung ang kanilang pagiging perfectionism ay nakahadlang na sa kanilang pang-araw-araw na buhay at ang paraan ng pakikisalamuha sa iba, mainam na dalhin sila sa healthcare professional.
Mahalagang Tandaan
Ang unhealthy perfectionism at anxiety ay maaaring magkaugnay. Ang mga batang hindi magawa nang perpekto ay karaniwang nakakaramdam ng hindi maganda sa sarili nila. Dahil dito, kailangan na bantayan ng mga magulang ang senyales ng unhealthy perfectionism. At makialam nang may gabay mula sa health professional.
Matuto pa tungkol sa Pagiging Magulang dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.