Ang school-age na mga bata ay karaniwang mas vocal pagdating sa kanilang mga gusto at hindi gusto, lalo na tungkol sa mga pagkain. Ngunit, ang mga magulang ay hindi maaaring laging ibibigay ang kanilang mga gusto. Ang nutrisyon ay gumaganap ng isang mahalagang papel sa kanilang paglaki at pag-unlad. Upang matulungan ka sa pagpaplano ng pagkain, narito ang ilan sa mga pinakamahusay at masustansyang pagkain para sa bata:
Masustansyang Pagkain para sa Bata: Mga Sariwang Prutas
Ang prutas ay isa sa pinakamagagandang pagkain na maibibigay sa iyong grade-schooler dahil mayaman sila sa bitamina, fiber, antioxidant, at maging sa tubig. Bukod dito, ang karamihan sa mga prutas ay madaling nakakaakit sa mga bata dahil sa kanilang natural na tamis at kulay.
Ayon sa mga eksperto, kailangan ng mga bata ng 2 hanggang 3 servings ng prutas araw-araw. Para sa karagdagang variety, tandaan na maaari rin na maghain ng dried fruits, canned, o frozen. Okay din ang fruit juice pero pumili ng mabuti. Iwasan ang matatamis na inumin at limitahan ang serving sa 1 tasa araw-araw.
Mga Gulay at Dip
Kahit anong gulay ay bahagi ng masustansyang pagkain para sa bata. Pero tandaan na mahalaga ang variety. Tulad ng mga prutas, ang mga gulay ay puno ng mga bitamina, mineral, hibla, at antioxidant na nagpapalakas sa kalusugan ng iyong anak. Ang problema lang, minsan hindi sila gusto ng mga bata.
Para magustuhan ng iyong grade-schooler na kumain ng mas maraming gulay, bakit hindi sila handaan ng mga ito na may mga dips? Ang ilan sa mga pinakamahusay na gulay para sa dipping ay:
- Pipino
- Carrots
- Celery
- Broccoli
- Cauliflower
Ang mga batang nag-aaral ay kailangan ng 2 hanggang 3 servings ng gulay araw-araw, kaya huwag kalimutang isama ang mga ito sa mga pagkain at meryenda.
Whole Grains
Ang mga school-age na mga bata ay kailangan ng maraming enerhiya. Kaya kailangan nila ng mahusay na mapagkukunan ng carbohydrates. Bigyan sila ng pasta, kanin, mais, oats, noodles, tinapay, at cereal.
Gayunpaman, hangga’t maaari, piliin ang whole grain variety. Binibigyang-diin ng mga eksperto na ang refined sugar tulad ng puting tinapay, pasta, at kanin, ay maaaring magdulot ng pagtaas ng asukal sa dugo.
Sa kabilang banda, pinapanatili ng buong butil ang karamihan sa kanilang mga orihinal na sustansya. Higit pa rito, binibigyan nila ang iyong anak ng pangmatagalang enerhiya.
Lean Meat
Ang lean meat na naglalaman ng mas kaunting taba, ay masustansyang pagkain para sa bata. Dahil ito ay naglalaman ng protina. Bukod dito, mayaman din ito sa iba’t ibang nutrients tulad ng iron, zinc, at B vitamins.
Gayunpaman, huwag kalimutang pakainin ang iyong anak ng iba pang karne mula sa isda at manok. Mabuti rin ang mga itlog. Sila rin ay nakakatulong sa pag-aayos ng tissue at muscle growth ng iyong anak.
Araw-araw, karamihan sa mga bata ay nangangailangan ng 2 servings ng lean protein.
Sandwiches
Ang isa pa sa pinakamaganda at masustansyang pagkain para sa bata ay mga sandwich.
Ito ay dahil ang mga sandwich ay versatile. Maaari silang ihain bilang meals o meryenda, at ang iyong anak ay maaaring pumili ng mga sangkap para gawing sandwich. Halimbawa, maaari mong ihain ang klasikong peanut butter sandwich para sa pagpapalakas ng protina. Maghanda ng manok at veggie spread, o kasama ng mga itlog.
Dagdag pa rito, ang mga sandwich ay madaling ihanda. Maaaring tumulong ang iyong anak sa paghahanda.
Cheese at Crackers
Kung naghahanap ka ng mga mapagpipilian na masustansyang pagkain para sa bata, puede ang mga cracker at keso.
Masustansya ang pares na ito. Ang whole grain crackers, lalo na iyong mga fortified brand, ay mayaman sa fiber at iba pang bitamina. Binibigyan din nila ng energy boost ang iyong grade-schooler. At ang keso ay isang masarap na pinagmumulan ng calcium at protina.
Gatas
Alam mo ba na ang mga grade-schooler ay nangangailangan pa rin ng 2 hanggang 3 servings ng dairy bawat araw para sa malakas na buto at pangkalahatang kalusugan? Ito ang dahilan kung bakit ang gatas ay isang masustansyang pagkain para sa bata.
Ang araw-araw na pagbibigay ng gatas ay mabuti. Ngunit huwag kalimutan ang iba pang mga dairy products, tulad ng keso at yogurt.
Tubig
Panghuli, huwag kalimutan ang tubig. Sa inuubos na lakas ng iyong mga anak sa pag-aaral at paglalaro, kailangan palagi silang hydrated.
Bukod dito, ang tubig ay mayroon ding iba pang mga function tulad ng pagtulong sa panunaw at pagpapanatili ng balanse ng fluid at electrolyte. Dahil dito, ang mga bata ay dapat uminom ng 6 hanggang 8 baso ng tubig araw-araw.
Key Takeways
Ang mga bata, anuman ang edad, ay kailangan ng iba’t ibang pagkain mula sa lahat ng pangkat ng pagkain, katulad ng mga prutas, gulay, butil, pagkaing protina, at dairy. Kailangan din nila ng healthy fats, na maaari mong isama sa kanilang diet sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga mani at buto o prutas tulad ng avocado. Mahalaga ang masustansyang pagkain para sa bata. Mahalaga rin kung paano ka naghahanda ng mga pagkain. Halimbawa: ang pagpili ng healthy cooking oils sa pagluluto ay nakakatulong na bawasan ang kanilang paggamit ng saturated (masamang) fats. Panghuli, huwag kalimutang i-monitor ang kanilang physical activity. Ang isang healthy diet at regular exercise ay parehong nakakatulong sa pagpapanatiling malusog ng iyong anak sa bawat stage ng kanilang paglaki at pag-unlad. Matuto pa tungkol sa Pagiging Magulang dito.
[embed-health-tool-bmi]